Faggot #45: Her answer

3.5K 149 36
                                    

Chapter 45

"NO" Seryosong sagot ko na ikinagulat nilang lahat. Nalaglag ang balikat ni Nicole at wala sa sariling napayuko saka binaba ang singsing.

Maganda ang singsing, Oo.

May anak na rin kami.

Pero...ibang usapan ang kasalan. Marahil nagagalit kayo sa desisyon ko but, i need time. Marriage is a sacred thing filled with Love and obligations of both couples. That's the thing, alam kong may namumuo na naman akong feelings para sa kanya pero hindi ko alam kung ganoon din siya since kakahiwalay lang nila ng bf niya. Ayokong bigyan si Legolas ng isang Ama at Ina na nagsasama lang dahil sa 'sang responsibilidad.

Una palang saksi na ako sa pagiging tagilid ni Nicholas and until now, there's still a doubt of me if h-he really likes me or if he was just forcing himself to like me since I'm the mother of his son.

"Luca, hindi ko gusto ang sagot mo. Alam kong alam mo na kailangan ni Legolas ng pamilya kaya bakit tumatanggi ka?" Kwestyon ni Papa.

"It's not that, Gusto ko rin namang bigyan si Legolas ng pamilya. Consist of a father and a mother. But, ayokong matali sa walang kasiguraduhan Papa. Gusto kong makasal ako sa taong mahal ako." Depensa ko sa sarili ko.

"I'm sorry Nicholas but I-no-we both need time. Alam kong hindi mo ako mahal an-"

He cut me out by raising his right hand, like he was signaling me to stop talking.

"But i like you." Buong bulalas nito saka inangat ang ulo. "Hindi ka naman mahirap magustuhan kaya malabong hindi kita magawang mahalin. The reason why Michael and I broke up because i told him that i want to build a family with you. In other words, I want to marry you. Maybe you thought na napakabilis ng lahat pero matagal ko na itong pinag-isipan. I saw the way kung paano pinalaki mo ang anak natin. I saw the way how you take care of him. Nakakasama ko nga kayo sa isang bahay but for me, it's not enough. Gusto kong dalhin niyo ang apelido kong dalawa. Gusto kong kami lang ng anak mo ang laging nasa atensyon mo. I don't want that gay pretender Aiden or that former gay Andrei.
I want me, myself, the gay who will marry you at the altar."

I'm dumbfounded.

Sa oras na iyon hindi ko alam ang dapat kong itugon. Tila nawalan ako ng dila dahil hindi ako makapagsalita. Samu't saring emosyon ang nararamdaman ko. Might be cliche to say, but i think i felt a butterfly in my stomach.

"I really hate rejections but once again, i will ask you." May pait ang boses nito at hindi iyon nakaiwas sa pansin ko. Mukhang malaki talaga ang naging impact sa kanya ng sagot ko kanina.

"Will you marry me and be my wife?" He asked again but unlike kanina na puno siya ng nerbyos ngayon ay napakabuo na ng kilos niya. Animo'y determinadong-determinado. "Yes, you're right, we both need time. But to give us assurance gawin natin itong engagement. Sisiguraduhin kong kapag kinasal na tayo wala ng what-ifs at mahal na natin ang isa't isa. I swear."

Guess, I have no choice but to give us a second chance after all.

"Yes."

••••

Weeks have passed since the day i said yes to his proposal. I might say na okay na ulit kami ng family ko matapos ng mahaba-habang diskusyon. Bago iyon, nakatanggap rin ako ng matinding sermon kay Kuya Lucas at daig pa sila Mama sa dami ng sinabi.

And well, may nalaman lang naman akong isang kahindik-hindik na istorya. Probably, magugulat din kayo. Ang nalaman ko lang naman eh, dati pa lang kasama sa pederasyon si Papa. Kaya naman pala mabilis lang nitong tinanggap ang pagkabakla ni Kuya. Isa pa, sabi ni Mama naglayas daw si Papa noon dahil hindi siya tanggap ni Lolo at doon sila nagkakilala ni Mama.

"Hayyyy!" I sighed. Nakakagulat pala ang love story nila Mama. Hindi ko akalain na ganoon pala si Papa dati.

"Ang lalim niyan ah. Anong iniisip mo?" Napalundag ako sa gulat nang biglang nagsalita si Nicholas sa likod ko. Kasabay nito ay pumalibot sa bewang ko ang kanyang mga braso. He's back hugging me for Pete's sake!

"Ano 'yang kamay mo?" Ismid ko sa kanya kahit na kinikilig ako sa gesture na iyon. Aba't hindi pwedeng marupok. Tandaan niyo iyan!

"What?" Usal niya. "Wala namang mali ah. Magiging mag-asawa rin naman tayo. Isa pa, dapat nga matuwa ka pa dahil ikaw ang magmamay-ari ng magandang katawan ko." Pagbubuhat nito ng bangko.

"Ang halay mo! A-anong katawan? Ikaw itong-sabi mo magpapasex-change k-" Bigla niya akong hinila paharap sa kanya kaya 'di na ako natapos pa sa pagsasalita.

"Ikaw talaga sis! That was before." Kunwaring tapik pa nito sa balikat ko. Nanliit ang mata ko sa narinig.

"Sis?" Taas-kilay na bwelta ko sa kanya. Alok-alok siya ng kasal tapos tatawagin akong ganyan.

"Itey nemen! Joke lang. Patola ka masyado teh!" Napasimangot ako lalo.
Kung anu-ano na ang pinagtatawag sa akin ng baklang ito.

"Anong teh?" Madiing tanong ko.

Peke naman itong tumawa. Pano ko nasabing peke? dahil halata. 'yong kanang kamay nito ay marahang nakatakip sa bibig niya habang ang isa naman ay nagu-up and down sa mismong tapat ng mukha ko.

"Ahehehe joke lang ulit." Palusot nito. "Ikaw naman honey bunch, sugar plam, pampiyampiyam, sweetheart, darling, wifey, love, cup cake, Ms. Right, princess, Queen of my lif-"

"Heeeppp!" Pagpapatigil ko.

Napasapo na lang ako ng noo ko.Maaga ata akong mamatay sa kunsumisyon dahil sa kanya. Mukhang siya pa ata ang magiging puno't dulo ng sakit ko sa ulo kaysa kay Legolas na ilang taon pa lang.
Nakikita ko tuloy sa kanya si Papa kapag dinadatnan ng pagkasaltik.

"Ikaw nga! nababaliw ka na naman." Layo ko sa kanya pero hindi ko nagawa dahil hinila lang ako nito uli para yakapin. Mas lalo siyang sumiksik sa leeg ko kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kiliti.

The truth is, my weakness is my ear and neck. Matindi ang kiliti ko sa mga parteng iyan, kaya kilitin mo na ko sa lahat h'wag lang sa mga 'yan.

"Pero wala pa ring tatalo." Biglang sambit niya na ikinalito ko. Sa huling pagkakantanda ko eh, pinatigil ko lang naman siya sa kung anu-anong call sign niya sa akin.

"Ano bang sinasabi mo?"

Bahagya itong lumayo sa akin kaya napatingala ako sa kanya. Mas matangkad kasi siya sa akin kaya ganoon.








"Sa irog ko." Huling sambit niya bago ako binigyan ng isang munting halik sa noo.

🌻🌻🌻

FOLLOW

VOTE

COMMENT

GOD BLESS

CLANDESTINE (Book 4) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon