Faggot#22: Family Day p.3

2.8K 128 12
                                    

Chapter 22

HINDI na natuloy ang planong pamamasyal namin uli matapos kumain. Nag-aya na kasi si Nicholas umuwi at pumayag naman ako dahil gusto ko na ring magpahinga.

Tahimik lang kami buong byahe. Si Legolas naman nakatulog na habang nakasandal sa akin. Ngayon lang ata tinamaan ng pagod.

Pagkauwi ay hindi na namin ginising pa si Legolas. Binuhat na lang siya ni Nicholas papunta sa kwarto at sinamahan ko na lang siya dahil aayusin ko pa ang gamit pang-eskwela nito.

"I will just go to my room." Paalam ni Nicholas. Tumango na lang ako bilang sagot kaya umalis na siya. Ramdam niya sigurong ayaw ko siyang kausapin dahil sa nangyari kanina. Mukhang nakakahalata na sa hindi ko gaanong pagkibo.

Kahit na ba pinagtanggol niya ako e, mas pinalala niya ang nangyari dahil diyan sa 'fiance' na yan. Kilala ko pa naman si Daisy, siya ata iyong babaeng sinalo lahat ang pagiging chismosa. Bukas panigurado, magtatanong 'yun at posible rin niyang ipagkalat sa iba pang magulang doon sa school nila Legolas.

Inayos ko na ang mga gamit ni Legolas. Nakahinga ako nang maluwag dahil wala akong nakitang assignments. Buti na lang wala, dahil kung mayroon tiyak hindi niya iyon magagawa sa sobrang pagod.

Lumakad na ako palabas at maingat na sinara ang pintuan ng silid ng anak ko.

"Ay bakla!" Napasapo ako sa dibdib ko dahil sa nerbyos. Paano ba naman? Si Nicholas nakasandal sa pader na tila nag-aabang. Mukhang bagong paligo ang bakla dahik basa ang buhok nito. Tapos, may nakasabit ding towel sa balikat niya.

Akala ko ba pumasok na ito sa kwarto niya? Bakit nakatambay pa ito?

"Grabe makabakla? May issue ka ba sa amin?" Anas niya na lang.

Sa halip na sagutin, ay inirapan ko na lang siya. Lumakad na ako paalis dahil mukhang titingnan niya pa si Legolas. Pero laking gulat ko na lang ng sumunod siya sa akin hanggang sa matapat na ako mismo sa kwarto ko.

"Why are you following me?" Harap ko sa kanya.

"Bakit 'di mo ko pinapansin?" Atungal niya bigla animo'y hindi mapakali.

"Sumunod ka sa akin para lang itanong 'yan?" Halukipkip ko. Ano namang big deal sa hindi ko pagpansin sa kanya?

"Seriously kanina ka pa ah, ipinagtanggol na nga kita tapos hindi ka man lang nagpapasalamat. Ikaw pa talaga ang may ganang i-ignora ang feslak ko!" Gigil na gigil na himutok niya.

"Fine! Edi Salamat." Napipilitang saad ko saka siya tinalikuran. Akmang pipihitin ko na ang seradura ng pinto nang pinigilan niya ako. Hinawakan niya ang kamay ko at mabilis pa sa kidlat na isinandal ako sa pinto.

"What do you think you're doing?" Sita ko sa kanya.

Imbis na alisin ang pagkahawak niya sa akin ay itinaas niya pa ang dalawang kamay ko sa aking ulohan at kinulong ito gamit ang isa niyang kamay.

"I should be the one asking you that. What do you think you're doing and you keep ignoring me after what happened?"

"Do you really want to know?" Bumitaw ako sa pagkakahawak niya sa akin at nagtagumpay naman ako.
"Hindi ka ba nag-iisip sa pinagsasabi mo kanina? You even said I'm your fiance when i'm not. Ano na lang ang mangyayari kapag pinagkalat iyon ni Daisy. Likas pa namang madaldal ang bunganga nung babaeng iyon. Alam mo? You just made it worst!" Sisi ko sa kanya habang dinuduro siya.

"P*t*ng*n* naman Luca!" Suntok niya sa pader na nasa gilid ko. "Ayan lang ang hinihimutok mo? I did it to save you from humiliation. Why can't you just f*cking appreciate it?!"

"Huwag ka kasing magsasabi ng hindi naman totoo. Stop fooling others, Nicholas. Stop fooling me." Sabi ko saka tuluyang pumasok sa aking silid.

Hinilot ko ang sentido ko pagkaupo ko sa kama.

"Gosh! I feel sick." I muttered out of frustration.

Parang gusto ko nang umalis.

NICHOLAS

As i lay myself on my bed, my phone rang, so i took it out in my pocket.

"Good evening babe." Michael greeted.

"Evening." I simply said in return.

Nakakawalang gana ang araw na ito. I pictured myself with my son and Luca na maganda ang mangyayari. But it turns out wrong.

"You seems tired. How does your bonding go?" He asked with anticipation.

"Terrible." Pagtatapat ko. Mula sa pagkakahiga ay naupo ako.

"What? Why? What happened?" Same old Michael, lagi siyang concern sa mga bagay kahit na hindi naman siya involved. One of the reason that made me fell for him.

"Luca is mad at me again." Panimula ko and i heard him sighed. "I just want to defend her but mas nagalit pa siya sa sinabi ko." Nakangusong paliwanag ko.

"What did you said?"

"I said she's my fiance. Paano ba naman? sabi nung babae anak daw sa labas ang anak ko?! Sinong matutuwa doon? Saka, nasabi ko lang naman yun para sa kanya." I exclaimed. "Tapos magagalit siya kasi daw baka ipagkalat, hindi naman totoo."

"Say sorry to her, Babe. She had a reason to be angry in the first place. What if pinagkalat iyon nung sinabihan mo? Paano mo mapapanindigan iyon? How can you take responsibility when in fact you're a gay and we have a relationship? Hmm?"

"But-" I tried to reasoned out but he cut me off.

"You know what? Naiinis din ako sa sinabi mo. I am your boyfriend but you're proclaiming yourself as Luca's fiance." Mahinang sabi niya na kakabasan ng pagtatampo.

I stroked my hair out of words to said. Ngayon ko lang na-realized, mali pala iyong ginawa ko.

"I'm sorry. I won't do it again Babe, I promise." I told him. "I'm just...maybe out of focus. I didn't think the consequences. I'm sorry. I love you babe."

"I love you too." He replied before turning off the call.

I drew a deep breath. Napatingin ako doon sa kanan kong kamay na kumikirot dahil sa pagkakasuntok ko sa pader kanina.

Napasobra ata ako ng nasabi at hindi ko man lang na kontrol ang sarili ko.

Fine! I will say sorry to her first thing in the morning then maybe...maybe tomorrow will change everything.

🌻🌻🌻

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS





CLANDESTINE (Book 4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon