Chapter 3

1.6K 34 0
                                    

MSH

Nasa ganung posisyon pa din ako nang magising ako katabi ko pa din si mommy na nakatulala wala na sila grandma at grandpa umuwe na babalik na lang daw sila bukas pati parents nila casper umalis na din sila na lang apat ang nag paiwan mag oover night daw sila dito..


Ang bilis nang pangyayari wala na agad si daddy ayaw tanggapin nang sistema ko na wala na siya. Ang hirap madami pa akong gustong gawin kasama si daddy pero sa isang bula bigla na lang lahat nawala..


"Mom kelan tayo pupunta kay daddy gusto ko na siyang makita" sabi ko kay mommy

Tumingin naman siya sakin na malungkot pa din ang mukha hindi ko alam kung kakayanin ba to ni mommy ako pa nga lang ang hirap hirap nang tanggapin paano pa kaya siya alam ko kung gaano sila nagmamahalan kahit fix marriage lang pero natutunan nilang mahalin ang isa't isa.


"bukas anak pwede na natin siyang puntahan. Pero naka sara ang kabaong niya." Sabi ni mommy

"Bakit nakasara mommy paano namen makikita ni demonise si daddy kung nakasara yung kabaong niya" sabi ni kurt


Napatingin ako kay mommy unti unti na namang pumapatak yung luha sa mga mata niya pero agad naman niyang pinunasan ayaw niyang ipakita na mahina siya nag papakatatag siya para samen dahil pag nakita namen siyang ganun magagaya lang ako sakanya na. Alam naman nilang matatag ako hindi talaga ako basta basta umiiyak pero kanina hindi ko nakita yung demonise sa katauhan ko para lang akong babae na mahina na puro iyak lang ang alam..


"Hindi pwedeng buksan ang kabaong nang daddy niyo kasi basag yung buong mukha niya halos gutay gutay kaya 3days lang siyang ibuburol para mailibing agad" sabi ni mommy


"Kelan dating nila lola?" Tanong ko parents ni daddy at ni tito Kristian


"Bukas daw nang umaga andito na sila.. pinag pahinga muna ang lola niyo dahil hindi din niya matanggap ang nangyari" sagot ni mommy

Hindi na ako nag tanong pa, lumabas si manang para tawagin kami sa hapunan wala pa din sila kuya devon sila ang nag aasikaso hindi na nila sinama si mommy kasi kanina nung kasama nila nahimatay lang si mommy gusto din ni kuya na pag pahingain na si mommy pagod pa to halos wala din tong tulog.

Kahit ayaw ko kumain, kumain pa din ako para may lakas ako bukas para puntahan si daddy kahit hindi ko naman makikita yung mukha niya kailangan ko pa din nang lakas. Tahimik lang kami na kumain pag ka tapos namen kumain umakyat na si mommy ihahatid sana siya ni kurt kaso sinabihan lang siya ni mommy nang.

"Okay lang anak kaya ko gusto ko din muna ma pag isa, bantayan mo na lang muna si demonise, mag pahinga na din kayo maya maya." Yan ang sagot ni mommy

Gustuhin man ni kurt hinayaan na lang namen. Kailangan din ni mommy ma pag isa alam kong pinipigilan lang niya na wag umiyak sa harap namen alam kong pag akyat niya sa kwarto nila ni daddy dun siya iiyak nang iiyak kilala ko si mommy matatag siya pero sa nangyayari ngayon halos lahat kami nanghihina.



Nasa sala pa din kaming anim habang na nonood.. yung mata ko nasa tv pero yung utak ko lumilipad. Tumayo ako para pumunta sa kusina mag papakatatag ako kailangan kaming lahat ni mommy. Pinag timpla ko si mommy nang gatas at iniakyat ko sa taas kasama si kurt iniwan muna namen yung apat sa sala... walang nag sasalita samen ni kurt hanggang sa nasa tapat na kami nang kwarto nila daddy at mommy. Hindi muna kami kumatok narinig kasi namen ang ipit na iyak ni mommy nag ka tinginan kami ni kurt.

My Stone Heart (COMPLETE) Where stories live. Discover now