SECOND

168 20 7
                                    

Maagang natapos ang klase kaya dumiretso ako agad sa bahay. I was still confused for how he acted, but it was fine. Nagulat lang ako na may guilt rin naman pala siya sa katawan niya. 


"Good afternoon, ma'am Zedien! Dito po ba kayo kakain?" bungad ni manang Joy. Tinanggal ko sa pagkakasabit sa balikat ko ang bag ko at nilapag 'yon sa sofa. 


Hindi ako madalas dito sa bahay. For some reason, 'yung bahay ni Ate Gianne 'yung naging pangalawang bahay ko. I was residing there since I was 8. I planned to return pero siya na rin nagsabi na okay lang if magtagal pa 'ko since mag-isa lang rin siya do'n. Umuuwi lang ako dito 'pag pasukan.


Naglakad ako papalapit sa kitchen para tignan 'yung niluluto nila. 


"Ano po bang ulam?" 


"Kaldereta po," sagot niya at bumalik sa pagluluto. Ngumiti ako at tinanguan siya bago umakyat sa kwarto ko para makapagpalit. I chose to wear a racerback and cycling shorts. Habang nagbibihis ako napansin kong isa nalang ang uniform ko do'n! Nakalimutan kong dumaan sa bookstore kanina. Doon din kase binebenta 'yung mga uniform.


Iniwan ko ang phone ko para makapag charge at lumabas na para kumain. As if on cue, habang naglalakad ako pababa, bumukas ang main door at pumasok do'n ang kambal. Zara's brow raised when she saw me. Ngumiwi naman ako nang magtagpo ang mata namin. 


"This is surprising," she greeted blankly. "What are you doing here? What do you need?" diretsong tanong niya. 


"May ticket booth ba kayo dito? Magr-rides sana 'ko," pang aasar ko, pero tumigil din noong makita kong nakatingin lang siya sa 'kin ng deretso. Parang kakainin niya 'ko ng buo kahit hindi siya ngumanganga. Yikes, scary. "Kakain lang, galit na galit," ngiwi ko. "Pwede naman ako umalis kung ayaw mo-" 


"Stay." Zach commanded. I smiled and turned round to face them. Dumiretso na 'ko sa dining at umupo. I haven't had meals in this table for years. Kahit pa nandito na ako for months, I was always eating out. I still can't face it. But I know I have to, eventually. 


Buntong-hininga akong lumapit sa lamesa. Nanginginig ang kamay kong hinila ang upuan papalapit doon. Zach noticed and sighed. Hindi ko na halos mapansin na nagse-set up sila manang ng plato. My brain wasn't functioning properly. Ah, dala 'to ng pagiging impulsive ko, e! Kahit ilang pikit gawin ko, bumabalik at bumabalik 'yong taong 'yon sa isip ko. 


"You sneaked into her columbarium the other day," Zara suddenly spoke out. Ah, shit. Sabi na nga ba, e. I remained silent. Spilling nothing. I know she'll eventually find out. "You're aware of the rules, Zedien,"


Umiwas ang tingin ko. I don't like where she's about to go. It's always like this when I try to be a daughter. They always treat it as a mistake. 


"Wala 'kong ginawang masama, Zara," my jaw tightened. She scoffed and poke her cheek with her tongue. Tumingin siya sa malayo para pigilan ang inis niya. 


"Of course," she scoffed. "Just stop bratting around, Zedien. You can't always get away. I'll let this slip, but the next time you break a rule, ako na mismo magdadala sa 'yo kay papa," she said with finality. Rumolyo naman ang mata ko. 

The Missing Piece of Vengeance (Puzzle Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon