Chapter 1

41 5 0
                                    

CHAPTER 1
Transferee

"Yana, gising na! Wala ka bang pasok ngayon?" Naalimpungatan ako sa tawag ni lola. Anong oras na ba? Ang aga pa yata eh.

"Anong oras na po ba 'La?" Tanong ko habang nakapikit pa at yakap ang unan.

"Alas otso pasado na"

"Shit" agad akong napabangon at dali-daling dumiretso sa banyo para maligo. Pucha. Di na naman ba tumunog alarm ko o masarap lang talaga tulog ko? Hassle naman. Sana di ako malate nito, alas diyes pasok ko!

"Ikaw talagang bata ka! Anong shit ha? Ano na naman bang pinagkaabalahan mo kagabi at di ka na naman nagising sa alarm mo?" Sigaw ni Lola sa labas.

"Nag-aral ako 'La!" Joke, nanood akong kdrama. HAHAHAHAHA

Binilisan ko na ang pagligo, dahil kung hindi ay malelate talaga ako. Chineck ko muna ang bag ko at kung may naiwan pa ba ako, mahirap na. Pagkatapos magbihis, bumaba na kaagad ako.

"Mag-almusal ka muna Yana" anyaya ni Lola kaso alanganin na talaga ang oras, mamaya traffic pa eh. Ayoko pa naman nang nalelate.

"Di na po 'La. Oks na ko sa kape. Kape is life" buti nalang at nagtimpla na si Lola bago pa man ako bumaba, dali-dali kong inubos 'yon. "Alis na po ako 'La. Byers" at kumaripas na ako palabas.

Habang nasa byahe tinext ko na si Maha

To: Maha
Oy kupal, nasa school ka na?

From: Maha
Wala pa pre, taena traffic

To: Maha
Ano ba yan! Hahahaha. Akala ko nasa school ka na hayop. Otw palang din ako. Sige paunahan nalang. Charot!

Bahala na nga. As long as wala pa namang chat sa gc mga kaklase ko na andon na prof, kaya pa. Napakainit pa, leche.

5 minutes before 10 nasa gate na ko ng school. Dali- dali akong tumakbo pagkalagpas ko kay kuyang guard. Kailangan kong maunahan si Sir, sana late siya, kundi yari. 5th floor pa man din yung room namin, kainis!!!

"Hi Yana! Hingal na hingal ah" Bati ni Justine pagkapasok kong room. Kinawayan ko nalang siya dahil di ko pa siya masagot sa hingal ko. Uminom muna kong tubig.

"Oh, haggard mo naman teh. Anyare? Fun run?" Tanong ni Mary pagkakita sakin. Inirapan ko nalang siya.

"Mukha bang fun? Mukha ba kong masaya? Ha?! Tinakbo ko mula gate hanggang dito. Akala ko late na ko eh" sagot ko sa kaniya. Buti pa siya fresh na fresh, papaypay paypay nalang. Sana all

"Ano ngayon kung late? Di na uso pumasok nang maaga ngayon oy!" Loko talaga ampotek.

Maya maya pa, dumating na rin si Maha. Mukhang badtrip ah.

"Guys, announcement. Absent daw si Sir ngayon kasi nilalagnat siya" Agad akong napamura pagkarinig ko non. Taenang yan, bat di nagsabi agad? Edi sana tulog pa ko ngayon.

"Pst. Mary, tara baba. Bili tayo pagkain. Nagbreakfast ka na ba?"

"Hindi pa. Tara. Gutom na ko eh" sagot niya naman at kinuha na ang wallet sa bag.

"Same. Nagskip na ko ng breakfast para makaabot sa first subject tas pucha, absent pala" nag-usap nalang kami ng kung anu-ano habang pababa.

Pagkabalik namin ng room andon yung isa naming prof. Tsaka may student sa labas. Oh, ano meron? Pumasok na kami agad ni Mary. Mukhang may announcement si Miss eh.

"Okay class, may idadagdag ako sa section niyo. Transferee" sabi niya bago pinapasok yung nakita namin kanina sa labas. "Okay, go. Introduce yourself"

"Hi. Goodmorning. I'm Jasper Briones. 20. From Cagayan, I grew up in Canada but I'm fluent in Tagalog" Yown. Akala ko English spokening dollar na eh. Hindi ko na sana siya kakausapin hanggang matapos school year. Hahahaha. Oh biro lang.

"So ayon, sana makasundo niyo siya. Kausapin niyo 'to ah. Nakakapagsalita naman daw in Tagalog. Goodbye class. See you later!" Paalam ni Miss at umalis na. Okayyy?

Umupo siya sa may last row at agad naman siyang kinausap ng ibang kaklase namin. Pinangunahan pa nga ni Justine, ang pinakafriendly sa room. Kaya na nila 'yon. Hindi na mabobored 'yan sa kadaldalan ni Justine.

"Oy" sabay kalabit kay Mary. "Tulog muna ko, antok pa ko eh. Pagising nalang pag may prof"

"Gagi, matutulog din ako eh. Hahahaha. Kung sino nalang mauna magising, siya manggigising" sagot niya naman kaya sinang-ayunan ko nalang at yumuko na para matulog.

Pagkarating ng lunch, sabay sabay kaming bumaba na magkakaibigan.

"Jasper, gusto mo bang sumama samin maglunch?" Aya ni Justine sa transferee. At dahil nga bago, eh sumang-ayon siya.

"Sino may baon sa inyo?" Tanong bigla ni Angie.

"Nako kunwari ka pa, mambuburaot ka lang eh" sagot ni Nica sa kanya kaya nagtawanan kaming lahat. Sa lobby kami naglalagi tuwing lunch dahil doon maraming bench at mahangin pa. Pwedeng-pwede matulog pag nanaisin.

"Hoy" sabi ni Maha sabay siko sakin. Nilingon ko naman siya at sinamaan ng tingin. 'Tong kupal na 'to. "Bakit ang tahimik mo diyan? Wala ka na naman ba sa mood ha?"

"Manahimik ka. Wala ko sa mood. Bukod sa tinatamad akong magsalita eh badtrip pa rin ako kay Sir Alcaraz"

"Uy tara na. Lapit na magtime" biglang sabi naman ni Keila. Kaya nagsipagtayo na kami at pinulot ang mga kalat bago umakyat ulit. Medyo nada hulihan ako kasi trip ko lang at ang iingay nila, eh wala nga ako sa mood.

"Hi" bati ni Jasper, sinasabayan ako sa pag-akyat. Nginitian ko lang siya.

Nako sis huwag ngayon please. Wala ako sa mood.

"Kanina ka pa tahimik ah. Ganyan ka talaga?" Tanong niya pa ulit.

"Ah. Haha. Hindi naman. Wala lang ako sa mood magsalita" sagot ko at nahihiya na buti nalang at nakarating na kami kaagad sa room.

Maya maya pa ay pumasok na si Ma'am Buendia. Uh oh. Sana lang ay hindi ako antukin may quiz pa naman after magdiscuss nito.

"Okay, goodafternoon!" Bati niya sa amin.

"Goodafternoon Ma'am" sagot naman namin pabalik.

"Aba walang kabuhay-buhay. Inaantok na kayo? Siesta? Isa pa, goodafternoon!!!" Sigaw niya.

"Goodafternoon Ma'am Buendiaa!!!" Sagot namin pabalik, ngayon mas may buhay na.

"Ayon!!! Gising na, okay, so discuss na tayo? Labas niyo na handouts niyo" at ayon na nga, takte, bakit ba kasi ako sa tabi ng bintana napwesto. Nakakaantok yung hangin oy!

Pagpatak ng alas sais ay dali- dali na akong nag-ayos ng gamit. Sa wakaaasss, uwian na!!!

"Guys, kain tayo" aya ni Vince.

"Pass ako. Uwi na ko. Sa wed nalang Viiince" sagot ko. Gusto ko lang kasi matulog talaga dahil maghapon kong pinigilan antok ko. Sa susunod, di na ko magpupuyat para sa kdrama. Huhu. Scam.

"Ano ba yan! Sige ha. Sa wed, walang bawian"

"Yeps! Promise" sagot ko at sabay sabay na kaming lumabas ng campus.

Wind's EmbraceWhere stories live. Discover now