Kabanata 33

616K 26.6K 6.8K
                                    

Kabanata 33

Poison


Ang mga sumunod na araw ay sa ganoong paraan nagsisimula at natatapos. I've never felt this consciously alive before. For me each living day felt like a routine. I get happy at times and go home sad inside my room. That week, I looked forward to coming to work and not because of baking or my responsibilities as the owner of my business. It's all about something... else. Something more special.

I was seventeen when I realized that I've fallen for Alonzo. At dati rati pa naririnig na sa buong Altagracia na gusto niya ako kaya hindi ko na kailangang hulaan pa kung maibabalik ba sa akin ang nararamdaman ko kung sakaling magtapat ako sa kanya. Right now, it feels the same way. It thrills me to know that if I cross the line today, everything between us will change.

Ang mundong dati ko lang tinatanaw sa malayo, lalapit sa akin. Hindi ko alam kung ako ba, o siya ang nagpumilit na lumapit. Ang alam ko lang, pareho kaming magtatagpo kapag sinagot ko na siya. It's amazing to know that I have that power.

Dala ang isang babae at isang lalaking empleyado, tutulak na kami patungo kina Almira. Pinauna ko sila. Sa delivery van sila ng cafe, may driver na kasama. Samantalang dinala ko na ang sasakyan ko, handa na maging bisita sa birthday ni Almira kahit na alam kong priority ko talaga ang pagtulong sa mga empleyado ko.

"Sancha, mag enjoy ka roon. Huwag mo na masyadong abalahin ang sarili mo at binilin ko na sa kanila ang mga kailangang gawin," si Ate Soling bago ko pinaandar ang sasakyan.

"Opo, Ate. Thank you!"

Hindi makakasama si Ate Soling dahil siya ang magbabantay sa cafe habang naroon kami sa party. Ako ang gumawa noong cake at iilang Low Carb desserts.

Alonzo was already standing along with some parked cars near Almira's residence. Nakahilig siya sa pintuan ng kanyang sasakyan, hindi pa pumapasok kahit halatang may mga bisita na rin sa loob.

Nasa loob pa ako ng sasakyan nang may nagbadyang ngiti sa labi ko. I stopped myself from smiling, thinking that I'm too excited for all of these.

Walang palya ang pagpunta niya sa cafe. Sa umaga para bumili ng kape, o 'di kaya'y tubig at merienda, sa gabi nagdi-dinner kaming dalawa. Hindi siya umuuwi hanggang hindi nagsasara ang cafe. Kapag nakauwi na kami, madalas siyang mag text pero hindi ko na pinapatagal. Alam kong dapat na siyang magpahinga at ako rin naman.

"Hindi ka pa pumasok..." I pointed out as I went out of my car.

"Hinihintay kita. Papunta ka na raw sabi ng driver," aniya.

I sighed my supressed feelings, trying hard not to overreact at his answer. I locked my car and waited for him. Nagpasya kaming pumasok na sa bakuran nina Almira.

Gaya ng bahay nina Alonzo, malawak ang bakuran nina Almira kaya naiintindihan ko kung bakit puwedeng-puwede nga roong magparty. I'm a bit pleased seeing the different people of that party. Sa isang banda ang mga kamag-anak ni Axel na pawang mayayaman, iilang kaibigan nina Axel na ganoon din pero may halo nang sina Keira at iba pa.

"Ikaw daw ang nagcater, Sancha?" sinalubong ako ng Mama ni Axel, may hawak pang inumin at kanina pa pinapapasok ang iilan pang kamag-anak.

"Hindi po. Sa sweets lang, Tita."

"Oh! Yes! Wala ako no'ng opening kasi nasa Dumaguete kami ng Tito mo. Congratulations!" she said merrily and slightly looked at Alonzo behind me.

I saw the unsaid comment in her expression. Ngumiti lang siya at nagpaalam na may ibang kakausapin pang bisita.

"Alonzo! Sancha!" si Almira nang nahanap kami. "Dito kayo!"

Abala si Almira pero napaupo niya pa kami sa isa sa mga round table. She announced that we'll sit with Adriano, George, and some of the girls of their batch. Wala pa lang dahil maaga pa.

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon