Faggot #46: His ex

3.5K 133 15
                                    

CHAPTER 46

QUARTER to twelve na nang tanghali at tapos rin ang klase ko. Ang kailangan ko na lang gawin ay kunin ang mga OMRs ng isa kong section sa Psychology. Katatapos lang kasi ng prelim at need na namin mag-input ng Preliminary Grade.

Saktong naglalakad ako bigla nang makasalubong ko si Mrs. Salazar sa hallway, iyong Dean ng CAS. Saglit na batian lang ang nangyari, pinaalalahanan niya lang ako about sa isasagawang Review para sa Board Exam ng mga Third year.

Matapos noon ay may biglang tumawag sa kanya kaya naisipan ko nang magpaalam. Ayoko namang makaistorbo dahil mukhang relative niya iyon kasi tinawag siyang Tita.

Iyon nga lang, biglang nanlaki ang mata ko dahil hindi ko inexpect na makikita ko ang taong iyon dito. Matapos kasi ng hiwalayan na nangyari ay wala na akong balita sa kanya dahil hindi naman nagkukwento si Nicholas. Hindi rin naman ako nagtatanong dahil sa isip ko, relasyon naman nila iyon. Labas ako sa kanila.

"L-Luca?" Paninigurado ni Michael nang makalapit siya sa pwesto namin.
Ano naman kayang ginagawa niya dito sa University?

"Oh hi!" Ngiting bati ko. Mabait naman si Michael at kahit pa sabihing ex siya ni Nicholas, wala akong karapatang sungitan siya. "Long time no see!"

Napansin ko ang pasalit-salit na lingon sa amin ni Dean Salazar, halatang nagtataka. "Seems like you knew my nephew, Ms. Villareal." She stated obviously.

I smiled. "Kind of. He's a Friend." Magalang na sagot ko sabay tingin kay Michael na napangiti sa sagot ko.

"Michael, Why are you here?" Usisa ni Dean sa pamangkin. Gusto ko na sanang magpaalam para umalis kaso naghahanap pa ako ng tamang tyempo. Hindi naman maganda kung basta-basta ko na lang silang iiwan.

"Tita, sabi ni Grandpa umuwi ka raw mamayang dinner. Looks like he need to talk to you 'bout something." Anas ni Michael na may kasamang pameywang.

Napangiwi ako, too gay.

Sa pagkakaalam ko, sabi ni Nicholas ay tago ang pagkabeki ni Michael sa pamilya niya pero bakit parang hindi naman?

Napataas naman ang kilay ni Dean. "Bakit ka pa pumunta dito? You can just call me." Pagsusungit nito.

"May meeting ako malapit dito kaya dumaan na rin ako." Nayayamot na wika nito pabalik.

Hhmm...

Mukhang normal ata na ganito ang trato nila sa isa't isa. May pagsusungit
pero hindi naman sila mukhang nag-aaway. More like they were teasing each other. Kumpara sa iba, ang unique ng way nilang Mag-Tita kung mag-usap dahil mukhang naghihintayan sila kung sino ang unang napipikon.

Napatingin ako sa cp ko nang mag-vibrate ito. Alarm lang pala, I almost forgot na nag-set pala ako ng alarm kanina.

Great!

Kukunin ko pa pala iyong OMR ng mga students ko.

"E-excuse me!" Kuha ko sa atensyon nila which is a sucess. "Ms.Dean, Michael, If you don't mind, I've got to go. Kukuha pa po kasi ako ng OMR." Paalam ko.

Napatango naman si Dean. "I see. Tanghali na rin. As far as i know, your classes were already over. You should take a break and eat." She said and I nodded.

"Hey Lucs!" Napalingon ako sa gawi ni Michael ng bigla niya akong tawagin.

Seriously? Lucs?

Kailan pa siya nagkaroon ng nickname para sa akin.

"Hhmm?" I retorted, trying to find a way to stop the conversation. Hindi ko kasi maiwasang makaramdam ng awkwardness sa kanya.

