Chapter 20

656 15 1
                                    

MSH

BATANGAS PART II

Nandito na kaming lahat sa bahay.. may dalawang malaking kwarto dito yun na lang daw ang gagamitin namen.. sa taas yung kwarto namen at sa baba naman yung sa mga lalake..

Umakyat na kami sa taas dinala na din nung mga lalake yung gamit namen at bumaba na sila.. mamimili daw si jonas si Diamond saka si lucas yung tatlo naman nagaayos sa baba..

Mga 10:00AM kasi nang dumating kami dito .. mag papahinga muna kami mamaya na lang kami lalangoy..

Binaba ko na din muna si yeontan ganun din yung ginawa ni tala kay chimmy.. Kaya ayun yung dalawa naghaharutan na..

Na upo muna ako sa kama.. at inayos yung mga gamit ko.. tatawagin na lang daw kami nila pag lunch time na..

Maganda dito sa resort nila Casper puti na pinong pino yung buhangin..nakaka relax pati yung hangin dito..tumayo ako at pumuntang veranda nang kwarto na to.. sumunod naman sakin si yeontan saka si chimmy na naghaharutan pa din..

Kitang kita dito yung kulay na blue na dagat na e excite tuloy ako lumangoy.. pero masakit na kasi sa balat yung araw kaya mamaya na lang kami lalangoy.. nakita ko naman sa baba yung tatlo na nagaayos para sa iihawin nila mamaya para pag dating nila Diamond okay na. Tumingala dito si trystan at kinawayan ako.. ngumiti naman ako sakanya sakto may nag flash na camera.. pinituran pala ako ni tala hilig nyang mag picture pag naka side view ako.. lumabas na din yung dalawa at nag picture kaming lahat.. pinituran din kaming dalawa ni Nadine.. binuhat ko si yeontan at nag pa picture kay tala.. nag palit muna kaming lahat nang two piece sabay nag suot kami nang dress para huhubarin na lang namen mamaya pag ka tapos namen kumain.. ayaw mag two piece ni Nadine pinilit lang namen siya.. wala na siyang nagawa magisa lang siya eh tatlo kami.. nang tinawag na nila kami para mag lunch bumaba na kami.. buhat ko si yeontan at buhat naman ni tala si chimmy pag nag swimming daw kami iiwan na lang namen yung dalawang tuta dito sa  bahay..



Sa isang cottage kami kumain.. katabi ko si trystan kumain.. nasa kanan ko siya nasa kaliwa ko naman si Nadine katabi naman niya si tala at katabi ni tala yung kakambal niya.. nasa tapat naman namen sila ash Casper paul  jonas saka si lucas..

Binaba ko naman si yeontan ganun din ginawa ni tala kay chimmy.. kaya nag hahabulan yung dalawang aso..


Ang dami namen plano na gagawin dito one week kasi kami dito.
Saturday pa balik namen sa manila..


Nang matapos kami kumain nag pahinga lang kami.. at dinala na muna ni trystan si yeontan saka si chimmy sa bahay doon na muna yung dalawa..

Nauna na silang pumuntang pool.. sa pool daw muna kami.. nahiya pang hubarin ni Nadine yung suot niyang dress.. sexy naman siya. Kitang kita yung kurba nang katawan niya.. nang dumating na si trystan hinubad ko Na din yung suot kong dress at naka two piece na lang.. sumimangot naman siya nung nakitang nag hubad ako..


"Kailangan ba talagang mag two piece ka.." sabi niya


"Hah bawal ba.. kasama naman kita.. saka pag hindi ako nag two piece naiiba ako sakanila.." malungkot kong sabi.. ganto ako paawa effect para pumayag siya..

"Hays oo na oo na.. basta wag kang lalayo sakin hah.." sabi niya

Tumango lang ako sakanya..

My Stone Heart (COMPLETE) Where stories live. Discover now