Faggot #48: Reto

3.2K 131 20
                                    

Chapter 48

"Tamang-tama! May irereto ako sa iyo. Baka maging type mo since kauri niyo kang iyon nila Nicholas!" I giggled.

Bigla kasing sumagi sa isip ko si Aiden at halos matagal na rin pala simula nang hindi kami magkita. Sa pagkakatanda ko, last na encounter ko sa kanya ay noong birthday niya pa. Hindi rin pala ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos noon dahil umentrada si Nicholas doon sa event.

"Sino naman 'yan girl? baka naman walang panlaban iyon sa Ex ko." Urat na komento ni Michael habang nagmamaneho.

"Gwapo rin iyon!" Ismid ko na may halong pagmamalaki. Aba! Hindi naman magpapahuli sa kagwapuhan si Aiden no!

"Saka pagdating sa ugali, Hindi hamak na mas lamang iyon ng ilang paligo kumpara sa Ex mong maldita!"
Irap ko pa.

Napatawa ito ng mahina. "Hindi naman maldita si Nichole ah. Sa katunayan, mas sweet pa siya sa
akin." Pagtatanggol pa nito.

I groaned. "Argh! If you just knew. Malala ang pagkamaldita niyan lalo na noong college."

"Baka naman kasi may ginawa kang mali or ayaw niya, kaya ganoon." Kampi pa rin niya sa dating kasintahan.

Napantig ang tenga ko sa narinig. Itinaas ko iyong kamay ko sa harapan niya at siya naman ay nagtatakang patingin-tingin na lang sa gawi ko.

"Sige nga, Anong mali sa pagsusunod sa kanya kahit saan siya magpunta? Anong mali sa pagbibigay ko sa kanya ng flowers? o kahit ng chocolate?
Anong masama sa pagpipicture sa kanya? Anong mali sa pagtetext ko sa kanya kahit 'di siya nagrereply? Anong mali sa pagpigil ko sa kanyang magkabf? Eh, lahat naman ng iyon ginawa ko dahil mahal na mahal ko siya...noon." Sunod-sunod na wika ko.

Ewan ko kung anong nangyari at basta-basta na lang tinagilid ni Michael ang sasakyan at pinahinto.
Pagkatapos noon, nakayukong sumandal lang siya sa steering wheel
habang gumagalaw ang balikat.

Is he crying?

Mahal na mahal niya ba talaga si Nicholas kaya ganoon na lang siyang masaktan, dahil binaback-stabbed ko ang ex niya na totoo namang napakamaldita.

"Hoy! Ano namang nangyayari sa iyo girl?!" Tapik ko sa balikat niya. Pilit kong inaangat ang mukha niya at nagtagumpay naman ako. Ang kaso, pagkaangat niya ay nagpipigil lang pala siya ng tawa. Bwisit!

I crossed my arms as my right
eyebrow arched.

"Pfffft-HAHAHAHA!!!! I can't take this anymore! HAHAHAHA shock girl! Wiz ko matake na ginawa mo iyon sa kanya! Shoot! HAHAHAHAHAHA!!! kaya pala ganoon na lang ang inis niya kapag nakikita ka before! HAHAHA!!" Tawa niya nang ubod na lakas. Halos kinakapos na rin siya ng hangin pero patuloy pa rin siya.

"A-ack-A-ack!" Impit niya na mukhang nabulunan pa ata dahil kapa-kapa nito ang kanyang leeg.

"Bilis ng karma no? Saang part doon ang nakakatawa? Paki-explain." Nauuyam kong palahaw sa kanya. "Magmaneho kana at malapit na ang uwian ni Legolas. Baka hindi natin maabutan iyong ipapakilala
ko sa iyo. Hiyang-hiya naman ako." May sarkasmo kong dagdag.

"Nakakatawa lahat girl!" He exclaimed. "Ang creepy mo pala noon. Halos papasa ka na bilang stalker! Kaloka! Hindi ko ma-imagined!" Paypay nito sa sarili na mas lalo kong kinayumot.

Pinakalma muna nito ang sarili bago muling sumabak sa pagmamaneho.

"Biruin mo, ang weird ng type niyo ng ate mo. Sa dami ba naman ng lalaki sa mundo, bakla pa ang natipuhan niyo. Eh alam naman natin na ayaw namin sa mga babae, kayo naman itong habol ng habol." Patuloy niya pa.

I frowned. "Eh kasalanan ba namin na maraming bakla ang gwapo? Kasalanan niyo kaya!" Paninisi ko.
"Imbis na ipakalat niyo ang lahi niyo, mas pinipili niyo pang makipag-relasyon sa kapwa niyo lalaki. Kadiri."
Tumaas ang kilay ng huli. "Makakadiri ka girl ah, pero trip mo naman ang malalambot. Mas nakakadiri ka kaya! Btw. Siguraduhin mo lang na yummylicious ang ipapakilala mo sa akin ah."

"Kung hindi mo bet, doon na lang kita ipapakilala sa kaibigan kong babae nang hindi naman tumandang dalaga iyong si Amber." Lintyana ko na mas lalong ikinakulot ng ekspresyon nito.

"Eww naman girl! Hindi naman porket sinabi ko na baka mauwi rin ako sa babae kanina ay agad-agad na. Lalaki pa rin ang bet ko. Hindi ko type ang kauri mo sa ngayon. Saka na lang kapag naubusan na talaga ako ng lalaki." Maarteng bulalas pa nito.

I rolled my eyes. "Hayst! Mag-drive ka na nga lang." Sandal ko na lang sa upuan sabay harap sa bintana.

•••••

Dumating kami sa school ni Legolas ay saktong labasan na. Saglit kong kinausap 'yong adviser nila habang si Michael naman ay nag-aabang sa kotse niya.

"Mas naging active si Legolas ngayon compared before, Mommy. Nage-excell din siya pagdating sa academics and mostly, nakikwento niya ang dad niya." Kwento ng teacher ng anak ko.

"Thank you Ma'am, salamat naman at hindi kayo binigyan ng sakit ng ulo nito. Lumalaking pasaway na rin
kasi." Tugon ko habang inaayos ang bag ni Legolas. Napatawa naman ang huli.

Si Legolas naman kausap si Krypto, iyong pamangkin ni Aiden. Mukhang hindi pa ata dumadating ang sundo niya.

"Ay naku Mrs. Kahit na pasaway iyan, isang saway lang nanahimik na. Iyon ang kinatutuwa ko sa kanya."

Nagpasalamat naman ako sa teacher bago tuluyang magpaalam. Pinasabay ko na sa amin palabas si Krypto since binabalak kong ipakilala sa Tito Aiden niya iyong kasama ko. Since Love month ngayon, magmimistulang cupid muna ako.

Saktong papunta na kami ng kotse ni Legolas ay nakasalubong ko si Aiden. Napahinto pa ito habang pasalit-salit ang tingin na ibinibigay nito sa amin ng pamangkin niya.

"L-Luca?" He uttered with disbelief.

"Tito!" Takbo ni Krypto sa kanya.

"Oh hi!" Lapit ko sa kanya. "Kamusta na? Sorry, hindi ako nakapagpaalam noong nakaraan at sa ibang tao mo pa natanggap ang gift ko." Hinging paumanhin ko rito.

Unti-unting lumitaw ang mapuputi nitong ngipin at nginitian ako. "Ano ka ba? Wala lang iyon. I get it naman. Isa pa, ang taba pa rin ng cheek mo. Ang cheeky mo talaga." Pisil nito bigla sa pisngi ko kaya hindi ako makapagsalita.

"Luca!" Rinig kong tawag sa akin kaya pareho kaming napahinto ni Aiden at napalingon.

Narinig kong bumulong si Aiden pero hindi ko iyon gaano naintindihan. Binitiwan niya ang pisngi ko at namulsa.

"Nga pala Aiden, Si Michael." Pakilala ko nang makalapit sa amin si Michael. "He's a friend of mine and ex of Nicholas."

"Tito Michael!" Asik ni Legolas at umastang nagpabuhat.

"Nice to meet you pala." Pakilala ni Michael saka inabot ang kanang kamay para makipag-shake hands dito.

Aiden just stared at him na ikinagulat ko. Kailan pa naging maldita 'tong beking to? After 1 minute, i guess, doon lang niya inabot ang kamay ni Michael. Halos gusto na ring bawiin ni Michael noon ang kaniya para hindi mapahiya. Teka, ano ba talagang nangyayari kay Aiden?

"Aiden." Simpleng tugon nito bago binawi ang kamay.

Siniko ako ni Michael kaya napagawi sa kanya ang atensyon ko. He then glared at me and i did the same too.

"Ano ba naman to te? Bakit ang attitude naman nitong pinakilala mo. Chopopo sana kaso-ayy basta! Ang sungit!" Bulong nito sa 'kin saka pasimple akong kinurot sa tagiliran.

Ang sakit ng kurot niya, Swear.

🌻🌻🌻

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

CLANDESTINE (Book 4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon