FIFTH

62 9 0
                                    

Maaga akong pumasok sa school para iayos 'yong paper ng SC bago 'ko umattend ng klase. Back to school na naman kami kaya marami na naman akong aasikasuhin. Kahapon lang pinatawag ako ng dean kasama ng mga kapatid ko dahil kailangan daw namin mag organize ng welcome party para sa guest na paparating. Of course, para sa 'min ng Student Council 'yon. Kasama lang sila Zara since anak kami ng may-ari ng school. 


I compiled it all and placed it inside a folder bago ilagay sa drawer ng desk ko. 'Yon 'yong napagusapan namin nila Zara na plano. Magpapatawag na lang ako ng meeting mamaya para i-discuss 'yong event. 


"Uy, labas tayo next week! Matagal pa naman exams pati area meet," aya ni Margaux habang kumakain kami sa gazebo. Tinetake ko naman 'yong time ng lunch para gawin 'yong requirements ko para sa next subject. May quiz pa kami sa subject na kasunod. 


"G ako. Opening daw nung plaza mall diyan malapit sa sentral, may tutugtog na banda," kwento pa ni Lia. Tumango naman sila Vivian. "Ikaw, Zed?" 


Umangat naman ang tingin ko sa kanila, naka kagat pa sa biscuit habang nagdadrawing. "Pass ako. Luwas kaming Laguna next week," I said casually. 


"Ha? Laguna? Layo naman. Gagawin niyo do'n?" kunot-noong tanong ni Margaux. 


"Birthday ni papa," sabi ko na lang at tinanguan naman nila 'yon. Hindi ko masabi sa kanila 'yong talagang pakay ko do'n at 'yong iba pang details kahit na gustuhin ko. Para tuloy akong fugitive sa ginagawa ko. Of all, si Jea lang ang nakakaalam. Hindi naman sa hindi ko sila pinagkakatiwalaan. Hindi ko rin naman sinadyang malaman ni Jea! It was an accident that was very hard for her to absorb. Sanay na rin siguro siya ngayon. Hindi ko lang talaga pwedeng i-disclose 'yong family matters namin sa iba kase either sila ang malagot or kami ang mahanap. So yeah, siguro fugitive nga kami sa lagay na 'yon. 


'Pagkatapos namin mag lunch nagligpit agad ako ng gamit para makaakyat ng maaga. 'Pag wala pang tao, tatambay na lang muna 'ko sa library. Ayoko nang mag-isa lang ako. Magrereview na rin ako para sa quiz mamaya. 


I opened my notebook and looked for my notes. Napangiwi ako nang parang noodles na 'yung sulat ko sa bilis maglipat ng slides kahapon no'ng teacher namin. May ibang hindi pa pumantay sa space! Shucks naman! Maiintindihan ko pa ba 'to?! Maliit pa naman sulat ko, gumanito pa! 


Umangat ang tingin ko nang may kumuha ng libro sa shelf na nasa gilid ko. Diretso niyang nilapag 'yon sa lamesa ko at hinigit ang upuan para tignan ako ng diretso. 


"Training niyo na naman 'yon, 'no?" tanong niya agad. Tumango lang ako. "Sa Nagcarlan kayo?" 


Kumunot naman ang noo ko agad. "Pa'no mo alam?" 


"'Wala, hula lang. 'Yon lang alam kong lugar sa Laguna, e." She shrugged. "Hoy, mag-iingat ka ha. 'Wag kang makikipag-away kay Ate Zara, pahabain mo buhay mo," 


Natawa naman ako habang naghihighlight. 


"May nabalitaang patayan din do'n ngayon," she added. 


"Ah, kaya," I just said. Plano ata ni papang paikutin kami ng buong Pilipinas everytime na may maibabalitan siyang krimen. Hindi ba pwedeng paubaya niya na lang sa mga pulis 'yon? E, halos minuminuto naman may nangyayaring gano'n. Hindi naman pwedeng palipat-lipat kami every minute! 

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Dec 31, 2020 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

The Missing Piece of Vengeance (Puzzle Series #1)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz