Isang taon

99 4 10
                                    

Bawat araw iniisip ka,
Pano mapaparating aking nadarama,
Kundi sa pagsulat na lang ng mga tula,
Sa mga susunod na araw mabasa mo sana.

Isang taon na nakalilipas,
Pagtingin sayo wala paring kupas,
Kasing-init ng bagong lutong sopas,
Ganun ka rin naman sakin kaya patas.

Sana sa ikalawang taon,
Tayo'y magkaroon na ng selebrasyon,
Tiwala ang ating pundasyon,
Ang isa't isay ginagawang inspirasyon.

Kung hindi ikaw ay di na rin ako iibig,
Ang puso'y tanging ikaw lang ang pinipintig
Isip ko ikaw ang palaging bukambibig,
Makarinig lang ng pangalan mo ako na'y kinikilig.

Hindi sapat ang isang taon,
Para limutin ang mga naglaon,
Na pinagsamahan at mga panahon,
Na labis na nagpatindi sa ating samahan noon.

Isang taon o kay tagal na pala,
Kitang hindi nakakausap o nakikita
Siguro mukha mo'y hindi na maipinta,
Sa sama ng loob sa aking mama at papa.

Wag mag-alala dahil lalong tumitindi,
Paglimot sayo'y gagawin ko, hindi
Kasi lalong lumalalim pagtingin ko sayo,
Napapatunayan habang tayo'y magkalayo.

Mga tula para sayoWhere stories live. Discover now