Chapter 3

29 7 0
                                    

CHAPTER 3
Mass

"Hey! Wait! Ang bilis mo namang tumakbo" habol ni Jasper, hinihingal na. Tss. Hindi pa kami masyadong nakakalayo ah. Weak naman nito.

"Ano? Pagod ka na? Hina mo pala eh" pang-aasar ko sa kanya. Napapailing nalang siyang nangingiti.

"Can we stop for a while? Sa park muna tayo" anyaya niya at sinang-ayunan ko naman. Kawawa naman eh. Baka ano pa mangyari rito.

"Hindi ka nagdala ng tubig mo? Hindi ka ba nauuhaw?" Halatang pagod na, for sure mauuhaw 'to kaso wala palang dalang tubig.

"No. How about you?" Tanong niya pabalik. Umiling ako. Kaya ko naman hanggang makauwi sa bahay.

Umupo kami sa may duyan. Finally at nakaupo na ako. Napagod ako pero hindi kasing pagod nitong kasama ko. Akala ko pa naman mas matibay 'to.

"Ang aga mo namang nagising ngayon. Linggo ah, walang pasok. At ako pa talaga napagtripan mong istorbohin sa pagtulog?" Untag ko sa kanya. Hindi ako makamove on at hinding-hindi ako magmomove on. Joke lang.

"We're going to church later ni Tita. Kayo ba hindi? And I woke up early, I wanna jog kaso hindi ko pa kabisado rito" sagot niya. Lagi akong sumasama kay Lola tuwing nagsisimba siya. Buti nalang din at malapit lang sa amin ang simbahan.

"We will. Lagi akong sumasama kay Lola. Lagi ring sumasabay sa amin si Tita Macy" totoo naman. Kailangan ko rin 'yon, lagi akong humihingi ng tawad kay Lord sa mga kalokohang nagagawa ko kada Linggo. Hahahaha.

"So sasabay kami ni Tita sa inyo mamaya?" Malaki ang tyansa na ganoon nga ang mangyayari kaya tinanguan ko siya. Tinatamad akong magsalita. Masyado akong nalilibang sa nakikita ko sa paligid ko. May mga nagjajogging din dito, marami ring puno. Hayy. Nakakarelax naman.

Tumayo ako at tinignan siya.

"Nakapagpahinga ka naman na siguro noh? After isang ikot dito umuwi na tayo. Anong oras na eh, mag-aayos pa para magsimba" sabi ko sa kanya. Tumayo na rin siya at tumango.

"Okay, let's do this" sagot niya at nauna nang tumakbo. Aba, ako na ang iniiwan ah. Sumunod naman agad ako sa kanya.

Pagkarating sa labas ng mga bahay namin ay namataan ko si Tita Macy sa garden nila.

"Tita Macy! Goodmorning!" Agad naman siyang napalingon sa gawi namin at nangiti.

"Goodmorning Eli! Oh magkasama kayo ni Jasper. Magkakilala na pala kayo" sabi niya nang mapansin si Jasper sa likod ko.

"Ah opo tita. Magkaklase pala kami" mas lalong lumapad ang ngiti ni Tita.

"Mabuti naman kung ganoon, para kahit papaano ay may kakilala siya roon" sabi niya at itinuloy ang pagdidilig sa mga halaman niya.

"Why did she call you Eli?" Biglaang tanong ni Jasper sa likod ko. Syempre nagulat na naman ako ng kaunti. Magugulatin kasi talaga ako, ewan ko kakakape ko na yata ito.

"It's my second name" sagot ko.

"Eli?" Tanong niya ulit. Nagbuntong hininga ako.

"Eleia"

"Oh nice name. That sounds unique and cute" pagpuri niya sa pangalan ko. Umirap ako. I know right!

Maya maya pa ay nagpaalam na ako dahil anong oras na. Inanyayahan nila akong magbreakfast sa kanila kaso ay tumanggi ako. Panigurado nagluto na si Lola ng breakfast namin. Nabasa na rin siguro niya yung iniwan kong note sa may ref na magjajogging ako kasama ang pamangkin ni Tita Macy.

At tama nga ako, pagkapasok ko palang ng bahay ay naamoy ko na ang niluluto ni Lola. Ang bango, longganisa!

"Goodmorning Lola!" Bati ko pagkapasok sa kusina.

Wind's EmbraceWhere stories live. Discover now