Chapter 4

1.3K 28 2
                                    

MSH

Kinabukasan anong oras na akong nagising 8:00 Am na pag tingin ko sa orasan na nasa table nang kwarto ko wala na din dito si Ashley ni Krystal umuwe na siguro.. sila Ashley kapit bahay lang namen tapos sila Krystal nasa kabilang subdivision lang kapit bahay naman nila sila grandma doon.. sa subdivision na to kapitbahay namen sila trystan si Paul sila casper sa kabilang subdivision naman ang mag kakapitbahay sila jonas lucas saka sila diamond.

Bumangon na ako at naligo nang matapos ako nag ayos na ako naka black akong skinny jeans at naka black din na polo na tinernuhan ko nang hills na block din pinatuyo ko lang yung buhok ko saka ko na na itali.. ngayon ko lang napansin sobrang paga pala nang mga mata ko nag shade na lang ako bago lumabas hindi na ako nag abala pa na mag ayos.

Pag baba ko si kuya kent na lang ang andun inaantay na lang namen na bumaba si mommy.. nauna na daw sila kuya devon at si kurt nag paiwan si kuya kent kasi walang mag da drive samen hindi pa pwedeng mag drive si kurt kaya siya na lang ang sinama ni kuya devon.. kasama din namen si manang halos di din matanggap ni manang ang mga nangyayari.

Pag baba ni mommy umalis na din kami naka lugay ang buhok ni mommy na itim na straight naka dress din siyang black at naka hills naka shade din siya. Di ko alam kung anong mangyayari pag punta namen dun wala pa din daw sila lola at lolo mamayang hapon pa daw ang dating andun na din daw sila diamond kasama ang kambal niya pati parents nila.. Pati sila casper at Ashley kasama  parents din nila pati sila grandma at grandpa andun na din pati mga kaibigan ni kurt. Halos buong kompanya nakikiramay hindi na kami nag invite nang media ayaw namen mapa publiko to kailangan nang matahimik na burol ni daddy.

Pero pag baba namen nang sasakyan ang daming press na nag hihintay sa baba, nag uuna unahan silang lumapit samen buti na lang mabilis ang kilos nang mga tauhan ni kuya devon kaya hindi agad sila naka lapit samen, pinag kakagulahan kami halos di kami makapasok sa loob.. sumigaw lang ako nang.

"Nakita niyo naman na ayaw namen mag pa interview diba mahirap bang intindihin yun. Lubayan niyo yung burol nang daddy ko bago ko kaya ipadampot sa mga pulis" sabi ko sa kanila mukhang mga nasindak naman sila hinatak na ako ni kuya kent para pumasok.

"Mommy are you okay?" Tanong ko tumango lang si mommy.

Pag dating namen sa mismong pinag burulan ni daddy halos ang daming tao nasa harap si kuya devon at kurt naunang pumasok si mommy na inalalayan ni kuya kent yung iyak ni mommy ang pinaka malakas masyadong nasasaktan si mommy sa nangyayari halos ayoko pumasok hindi ko kaya ang bigat sa dibdib nasa labas pa din ako ayaw gumalaw nang mga paa ko para akong tutumba hindi ko kaya hindi.

Tutumba na sana ako nang nasalo ako ni trystan.. buti naalalayan niya agad ako bago matumba.. ang bilis niyang nakarating sa tabi ko hindi agad ako nadaluhan ni kuya devon kasi biglang nahimatay si mommy buti andun sila para saluhin nag kagulo sa loob. Patuloy pa din akong umiyak pero andito naman si trystan para alalayan ako... sana si charles ang andito buti pa si trystan kahit sinusungitan ko siya andito pa din siya.

"Halika kana pasok na tayo sa loob" sabi ni trystan

"Hindi ko kaya. Hindi ko kayang makitang anjan si daddy" umiiyak ko pa din na sabi

"Mag paka tatag ka.. hindi ikaw yung kilala kong demonise na duwag di ba matapang ka.. paano lalakas ang loob nang mommy mo kung pati ikaw pang hihinaan nang loob mag paka tatag ka. Sa inyo kumukuha nang lakas ang mommy mo" napatingin ako sa namumungay niyang mga mata at tumango

Inalalayan niya akong maka pasok sa loob hanggang sa maibagay niya ako kay kuya devon at si kuya devon naman ang umalalay sakin. Naka upo na si mommy at naka tulala.

"Demonise mag pakatatag ka.. ayaw ni daddy na nag kaka ganyan ka ayaw niyang nakikitang umiiyak ka.." sabi ni kuya devon bago niya ko iwan dito sa harap nang kabaoong ni daddy nakatingin lang sila sakin lahat

Lumapit na ako sa kabaong ni daddy kahit hindi ko naman makikita yung mukha niya unti unti na kong humihikbi at niyakap ko ang kabaong ni daddy..

"Daddy andaya mo naman bakit moko iniwan bakit mo kami iniwan alam mo namang hindi namen kaya diba sana nakinig ka na lang sakin sana nag matigas na lang ako para hindi kana umalis daddy ang daya mo naman ih" sabi ko sa kabila nang mga iyak ko nakarinig ako nang mga umiiyak sa likod ko alam kong nakikiramay silang lahat samen.

"Daddy madami ka pang pangarap sakin samen diba.. ikaw pa diba aakyat sa stage pag grumaduate ako. Hindi pa nga ako successful na designer daddy diba.. diba yan yung pangarap mo sakin sabi mo ako yung mag dedesign pag kinasal ulit kayo ni mommy sabi mo ikaw yung magiging number 1 fan ko pag naging sikat akong designer diba daddy paano na ngayon wala kana wala na yung daddy ko na turing sakin prinsesa wala na paano ako gigising araw araw daddy gising na please hindi ka bagay jan daddy" sigaw ko habang umiiyak yakap yakap ko pa din yung kabaong ni daddy. Tuloy tuloy pa din yung agos nang luha ko na akala ko wala na naubos na pero ang dami pa pala. Humarap ako kayla kuya devon

"Kuya devon buksan mo please gusto makita si daddy kuya" umiling lang si kuya.. na mas lalong binuhos nang mga luha ko. Kay kuya kent naman ako tumingin kasama niya sila mommy at sila tito pati mga pinsan ko..

"Mommy please buksan natin kuya kent kurt buksan natin please gusto ko makita si daddy please tito Kristian please buksan natin pag bigyan niyo naman ako." Nakatingin lang sila lahat sakin awang awa sa itsura ko halos lahat din sila umiiyak.
Wala na akong paki kung nakikita nila akong ganto gusto ko lang buksan nila yung kabaong ni daddy.. si diamond na lang ang pagasa ko. Kung aayaw din siya walang mag bubukas nito kung walang mag uutos sa kanila.

"Diamond please sabihin mo sakanila buksan to kahit saglit lang please pag bigyan niyo naman ako gusto ko lang makita si daddy." Sabi ko habang nakatingin kay diamond nang wala pa din siyang balak gumalaw sa kinatatayuan niya tumingin na lang ako sa mga paa ko at napaupo nag mamadaling lumapit sakin si diamond.

"Shit kate umayos ka sige na bubuksan na natin pero saglit lang.. hindi talaga pwede pero ayokong nakikita kang ganyan kaya pag bibigyan kita" sabi ni diamond at inalalayan niya akong tumayo nakatingin lang si kuya Devon sakin habang tumutulo ang mga luha. Alam kong nasasaktan din siya.. sumenyas si kuya devon sa mga taong nagaayos nito binuksan nila yung kabaong nila daddy . Lumapit sakin si kuya devon ni kurt nakayakap naman sakin si diamond. Ayaw niya akong pakawalan dahil alam niyang tatakbo ako sa kabong ni daddy mejo lumayo kasi kami.

Nang binuksan na ayokong maniwala si daddy yan kasi hindi talaga siya makilala wasak na wasak yung mukha ni daddy. Napatakip lang ako sa mukha ko hindi ko namalayan nasa lapit ko na pala si mommy halos nag papaliksahan kami sa pag iyak ni mommy..



"No diamond hindi yam si daddy.. hindi yan ang daddy ko hindi siya yan.." umiling lang si diamond

Nang iisara na ang kabaong ni daddy hindi ko alam napa pikit ako at bigla na lang akong nawalang nang malay.













My Stone Heart (COMPLETE) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin