Chapter 2

31 7 1
                                    

CHAPTER 2
Neighbor

Naglalakad ako papasok ng subdivision nang mapansin kong may sumusunod sakin. Agad ko naman itong nilingon.

Fudge. Jasper?!!!

At bakit? Hala, sinusundan ba ko nito? Char. Assuming lang hehe. Stalker ba 'to?

Hindi ko nalang pinahalata na napansin ko siya. Maya- maya pa ay may kumalabit sakin.

"MAMAAAA!!!" hindi ko na napigilan ang pagsigaw. Holdap ba 'to? Wala akong pera. Yung cellphone ko uy!!! Unti-unti ko siyang nilingon at nakitang si Jasper lang pala.

"Pucha! Bat naman bigla bigla ka nalang mangangalabit? Tawagin mo muna ako ganon para informed ako. Muntik na kong atakihin sa puso sayo. Jusmiyo" diretsong saad ko at natawa naman siya sa naging reaction ko.

"You're funny" sambit niya habang natatawa pa ng kaunti.

"Abaaa. Anong funny funny ha?" Pag ikaw binatukan ko ewan ko nalang. "Oh bakit ka nandito sa subdivision namin ha?" Pagtatanong ko.

"What? I live here" sagot niya. Ay wehhh? Okay, assuming nga ako.

"Oh you live here? Where? Here? There? Over deeerrr?" Tanong ko. Ginulo niya ang buhok ko. Nakakarami na 'to ah. Ginulo pa buhok ko. Close ba kami?

"Beside yours" di pa agad rumehistro sa akin ang sinabi niya.

"ANOOO? KAPITBAHAY KITA? KAANO ANO KA NI TITA MACY?" gulat na tanong ko. Hindi ko napansin na dumating 'to sa bahay nila Tita Macy ah. Akala ko mag-isa lang si Tita sa kanila. Matandang dalaga kasi 'yon tsaka medyo pabagets kaya kasundo ko, nanay-nanayan na rin.

"Tita ko siya. Kapatid siya ni Mama" sagot niya naman. "Well, I saw you this morning, in a rush maybe. I didn't know we'll be classmates" dagdag niya pa. Hindi ko na napansin 'yon kanina dahil nga akala ko eh late na ako, ayon pala wala yung prof. Hanep!

"Siya sige, pasok na 'ko" pagpapaalam ko nang makarating kami sa tapat ng bahay. Kinawayan ko siya bago pumasok sa gate. Ang hassle ng araw na 'to ah, buti nalang walang pasok bukas.

Hindi kasi araw-araw pasok namin. Sa ngayon, tatlong araw sa isang linggo lang kami pero hindi biro ang mga subject.

"La, andito na po ako" sabi ko habang naglalakad papuntang kusina. Alam ko kasing andon si Lola nagluluto. Lumapit ako at nagmano.

"Sige na, umakyat ka na at magpahinga muna. Tatawagin nalang kita kapag handa na ang pagkain" sabi niya nang akmang tutulungan ko siya.

"Sigurado ka Lola hindi mo kailangan ng tulong?" paninigurado ko. Tumango naman siya.

"Sa susunod na linggo pala Apo, darating ang Ate Bebs mo, siya ang makakasama natin dito sa bahay. Sunduin mo siya sa terminal ha?" pagpapaalala ni Lola. Si Ate Bebs ay matagal na naming kakilala. Siya rin ang naging tagapag-alaga ko noong bata pa ako. Hindi rin naman nalalayo ang edad niya sa akin.

"Sige po Lola. Anong araw po ba?" Tanong ko. Mamaya may pasok pala ako non, hirap na.

"Ang sabi eh, Huwebes daw" sagot niya naman habang hinahalo yung niluluto niyang ulam namin. Ayos na rin na andito si Ate Bebs, para hindi masyadong napapagod si Lola.

"Tamang-tama, wala ho akong pasok niyan. Sige po. La, akyat na muna ako ah" at kinuha na ang bag ko at umakyat sa kwarto. Agad akong humilata sa kama. Inaantok na ako, badtrip bakit nga ba kasi ako nagpuyat sa panonood ng kdrama?

"Apo, gising na. Kakain na tayo" naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Pagkadilat ng mga mata ko ay nakita ko si Lola. Nakaidlip pala ako.

"Sige po Lola susunod na ako. Magbibihis lang po" sagot ko at agad nang bumangon para nga magpalit. Pagtapos kumain, tutulog na ulit talaga ako. Babawiin ko yung tulog na ninakaw ng kdrama. Huhu. Isang napakalaking tukso naman kasi.

Wind's EmbraceWhere stories live. Discover now