Kailan?

120 6 5
                                    

Kailan, kailan kaya kita makikitang muli?
Sabik na sabik sayong mga ngiti,
Sa panaginip palaging kasama kita,
Magkatotoo naman ang mga ito sana,

Kailan, kailan kita mayayakap muli,
At makukurot ang iyong mga pisngi,
Namimiss ko na ang mga biro mo,
Hanggang sa panaginip nadadala ko ito.

Kailan, kailan kita makakatawanan muli,
Oh lungkot sadyang kay hirap ikubli,
Umiiyak sa tuwing mag-isa,
Ngunit nananalangin at laging umaasa,

Kailan, ating istorya muling maipagpapatuloy
Walang magawa kundi sumabay sa daloy,
Daloy at agos ng ilog ng tadhana,
Naghihintay kung kailan tayo'y muling magkakasama.

Mga tula para sayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon