Kabanata 3

663K 28.7K 13.8K
                                    


Kabanata 3

Favorite

Binalita ko kaagad kay Soren na pumayag si Alonzo sa training na gusto niya. Tuwang-tuwa siya na tumawag talaga siya.

"Totoo ba 'yan, Sancha?"

"Oo. Uh... Kung... papayag ka raw na Linggo. Kasi wala siyang ibang... oras."

"Oo naman! Kahit kailan niya gusto, s'yempre. Pero kada Linggo lang ba?"

"M-Mag ti-text lang daw siya kapag kailan siya free pero sa ngayon, Linggo pa lang ang maipapangako niya."

We go to church every morning of a Sunday. Kumakain sa hardin pero sa buong araw ay wala nang gagawin. Pinapayagan naman akong lumabas ng Linggo at hindi naman mahigpit sina Mommy at Daddy. Siguro hindi ko na lang babanggitin na si Soren ang kasama ko, lalong lalo na kay Ate. She doesn't approve of me seeing Soren but my parents are okay with it so it must be okay.

Tinitigan ko ang cellphone ko na may mensahe. Pagkatapos sabihin ni Alonzo na tuwing Linggo lang siya puwede, kinuha niya ang numero ko. Ako ang i-ti-text niya kung may pagbabago man sa schedule niya o kung tuloy ba sa mga practice.

Unknown Number:

This is Alonzo. Save my number.

Tumikhim ako at unti-unti ring sinunod ang sinabi ng mensahe niya. Tama nga naman iyon.

Ako:

Okay.

I replied to be polite. My heart jumped when I saw another text from him.

Alonzo:

Pumayag na ba si Soren sa araw na gusto ko?

Ako:

Pumayag naman.

I don't know why I am both uncomfortable and nervous. Wala namang dapat ika nerbyos sa usapan, e.

Alonzo:

Makakalabas ka ba kapag Linggo?

Ako:

Oo.

Alonzo:

Alright.

The next thirty minutes I spent on looking at my phone thinking of a reply but it's a dead end so it should be okay. I didn't reply on it. At sa huling reply naman ni Alonzo, mukha namang wala siyang planong pahabain ang usapan.

"Thank you so much, Sancha!" halos umangat ako sa kinatatayuan sa higpit ng yakap ni Soren sa akin.

Nagtawanan ang iilan pang mga kaibigan naming naroon. Si Ella man ay natawa na rin sa reaksiyon ni Soren.

"I have a gift for you later!" aniya.

"Ano naman 'yon?"

Pilit kong kinalma ang sarili. Inayos ko rin ang buhok dahil sa yakap niya nagulo ito. Soren smiled boyishly. Sa tabi niya ay si Julius.

"Basta! Mamaya na at pinapadala ko pa rito. Sama ka mamaya? Manonood ako ng practice game ng varsity."

"Uh, I can go. Maghihintay pa naman ako sa driver na dumating, e."

"Good. I'll give you my gift later and... kakausapin ko rin si Alonzo. Naroon naman siya mamaya, Julius, hindi ba?"

"Oo. Basta Monday, siya talaga ang nag co-coach."

"Okay!"

Nang umalis ang mga lalaki'y malisyoso na akong siniko ni Margaux. Alam ko agad ang naiisip niya. Ella watched us as we walked back to our classroom.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon