Chapter 27

526 20 0
                                    

MSH

Iyak lang ako nang iyak habang nakaupo dito sa park hindi ko alam kung bakit ganun siya okay pa kami diba bakit parang yung kasiyahan namen nawala na lang bigla.. ramdam kong mahal na mahal niya ako.. nakikita ko yun sa mga mata niya saka lagi naman niyang pinaparamdam sakin..

Isang oras na akong umiiyak dito may naramdaman akong papalapit sakin.. nag angat ako nang tingin akala ko si trystan si kurt pala.. dali dali siyang lumapit sakin at pinatayo ako..

"What's wrong demonise.. anong nangyari sayo asan si trystan bakit ka naka upo dito bakit ka umiiyak..."nagtatakang tanong ni kurt sakin habang naka tingin sa mukha kong puro luha.. nang wala siyang nakuhang sagot sakin niyakap. Na lang niya ako at binaon yung mukha ko sa dibdib niya humagulgol naman ako..

"Demonise bakit sabihin mo sakin yung totoo.. asan si trystan.?"tanong niya ulit sakin habang naglalakad na kami pa punta sa kotse niya

"Wa-wala na kami ni trystan naki pag hiwalay na siya sakin.. sabi niya hindi na daw niya ako mahal.. pero hindi ako naniniwala sakanya.. punta tayo kayla Vaughn please kurt.." sabi ko kay kurt habang umiiyak na naman..

"Osige pupuntahan natin siya.. wag kana muna umiyak.. nasasaktan din ako pag nakikita kang umiiyak.." sabi niya habang binuksan yung front sit nang kotse niya at pinapasok ako umikot naman siya sa kabila.. pag pasok niya na i start na niya yung kotse niya at umalis na kami.. pupunta kami sa bahay nila trystan..

Tahimik lang akong naka upo habang nakatingin sa labas nang bintana.. pumapatak pa din yung luha ko na agad ko naman na pinupunasan.. nang makarating kami sa tapat nang bahay nila trystan pababa na sana ako kaso nag salita si kurt.

"Gusto mo samahan kita sa loob.." sabi niya.. umiling lang ako at lumabas na.. pumasok na agad ako sa bahay nila naabutan ko pa si trystan saka si tyrel na nasa sala tulala si trystan si tyrel lang ang naka pansin sakin.. kinalabit niya yung kuya niya at tinuro ako.. nagulat naman siya..

"Vaughn magusap tayo please hindi ko talaga kaya.. ano bang nagawa ko.. may kasalanan ba ako.." sabi ko tumayo siya at lumapit sakin..

"Wala kang kasalanan.. ayoko na talaga.. umalis kana.. baka kung ano pa ang masabi ko sayo.. now leave.." sabi niya at tumalikod na sakin.. aakyat na siya sa kwarto niya.. hinabol ko siya at niyakap.

"Hindi ako naniniwala sayo Vaughn please wag naman ganto.. ang sakit sakit na ih okay naman tayo diba.. bakit bigla na lang ganto.." sabi ko habang humahagulgol. Nakatingin lang samen si tyrel..

"Hindi na nga kita mahal mahirap bang intindihin yun.." sabi niya sakin nang pasigaw.. nabigla naman ako.. bumitaw ako sakanya nang yakap..

"Humarap ka sakin sabihin mo sakin diretso sa mga mata ko na hindi mo na talaga ako mahal.." sabi ko sakanya kahit nahihirapan na akong mag salita dahil sa pag iyak ko..

"Pag ginawa ko ba yun aalis kana.." sabi niyo

"Oo aalis na ako nang kusa at hindi mo na kailangan pang ipag tabuyan.." sabi ko sakanya

Humarap naman siya sakin at diretso sa mga mata ko yung mata niyang walang ka emo emosyon..

"Hindi na kita mahal demonise.." sabi niya diretso sa mga mata ko na mas lalong nag paiyak sakin.. nilagay ko na sa mga bibig ko yung kamay ko.. nag iwas naman na siya nang tingin sakin..

My Stone Heart (COMPLETE) Where stories live. Discover now