Ikaw Lamang

193 2 0
                                    

Ikaw lamang ang aking minamahal,
Ipilit man nilang ipagbawal,
Gagawin ang lahat para lang makapiling ka,
Magdarasal at patuloy na di mawawalan ng pag-asa.

Bawat oras na wala ka, parang mabigat na parusa,
Nararamdaman sayo'y hinding hindi mag-iiba,
Sa lahat ng aking ginagawa, ikaw lamang ang nasa isip ko sinta,
Tanging hiling ay muli kang makasama.

Sana'y di na tayo magkahiwalay,
Sa ating pagtanda handa ako sayong umalalay,
Palaging hahawakan iyong mga kamay,
Sa bawat saya at hirap tayo'y magkaramay.

Wag mag-alala mga pangako sayo'y pakaiingatan,
Mamahalin ka hanggang dulo ng walang hanggan,
Walang makakapalit maging sino pa man yan,
Tanging ikaw lang nais makasama sa pangmatagalan.

Mga tula para sayoWhere stories live. Discover now