Faggot#27: Cool off

3.2K 159 32
                                    

Chapter 27

"Hatid na kita." Biglang aya ni Nicholas na ikinahinto ni Luca. Akmang bubuksan niya na kasi ang pintuan para umalis pero biglang nagsalita ang bakla.

Si Legolas naman ay pinahatid na lang nila sa on-call driver ni Nicholas dahil ayaw magpahatid ng bata sa school. Hinayaan na lang ng dalawa sa isip-isip na gusto lang nitong matutong maging independent.

"Ang tamlay mo." Hindi alam ni Luca kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya, pero iyon kasi ang nakikita niya sa mukha ng lalaki. Malungkot ang mga mata nito at walang buhay kung kumilos. Nagsasalita naman ito kanina pero kapansin-pansin talaga ang pagiging lantang-gulay nito dahil hindi siya umaaktong bakla at madaldal.

"Ha?! A-ako?" Turo pa nito sa sarili saka umiling-iling. "Baka kulang lang sa tulog." Komento na lamang nito bago nilihis ang tingin.

Bilang sikolohista, alam ni Luca na may pinagdadaanan ito, pero hindi niya na lang piniling mang-usisa pa. Sapagkat naniniwala siyang magku-kwento ang tao kapag gusto niya at hindi kailangan pilitin pa.

"Ihahatid kita. Hintayin mo ko saglit at kukuha lang ako ng jacket ko." Pinal na turan nito saka madaling umakyat sa silid.

Luca just stood there, thinking.
'Sa pagkakaalala ko ay maayos pa naman siya kagabi. Ano kayang bumabagabag sa baklang ito?' Isip-isip ng babae.

Maya-maya narinig niya na ang mga yabag ni Nicholas kaya dumiretso siya ng tayo.

"Let's go." He only said before opening up the door for her. Tumaas naman ang kilay ng babae.

"Kailan ka pa naging gentleman?" Untag niya na hindi naman pinansin ng huli.

'Confirmed, may problema 'to." Kausap ni Luca sa sarili.

Pagkasakay nilang pareho sa sasakyan ay agad iyong pinaandar ni Nicholas. Napansin naman ni Luca ang pagiging tahimik nito habang nagmamaneho na tila walang ganang magsalita kaya sinubukan niya itong kausapin.

"Is there a problem?" Mahinang tanong ni Luca sa kasama. Narinig niya lang ang paghinga nito pero hindi ito tumugon.

"I and Michael..." Biglang wika ni Nicholas kaya hindi mapigilan ng babae na gawaran siya ng tingin. "We fought." Malungkot na pag-amin nito sa huli.

Napasinghap naman si Luca. Tila ata hindi makapaniwala ang babae sa narinig niya mula sa bibig ng kasama. Hindi niya kasi alam na mag-aaway ang dalawa lalo na at sobrang lambing nito sa isa't isa kapag magkasama.

"Why?" Usisa ni Luca kay Nicholas.

"Kagabi sa kotse, tulog na si Legolas." Panimula nito. " I don't know...I just don't understand myself anymore." Sambunot nito sa buhok gamit ang isang kamay.

Sinipat naman ni Luca ang relo niya para tingnan ang oras. Nang mapagtantong malayo pa ang oras niya ay muli niyang binalingan ng tingin ang lalaki.

"Pull over, Nicholas." Utos niya rito.

"Ha?!"

"I said pull over. Malayo pa oras ko and i know you have a lot to tell. Tell me first." She exclaimed. Napatango na lang ang bakla sa pagkabigla at iginilid ang kotse.

Nang huminto na ito ng tuluyan. Nicholas started crying like a stupid whining baby.

"Wiz ko na ma-take ang nangyayari sa buhay ko daii huhuhu. Iyong feeling na nanlalamig na akembang kahit wiz ko ma-getchi ang dahilan? Para kasing wala na kaming spark huhu." Iyak nito sa babae.

Hindi naman malaman ni Luca ang gagawin kaya binigay niya na lang ang panyo niya dito.

"We talked and he asked me why am i acting strange? I thought we are okay since i've missed him too much but i...i just can't feel the spark like we used to had. Wala ng dating huhuhuhu." Hagulhol nito ng todo.

"What did he said?"

Namumula ang matang tumingin si Nicholas sa babae. "I asked for a cool off huhuhu!-ARAY!!Butchikels naman?!" Sapo nito sa ulo nang bigla siyang konyatan ng kasama.

"Bakla ka ng taon! ikaw pala ang nanghingi ng cool off tapos ikaw iyong ngumangawa diyan! Gaga ka ba?! Sambunutan kaya kita?! Giit ni Luca sa bakla.

Umayos naman ng upo si Nicholas at pinunasan ang mukha.

"Ito naman, galit na galit? Gustong manakit?!-Ay mali! Nanakit ka na ngang maldita ka e." Atubiling nito. "Syempre, kahit ako ang nanghingi ng cool off, masakit pa rin sa part ko bilang baba-"

"Ilusyonada." Putol ng babae dahilan para rumolyo ang mata ng bakla.

"Ulit ko. Masakit pa rin sa akin kasi nga matagal na rin kaming magkarelasyon. Michael and I understood each other, to the point na willing kaming magpakasal." Paliwanag nito sa huli. "Pero...Pero huhuhu...Ewan ko ba sa sarili ko. May kung anong pumipigil sa akin at iyon ang gusto kong malaman. That's why i asked for a cool off." Hirit pa nito.

Nakatunganga lang si Luca kay Nicholas at ganoon din ang bakla sa kanya. May kung ano sa mga titig nito na tila inaabangan ang sasabihin at magiging reaksyon ng babae.

"Ano na teh? Kaya ba this year?" Naiinip na singhal nito. "Galaw-galaw din, baka ma-istroke ka bigla diyan."

"Anong reaksyon ni Michael?" Ulit ni
Luca sa tanong niya kanina na hindi nasagot ni Nicholas.

"He cried." Mahinang saad nito. "H-he cried in f-front of me. I-imagine?! N-naiinis ako sa sarili ko *hik* It's too painful to see him like that." Hikbi ni bakla.

'Here we go again." Asik ni Luca sa sarili.

"He said he will give me two weeks to recover myself. But, ni sa sarili ko hindi ko alam kung ano ang dapat ayusin!" Nicholas burst out.

"Magigiging maayos din kayo. Ano ka ba? Masyado kang iyakin diyan e ikaw naman pala ang pasimuno. Bida-bida kang bakla ka." Comfort ni Luca sa kasama pero hindi naman maintindihan ni Nicholas kung matatawag bang comfort ang pinagsasabi nito.

"Ito naman, ayusin mo naman ang pag-comfort mo. Kitang nagdadrama ang tao pero ikaw wala man lang kaemo-emosyon kung magsalita." Reklamo ng bakla.

"Gaga ka. Reklamador ka pa. Ihatid mo na lang kaya ako no?" Sagot ni Luca.

"Todo na ba iyan bakla? Sa true lang?" Pang-aasar ni Nicholas dito na tila nakalimot na sa problema.

"Hindi pa to todo." Taas ni Luca sa kamao at pinatunog ang kanyang mga daliri. "Mamaya, kapag ako na-late todo iyong sapok ko sa iyo." Banta niya dito.

"I-ito naman, P-patola ka rin masyado d-dai. Ito na nga o, hatid na kita ulit." Biro nito at ini-start na ang kotse.

'Baliw talaga.' Isip-isip ni Luca na hindi mapigilan ang pag-ngiti.

🌻🌻🌻

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

CLANDESTINE (Book 4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon