Whiskey

28 1 0
                                    

"Bakit parang war kayo ni Playboy?" tanong ni Mae na pasimpleng lumapit sakin.

Nasa duty na kasi kami. Hinahanda ko ang order nang mga customer. Isa isa ko silang nilalagay sa tray.

"Anong war?" pa inosente kong tanong.

"Sus. Bakit parang hindi na kayo masyadong sweet? Natauhan ka na ba?" nanlalaking mata niya.

"Tumigil ka nga diyan. Magtrabaho ka na nga lang.  Mamaya mahuli pa tayo ni Boss Jake mainit pa naman ulo nun" I rolled my eyes at umalis na sa harap ni Mae para i deliver ang mga drinks.

Nang matapos ko nang i deliver ang mga drinks ay lumapit ako sa isang lalaki na nagtaas nang kamay.

"Yes sir?" bungad ko nang makalapit na ako sa kinauupuan niya.

Naka long sleeve siyang maroon at black na pants. Maganda ang hugis nang katawan niya kahit nakaupo lanh siya. Gwapo din siya at mukhang may kaya sa buhay.

"Whiskey" tipid na sabi niya sa lalakinh lalaking tono. Hindi ko alam kung bakit parang natigilan ako. Nakatitig lang ako sa kanya at parang siya lang ang nakikita ko. "Miss did you hear me?" he asked na nagpabalik sakin sa reyalidad.

"Ha?" I asked stupidly "y-yes" napapikit na lang ako habang naglalakad patungo sa bar section.

"Anyare sayo?" tanong ni Mae habang nilalagay ang bote nang whiskey sa tray ko kasama nang bucket of ice and 1 baso.

"Bakit? Mukha ba akong tanga?" inayos ayos ko ang buhok ko pati na ang suot kong uniform. Ngayon lang ako na concious nang ganito.

"Matagal ka nang tanga no?" I arched my left eye brow. Sampalin ko kaya to nang isa. "Dalhin mo na yan sa gwapong umorder sayo. Mukhang kanina ka pa hinihintay" nakangiting sabi niya na pasimpleng nakatingin sa customer na umorder nang whiskey.

Gumilid ako nang kaunti para sulyapan ang lalaking customer na pinagsisihan ko dahil sa pakiramdam ko ay nakatingin din siya sakin.

Sa tagal tagal ko nang nagtratrabaho dito ay ngayon lang ako kinabahan sa pagdadala nang order drinks. Ngayon lang din ako na concious kung maayos ba ang itsura ko o hindi.

Humugot muna ako nang malalim na hininga bago kinuha ang tray at ngumiti bago tuluyang maglakad kung saan ang table ni customer na gwapo.

"Eto na po yung order niyong whiskey" sabi ko habang isa isang binababa sa mesa niya ang mga dala ko. Iniiwasan kong hindi tumingin sa kanya dahil pakiramdam ko ay nakakapaso ang mga tingin niya.

Tumungo lang ako bilang pahiwatig na aalis na ako dahil tapos ko nang ibaba ang whiskey at ang baso na kakailanganin niya sa pag inom.

"Can you pour my glass?" He asked na nagpakunot naman nang noo ko at napatingin sa kanya. Nakatingin lang siya sa bote nang whiskey. "Narinig mo ba ako?" He stare at me. Napalunok ako dahil sa malalalim niyang titig. Parang sa isang sandali ay uurong ako sa mga titig na binibigay niya sakin.

"I'm sorry sir,  pero hindi po kami pedeng i table" nagawa ko pang pakalmahin ang sarile ko. Tulad din siya nang ibang lalaki. Naghahana nang babaeng pedeng i kama.

"I know. I'm just asking you to pour my glass not to sit with me" seryosong sabi niya. "Hindi din ba yun allowed? Akala ko kasi pwede because your floor manager already agree with that" mas lalong napakunot ang noo ko sa narinig. Nagpaalam na pala siya kay boss Jake.

Iginala ko ang mata ko para hanapin si boss Jake. Nakita ko siya sa may pinto papunta sa katabing area nitong billiard. Tumango lang siya sakin habang nakapamewang at pinandilatan pa ako nang mata nang umiling iling ako sa kanya.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now