Chapter 37

629 17 0
                                    

MSH



Sunday ngayon busy kami nila manang para sa gagawing welcome party dito sa bahay.. mga kaibigan ko lang inimvite ko na i invite ko din si Bianca pupunta daw siya nag meet na kami nung nakaraang lingo.. pinuntahan namen siya ni Nadine sa clothing niya nagulat pa nga siya ih..


Pupunta din dito sila grandma grandpa saka parents nila Casper at ash parents ni daimond at ni tala.. palabas ako nang gate mag tatapon kasi ako nang basura.. busy kasi sila manang kaya ako ang nag tapon nang basura..


Pag labas ko. Nailapag ko na yung dala kong basura may kukuha daw noon mamaya..

Papasok na ako nang may tumawag sakin..


"Kate ija.." sabi niya napalingon naman ako naka ngiting mukha ni tita teresa ang nakita ko.. agad naman akong lumapit sakanya papalit na din kasi siya sakin.. niyakap naman niya ako.. at niyakap ko din siya..

"Kamusta kana ija.. sabi ko na nga ba ikaw yan eh kelan kapa dumating saka kelan kapa lumipat.." tuloy tuloy nasabi ni tita teresa.. natawa naman ako sakanya..



"Okay lang po ako tita kayo po kamusta.. 2weeks na po akong nakabalik dito.. kaso kayla grandma po muna ako tumigil.. tapos kahapon lang po kami lumipat dito.." naka ngiti kong sabi kay tita.



"Nako ang ganda ganda mo nang bata ka..mas lalo kang gumanda.." sabi niya


"Salamat po.. punta po kayo mamaya dito sama mo po si tito saka si tyrel.. may pa welcome party po kasi ako yung mga malalapit lang po sakin ang invited .." naka ngiti kong sabi..

"Sige pupunta kami si trystan hindi mo ba invited.." sabi niya

"Sinabihan ko na po sila kahapon.." pilit na ngiti kong sabi..


"Kaya pala bumalik na si try-." Hindi na ituloy ni tita ang sasabihin niya kasi biglang sulpot ni trystan  kasama si bell .


"Mom." Sabi ni trystan kaya hindi na naituloy ni tita ang sasabihin niya sakin..

"Ay mauna na ako ija.. punta na lang kami jan mamaya.." sabi ni tita tamango naman ako sakanya at ngumiti.. ngumiti din ako kay bell at ngumiti din siya.. nag paalam na ako sakanila..



Pumasok na ako at hindi na sila nilingon pa.. nadatnan ko sila Nadine saka si Disney ni kurt na nagaayos nang mga lamesa sa pool area.. may malawak pa kasing space dito kaya doon namen gaganapin yung pa welcome party.. may pa tarpuline pa si kurt siraulo.. nag  pa catering service na lang kami para hindi na mahirapan sila manang at yaya..



Nang mag hapon na nag ayos na ako. Sinuot ko yung dress na regalo sakin nang mommy ni Disney ang ganda niya.. kita yung likod ko na hapit na hapit sa bewang ko.. kitang kita yung korte nang katawan ko.. hanggang hita ko lang siya nag light makeup din ako.. at hinayaan kong nakalugay yung buhok kong kulot ang laylayan.. nang ma kontento ako sa itsura ko bumaba na ako.. nasa baba na din pala sila Disney at nadine.. at andito na din pala si Bianca.



"Demonise.. ang ganda ganda at ang sexy sexy mo naman." Sabi ni Bianca nang makalapit ako sakanya.. naki pag beso ako sakanya at niyakap siya..


My Stone Heart (COMPLETE) Where stories live. Discover now