Faggot#10: The Past p.4

3.1K 118 23
                                    



Year 2014 (PAST)
CONTINUATION

NAGHUGAS muna ako ng kamay bago napagpasyahang lumabas ng banyo. Pagkalabas ko ay may humawak agad nang mahigpit sa braso ko na tila ba gusto itong baliin. Hindi ko tuloy mapigilang mapadaing sa sakit habang pilit na nagpupumiglas. Sa inis ko ay aawayin ko na sana ang kung sinong iyon pero ang tumambad sa akin ay iyong gwapong mukha ni Nicholas kaya napahinto ako. Aba, I am more than willing to be captured. Kung ganito ba naman kagwapo ang hahawak sa akin ay go! Tutal mukhang inabangan niya talagang lumabas ako. Sweet naman!

Ngingitian ko sana siya pero nabitin lang iyon sa ere dahil hindi man lang siya tumugon pabalik. Bagkus, kakabasan ng galit ang mga mata nito at pangigigil.

Lagot na.

"I-irog ko!" Malambing na pagtawag ko habang inaagaw ang braso ko mula sa pagkakahawak niya pero mas lalo lang naman niya iyon hinigpitan.

Shems, hindi pa nga humuhupa ang sa braso ko na nauntog kanina, ngayon may panibago na naman. Malalagot talaga ako nito kay Amber. Tiyak na isusumbong ako noon kay Mama kapag may nakita siya ulit.

Hindi ako pinansin ng Irog ko. Sa halip ay walang babalang hinatak niya lang ako sa kung saan kaya napasunod na lang ako sa kanya.

Umakyat kami sa second floor ng lugar kung saan may mga room para sa V.I.P. Mukhang suki na talaga dito ang Irog ko dahil may pinakita lang siyang card ay pinapasok na siya noong nakabantay.

Pagkarating namin sa isang kwarto ay pabalya niya akong tinulak paupo sa sofa.

"You are really crazy? Aren't you? Hindi ka pa ba nadala kanina ha? Luca, as much as I want to. Ayaw kitang saktan dahil kapatid ka ng kaibigan ko pero sumosobra ka na. Tapos ngayon ginugulo mo na naman ako? Ano pa bang gusto mo ha?" Himutok niya ng sobrang lakas habang ako naman ay nakayukong pinapakinggan lang siya. "Because of you and your fucking lies, Paulo left me earlier and now, Jake also left." So, Jake pala ang pangalan nung lalaki kanina? Tsk. Cheap.

"Irog k-"

"SHUT YOUR F*CKING MOUTH!" Pagputol niya sa sasabihin ko dahilan para mapatahimik ako kaagad. "Rinding-rindi na ako sa bunganga mo pati sa istura mo. My Ghad! Ano bang mahirap intindihin sa hindi kita gusto?" Bulalas niya pa habang hinihingal.

"Because I love you!" Palaban kong sabi. "Wala akong pakialam kung kahit ilang beses mo pa akong itaboy dahil mahal kita. Bakit ba ayaw mo akong bigyan ng kahit isang chance man lang." Katwiran ko pa.

"You are still young, Luca Alysha. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sa iyo. Matuto ka namang magkaroon ng delikadesa sa sarili mo. Babae ka at babae naman ako sa isip at puso ko kahit lalaki ang panlabas ko. In short, hindi nga kasi talaga tayo talo. Bakit ba ang kulit-kulit mo."

Napasandal na lang ako sa sofa sabay takip sa aking tenga. "I didn't here any word." Bingi-bingihan kong saad.

"F*CK THIS LIFE! Bakit ba ang tigas ng ulo mo?" Sipa niya sa single na upuan doon kaya tumumba. Napaayos naman ako ng upo ko dahil sa gulat. Medyo kinakabahan na ako kasi hindi na biro itong pinapakita ng Irog ko. Parang anytime kasi, gusto niya na akong patayin.

CLANDESTINE (Book 4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon