Makapiling Ka

97 4 10
                                    

Paggising sa umaga hanap agad ay ikaw,
Pangako natin walang bibitaw,
Mga pangakong alam kong tutupadin natin,
Hanggang huli alam kong ikaw ay akin.

Napakinggan ko kantang Makapiling Ka,
Sa puso ko nabuhay ang pag-asa,
Para sa iyo ang kanta ding ito'y iaalay,
Mamahalin ka palagian habangbuhay

Aaliwin ko ang sarili sa musika,
Tulad ng sabi sayong napiling kanta ng Spongecola,
Dadamhin ko ang bawat lirika,
Iisipin ka sa bawat linya.

Minsa'y nahuhuli ko rin ang sariling nakangiti,
Mga magagandang maaaring mangyari,
Na Inihahanda sa atin ng Maykapal,
Magiging tugon sa ating mga dasal.

Sa pagpatak ng bawat sandali,
Inspirasyon ko ay iyong mga ngiti,
Sa pagsulat netong tula ibubuhos lahat ng nadarama,
Umaasang balang-araw mababasa mo sana.

Kamusta na kaya ang iyong pamilya?
Lalo na si Andeng na siguro'y malaki na,
Basta laging tandaan tayo'y magdasal lang sa Kanya,
Tanging hangad ko lang naman ay muling Makapiling Ka.

Mga tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon