Wakas

1.2M 43K 50.2K
                                    

That was the last chapter and this is the epilogue of Getting To You. Pasensiya na at nalimutan kong magsabi last time dahil nagmamadali akong ipost ang updates. This is the second installment of my Azucarera Series, my light take of romance and homecoming. By now you probably noticed the difference of this series from the others. Thanks for reading. It means a lot to me.

---

Wakas


Yumuko ako, ayaw sanang magsalita pa. Hindi ko alam paano kumalat iyon. Hindi ko gustong lumabas ang usapan sa iilang pinagkakatiwalaan ko pero sa ngayon, balikan ko man ang lahat, wala na akong magagawa.

"Totoo ba 'yon?" si Sir Manolo Alcazar.

Hindi ko naman inasahan na aabot sa kanya iyon at lalong hindi ko inasahan na kukumprontahin niya ako dahil doon. I swallowed hard. I can't hide my nervousness. Tumango ako, nakayuko pa rin. Bahagya niyang sinuntok ang tiyan ko at dahilan kung bakit napaatras ako ng kaunti. Hindi masakit at pabiro lang pero ramdam ko na seryoso siya.

"Para malaman mo, Alonzo. Bata pa ang kapatid ko para mag boyfriend!"

"Hindi ko naman po liligawan si Sancha, Sir. Nagagandahan at nababaitan lang naman po ako. Iyon lang naman po," tanging nasabi ko.

Nagkatinginan kami ni Sir Manolo. Madilim ang tingin niya sa akin, para bang nananantiya at hindi ako pinagkakatiwalaan. Humilig siya sa harapan ng kanyang lamesa bago humalukipkip.

"Sige nga. Paano mo siya nagustuhan?"

Ayaw ko sanang pag-usapan ang ganito. Hindi ko kanino man nasabi ang tungkol dito pero dahil gustong malaman ni Sir Manolo, ang kuya ni Sancha, siguro wala na akong magagawa kundi sabihin ang totoo.

"Nakausap ko lang siya ng ilang beses, Sir. Magalang, mabait, at mahinhin kaya... uh..." I tried my best to find a better word than liking her. "Hinangaan ko lang po."

Nagkatinginan ulit kami ni Sir Manolo. He smirked.

"Talaga? Iyon lang talaga?"

"Opo, Sir. Iyon lang."

"Liligawan mo?"

"Hindi po, Sir," agap ko.

"Hindi man halata dahil mahinhin na bilang Grade Eight, bata pa si Sancha at ayaw kong nililigawan siya. Kahit ikaw."

"Alam ko naman po 'yon, Sir."

"Buti nang nagkakaliwanagan tayo, Lonzo. Maraming ka-batch mong magaganda, 'yon na lang ang ligawan mo. May iba ka bang gusto sa batch mo? Si... ano... Steffi? Almira? Si Camila?"

I chuckled nervously. "Wala naman sa isipan ko ang pag-gi-girlfriend pa, Sir. Gusto ko lang mag-aral at magtrabaho para makatulong sa mga magulang ko."

Tumango siya. "Buti nang nagkakaintindihan tayo."

Naghintay akong paalisin niya ako sa opisina pero nagtagal pa siya roon. Kaga-graduate lang niya ng college at agad na nasa mataas na posisyon dahil sila ang may-ari ng azucarera na pinagtatrabahuan. Si Sancha ang bunso nilang magkakapatid at kahapon lang, natanong ako ni Ma'am Peppa kung totoo ba 'yong narinig niya tungkol sa kagustuhan ko kay Sancha. Hiyang-hiya ako. Alam ko agad na ipapatawag ako ni Sir Manolo sa susunod na araw.

"Kapag tumanda na. Say, she's twenty. Hindi mo pa rin liligawan?!" medyo pagalit ang tanong ni Sir Manolo sa akin.

Napasulyap ako, hindi alam ang tamang sagot. Ano naman ang gusto niyang marinig?

"Uh, Sir, hindi ko pa masyadong iniisip 'yan."

He laughed mockingly this time. "So? Makakaasa ako na kahit tumanda si Sancha, hindi mo liligawan, Alonzo?"

Getting To You (Azucarera Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon