FOURTH

69 12 0
                                    

"So! Ano ang pipiliin niyo?" 


Napangiwi ako sa ngisi ni Azalea. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil hindi ko rin ine-expect 'yon! Kahapon ang bilis lang para sa kanya na maglapag ng pera, 'di niya na nga hinintay 'yong sukli. Tapos ngayon! Wala na ba siyang allowance? Naholdap din ba siya tapos nahulog 'yung wallet niya sa may kalesa at nasagasaan ng kabayo? My brows automatically went up when he met my eyes. 


"D na lang?" he suggested. Mabilis naman na kumunot ang noo ko sa sinabi niya! 


"Crush mo ba 'ko?" kunot noo kong tanong. Medyo napalakas ata 'yong pagkasabi ko no'n dahil umingay 'yong mga taong nakapaligid sa 'min. His brows immediately shot up with my question. 


"Asa ka," he scoffed. 


"Ayoko. Magbabayad na 'ko ng penalty," I said with finality hindi pwedeng kinakaya-kaya niya lang ako 'no! Kaya ko rin maglapag ng isang daan diyan! Kinapa ko agad ang wallet ko sa bulsa at ilalabas na sana but again, he interfered!


"Magpapakasal tayo." pigil niya sa kamay ko. 


Napasimangot na lang ako at binalik ang wallet ko sa bulsa. Obvious naman na wala na 'kong kawala. Sino ba kase 'yong pisteng nagpalista sa 'min dito?! Kung hindi ba naman anak ng demonyo! Sa dami rami ng gustong mag pa promise booth kay Alex, ako pa talaga napiling pagtripan! 


"So, sure na ba tayo sa all of the above, Pres?" ngisi nung officer ko na magkakasal sa 'min. Ngumiwi naman ako at umiwas na lang ng tingin. 


Naramdaman ko naman na lumapit sa 'kin si Alex kaya naging alert ako. "All of the above or ako na mag aassume na ikaw may crush sa 'kin," 


Nanlaki agad ang mata ko. "Wow ha!" My forehead creased. "Gustong-gusto mo ata?! Sige, ano?! Hinahamon mo ba 'ko?! Game! All of the above!" 


I heard his chuckles but I didn't pay attention. Pumunta na rin si Azalea sa likod ko para kabitan ako ng veil at abutan ako ng flowers. Ganito pala feeling? Ang dami ko na ngang ginawa para sa kanya tapos isasama niya pa 'ko sa ganitong trip niya! 


Mas umingay naman ang paligid nang magsimula nang magpagawa 'yong SC ng pakulo. 


"Okay! A! Holding hands!" sigaw nung magkakasal. "Buong kasal 'yan, ah!" 


Hinuli naman agad ni Alex ang kamay ko. Bigla namang bumilis ang puso ko sa ginawa niya kaya napaiwas ako ng tingin. His hands were as soft as a baby's hand. Sobrang lambot! Sagana yata siya sa lotion or talagang ganito na kamay niya? 


"B! Ayan! Hug for ten seconds!" mas lalong umingay 'yong mga nanonood ng 'kasal' namin. Bumitaw naman ako kaagad sa kamay niya at napaiwas ng tingin bago iangat ang dalawa kong kamay. 


Mas lalo pa 'kong nahiya nang parang nagpipigil pa siya ng tawa! "Dali na ang arte mo, hug lang naman!" I walked towards him and tucked myself in his arms. Naramdaman ko naman na medyo hindi niya ine-expect 'yon pero bumigay na rin siya at yinakap ako pabalik. Sabay-sabay silang nag countdown at 'di ko na rin alam kung anong pakikinggan ko.

The Missing Piece of Vengeance (Puzzle Series #1)Where stories live. Discover now