FIRST

224 34 17
                                    

'"Hoy! Yawa, kanina pa kita dinadaldal, 'di ka pala nakikinig?!" 


Jeanna mumbled in front of me. Umangat naman agad ang mata ko nang hilain niya ang earphones mula sa tenga ko.


"Ano?" I asked innocently. She rolled her eyes and showed me her phone.


My forehead quickly creased. "Ano 'yan?"


"Recent story 'yan ni Celine sa dump niya," she twitched her tongue. "Kailan ba titigil 'yang best friend mo, adik na adik sa 'yo,"


"Hahaha, gago! Napaka snitch mo!" pang aasar ko sa kanya, kumunot naman noo niya. 


"Ulol, hindi ako kumuha niyan!" she defended herself. "Puro parinig 'yang si Celine sa story niya, legit. Naka close friend nga 'ko?!" 


"Tangina mo rin talaga," I chuckled. 


"Lagi ikaw pinupuntirya no'n, ah. 'Di man lang nagkaro'n ng character development," she rolled her eyes. 


 "Ewan ko 'te, pabayaan mo na lang. Masyado siyang papansin, nakakabanas muka niya,"


"Hahaha! Tangina mo!" she stood up and checked her bag habang ako nag paalam ako na mag c-cr muna 'ko saglit. My legs are so tired from walking around. Namili kasi kami ngayon ng school supplies para next week. Mas dumami pa ngayon dahil sa tracking. We managed to get everything we need. 'Di na naming kailangan maghanap pa sa iba. At sa magandang palad, dalawang paper bag lang 'yon!


Sinabay ko na rin 'yung mga pinapabili nila Zara since sobrang onti lang naman no'n. Last week pa nag start first sem nila, kaya madalas ako lang mag-isa sa bahay. 


I flushed the water out of the toilet and washed my hands before going out. I checked everything before walking too far away from the toilet.


"Ah, shit. 'Yung phone ko."


Napakamot ako sa ulo at dali-daling bumalik sa cubicle na pinanggalingan ko. I tucked my phone inside my pocket and sanitized before going out.


"Ay, shit. Sorry po."  I bowed at the man na nakabangga ko sa pagmamadali. I checked everything before grabbing my bag to leave. Sabay kaming patakbong naglakad ni Jea para makaabot kami sa shuttle. Piste naman kase dapat talaga nag pa drive na lang ako kay manong! Napaka hassle!


The next few days, pabalik-balik kami sa school. Photo ID, kuha ng books, nag check din ako ng club rooms. Nakakapagod. Mas madali sana 'yon kung magkakalapit lang 'yung mga rooms na pupuntahan kaso magkakalayo! Pinasamahan pa 'ko ni papa kay Ate Gianne. Ginagawa pa rin akong bata, nakakabanas.


"Final na lipat mo next year?" baling niya sa 'kin.


I shrugged. "Siguro? 'Di ko rin sure. 'Pag ako nakapasa siguro Mapua or.. UST? Ewan, kung saan maganda engineering,"


The Missing Piece of Vengeance (Puzzle Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu