THIRD

116 14 2
                                    

"That's 160, ma'am," 


Umakyat ang tingin ko at kumuha ng 200 sa wallet ko. Napagdesisyunan ko na dito na lang sa Starbucks maghintay nang i-approach ako nung team captain namin kanina na may meeting daw 'yung team namin ng 5 PM. I was still in the varsity though naisipan ko rin na mag quit na ngayong year since medyo hassle kase graduating. 


Hindi naman ako interesado sa sports to begin with. Mas prefer ko na chill chill lang sa weekends habang nag sesketch ng mga kung anong pumasok sa isip ko. Pero noong nag first year, kinuha agad ako ng table tennis. Hindi na 'ko makawala ngayon. 


 I just ordered caramel macchiato and glazed donut bago dumiretso sa upuan ko. Kumuha ako ng table malapit sa pinto para mabilis akong makalabas 'pag tinawag na kami. May 30 minutes pa 'ko kaya I also did my requirements para vacant na rin ako bukas. 


[Hoy, saan ka?] kumunot agad ang noo ko 'pagkasagot ko ng phone.


"Bakit na naman?" I frowned. Hindi ko na-check kung kaninong tawag 'yong nasagot ko pero sa tono pa lang ng boses napairap na kaagad ako. 


[Hatid mo 'ko sa bahay niyo, wala ako sundo,] pagpapaawa niya. Teka, ba't na naman sa bahay lakad niya? Lagi na siyang nando'n! Nagiging palamunin na siya!


"Wala ka paa? Maglakad ka, oy," 


[Wow, nahurt ako, ah! Bilhan mo ng gulong 'yung paa ko saka ko tatanggapin 'yang suggestion mo,] he grumbled. Napairap kaagad ako. 


"Ang dami mong alam," I said. "May meeting ako sa club, hintayin mo na lang si Zara," 


[Wew! Tinatakasan mo na naman ba 'ko? Ang sama talaga ng ugali mo!]


"Ingay mo, tanga.  Maghintay ka sa lounge, dadaanan kita,] I instructed and ended the call. Inangat ko agad ang relo ko nang matapos ko ang isa sa mga requirements ko. Sa hula ko naman, hindi naman kami magtatagal ng 30 minutes. Mukang hindi naman gano'ng ka intense 'yung discussion but I intentionally ended the call para hindi niya na 'ko balabugin. Naka 13 missed calls din siya kanina, ah! Napaka abuso! 


Dumiretso agad ako sa club room namin and sat on the side habang wala pa si coach. Kaunti pa lang din kami dito. I saw unfamiliar faces. Sila ata 'yung mga nakapasa sa try out last week. Mas maraming bago rito kesa sa mga teammates ko. Lahat sila freshies. Active nila ngayon ah. Last year sa dami ng nakapasok kaunti lang din nag continue until this year. 


The sport wasn't that hard, but the coach is.. not really approachable. We would be lucky kung naliwanagan ang dean at pinalitan ng bagong coach 'tong sport namin. Though she's really good and sa tatlong years namin sa kanya she ensured us victory at all times, hindi siya ganoong maganda sa mental health ng lahat. 


"Haddle, freshies! Bilis!" tumayo agad kami nang pumasok na si coach. Kinunutan niya naman ako ng noo nang makita niya 'ko. "Doon ka sa kabila," 


I sighed inaudibly at pumunta sa kabilang room. Nandoon 'yung mga kasamahan ko! Kaya pala puro freshies 'yung nandoon kanina! 

The Missing Piece of Vengeance (Puzzle Series #1)Where stories live. Discover now