"C-can we talk?" Aya niya.

I sighed. Sabi ko na nga ba. Malamang sa alamang iikot ang usapan naman kay Nicholas. Wala naman akong nakikitang ibang dahilan bukod pa doon.

"Seems like it's a serious matter." Komento ni Dean. "Okay then! I'll go
ahead. Mukhang mahaba-habang discussion 'yan." Paalam nito bago umalis.

Katahimikan ang bumalot sa amin matapos noon. Pareho lang kaming nakatitig sa papalayong pigura ni Dean Salazar.

Nang tuluyan ng mawala ito ay doon na ako nagsalita. "Oo nga pala, sinabi mo nga pala noon na pamangkin ka ni Dean. Nakalimutan ko." Iling-iling ko.
"Ano bang pag-uusapan natin? Kukuhanin ko pa kasi ang OMR ng mga studyante ko." Pagtatapat ko sa kanya.

"Tita said na katatapos lang ng klase mo. So probably, wala ka pang lunch. Kunin muna natin ang OMR ng students mo. Then after that, let's grab some lunch. Don't worry, it's my
treat." Bigla-biglang desisyon nito na nagpagitla sa akin.

Nakangiti siya habang ako naman ay nakakunot ang noo. Mukhang desperado talaga siyang kausapin ako. Pero sabagay, inaasahan ko rin naman talagang mangyayari ito. Iyon nga lang, masyado pang maaga at hindi pa ako handa.

Isa pa, may gusto rin akong itanong sa kanya. Nagtataka talaga ako kung bakit sobrang bait niya sa akin gayong may kinalaman ako sa hiwalayan nilang dalawa ni Nicholas. Kung hindi lang siguro nakita ni Legolas ang Ama niya, paniguradong nagpapalit na ito ng pribadong kasarian. Kung hindi lang talaga kami dumating baka kasal na ang dalawa. Knowing Nicholas, he was desperate to be a woman.

"Okay then. I will just get the OMRs and my bag. Wait for me." Pagpayag ko.

"Sure, hintayin na lang kita sa labas ng gate since doon nakaparada ang car ko." Sabi niya saka nag-wave paalis.

•••••

DINALA ako ni Michael sa isang Grilled Restaurant na labis kong kinatuwa. Favorite ko kasi iyong mga ihaw pero syempre, hindi ko pinahalata. I just acted cool kahit takam na takam na ako sa liyempong nakahanda sa harapan namin ngayon. Kung bakit naman kasi ang tagal maluto!

"So, anong pag-uusapan natin?" Diretsahang tanong ko kahit na kumukulo na ang tiyan ko.

"Impatient, are we?" He smirked. Umayos siya ng pagkakaupo saka mataman akong hinarap. "So how are you and your son?"

Napaarko ang kilay ko. "That's it? Niyaya mo ko para mangamusta lang?" I ranted but he just laugh his heart out. Kahit papaano unti-unting nawawala ang awkwardness sa pagitan naming dalawa.

"Yup!" He proudly said. "T-Teka? Bakit parang inis na inis ka diyan? Kakamustahin ko lang naman talaga kayo since wala na akong balita sa inyo." Pagtataka nito.

I frowned. "Ask yourself! Aren't you gonna ask me about him?" Tukoy ko kay Nicholas na siyang nagpabago ng mood niya. Saglit itong natahimik sa sinabi ko pero maya-maya ay nagsalita na rin.

"Maybe." He just shrugged his shoulder and took my plate.

Pinagmasdan ko lang ang kinilos niya
matapos noon. Mula sa pagsandok niya ng kanin at paghiwa ng karne hanggang sa pag-abot nito mula sa akin.

I looked at my plate.

I see...

No wonder, kung bakit na-inlove si Nicholas sa kanya. He's gentleman and sweet.

"Let's eat!" Masayang turan nito sa akin kaya tumango na lang ako. Kanina pa kaya ako gutom.

🌻🌻🌻

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

Ps: Sorry for the late update.

CLANDESTINE (Book 4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon