Mahal kita

153 5 5
                                    

Araw-araw ang pagdating ng yong mga mensahe,
Mahal kita, mahal kita, yun ang laging sinasabi.
Wala mang makuhang sagot mula sakin,
Ang sabi mo ika'y maghihintay parin.

Gusto kitang sagutin,
Ngunit bawal parin,
Ni pagtingin sa yong mensahe pinagbabawalan din,
Bakit hindi nalang nila hayaan, pag-iibigan natin?

Di ka gusto ni mama at papa,
Tayong dalawa masyado raw bata pa,
Marami pa raw akong makikilala,
Sa isip ko wala akong pakialam basta ako mahal kita.

Bakit kailangan pa nilang humadlang,
Di ba nila alam nararamdaman'y lumalala lang,
Sa bawat araw na walang koneksyon,
Labis na nagpapatindi sa bawat emosyon.

Mahal kita, mahal kita,
Wag kang mag-alala,
Hintayin lang natin hudyat ng tadhana,
At pagdating ng araw na muling masasabi sayong mahal kita.

Mga tula para sayoWhere stories live. Discover now