FLOWERS

31 0 0
                                    

Kanina pa ako paikot ikot dito sa higaan ko. Hindi ako makatulog. Iniisip ko padin ang mga sinabi kanina ni Brent.

Naku wag kang maniniwala diyan sa lalaking yan Krizza. Gumagamit lang yan nang matatalinhagang salita para makaisa sayo.

Gustong maniwala nang puso ko pero nagdadalwang isip ako. Maniniwala ba ako o magpapauto?

Pinilet ko na lang na makatulog dahil anong oras na gising pa ako.

















NASA BAR HOUSE na kami ni Mae at kasalukuyang sinusuot ang uniform namin.

"Umalis ka ba kagabi?" she asked while I'm yawning. Umiling lang ako bilang sagot "Bakit parang antok na antok ka?"

"Wala. Hindi lang ako nakatulog"

"Bakit?" she asked curiously.

"Mamaya ko na lang sasabihin sayo" sagot ko nang makita ko si Jen na pumasok para magbihis nang uniform niya.

"Okay. Tara na" lumabas na kami ni Mae at naglakad lang ako derederetso. "Hoy Krizza" tianpik niya ako sa likod at napatigil ako sa paglalakad.

"Ha?" wala sa sarile kong tanong.

"Akala ko ba okay kana diyan kay Mr. Playboy. Bakit parang iwas na iwas ka sa kanya?"

"Anong ibig mong sabihin?" I furrowed at her.

"Wag mong sabihing hindi mo siya nakita?" tiningnan ko kung sino ang pasimple niyang tinuturo. Nakita ko si Stanley na nakasandal sa pader at nakabulsa ang kamay nito. Deretso siyang nakatingin sakin. Lumabas na din si Jen at lumapit kay Stanley.

Hindi na ako nabigla sa sunod na nangyari. Hinalikan niya si Jen habang nakatingin sakin.

Parang sinasadya niyang ipakita sakin kung gano sila kasaya sa isat isa.

Hindi na ako nasasaktan. Wala na akong nararamdaman. Wala nang kirot sa puso ko. Ang iniisip ko na lang ay si Brent. Baka kasi pinaglalaruan lang niya ako.

"Hahalay naman nang mga to" bulong ni Mae.

"Yaan mo na nga sila. Tara na" nagpauna na akong maglakad at dumeretso na sa pwesto ko.

Nagulat ako sa pagpasok ko sa cashier area. May isang boquet nang flowers.

"Naks. Kanino galing?" mabilis na kinuha ni Mae ang card at binasa "Hey sweetie. Work well"

Parang alam ko na kung kanino to galing.

"Sakin na nga yan" inagaw ko ang card at binalik sa bulaklak. Nilagay ko lang to sa lamesa.

"Kanino yan galing? Imposible naman kay Stanley, Mahal ang tawagan niyo diba?" ang usisa talaga nang babaeng to.

"Hi" narinig naming bati.

"Hi Sir Whis--" sinuko ko si Mae at baka kung ano pa ang maitwag nito "i mean Hi Sir Brent" bati nito and he smiled

"You like the flowers?" tanong sakin ni Brent na kinagulat ko. Hindi ko alam pano sasagot dahil alam kong nakatingin sakin si Mae.

"Ha? S-sayo pala galing"

"Bakit may iba pa bang nagbibigay sayo?" inis na tanong nito.

"Naku Sir Brent wala pong ibang nagbibigay diyan. Ikaw lang po ang kauna unahang nagbigay. Sige po mauna na ako. Magtratrabaho na po ako." nginitian ko lang si Mae kahit na ang talim nang titig niyan sakin.Para bang sinasabi nang mga tingin niya na kailangan ko na mag kwento sa kanya. 

"I'll wait you after your shift" cold nitong sabi. Hindi pa ako nakakasagot ay umalis na siya.

Problema nun?

Napatingin ulet ako sa mga bulaklak. Magaganda ang mga to. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti. Ito ang unang beses na nakatanggap ako nang bulaklak.























TAPOS NA ANG TRABAHO namin ni Mae. Palabas na kami nang locker/ dressing room nang makita ko si Brent na naghihintay.

"Mauna na ako friend" Mae said and she winked. Pinigilan ko siya pero nag mamadali na siyang umalis.

"Sir Brent anong ginagawa mo dito?" I asked habang tumitingin tingin sa paligid. Mamaya ma tsismis pa kami.

"Ihahatid na kita pauwe" he said in his cold voice and how cold he look at me.

"Hindi na kailangan. Hindi mo naman obligasyong iha--"

"Ihahatid na nga kita" galit na sabi niya and I furrowed at him. Nilapit ko ang mukha ko sa kanya at inamoy ang bibig niya.

"Nakainom ka?"

"May dumating lang na kaibigan"

"Umuwe kana. Kaya ko umuwe mag isa. Malapit lang ang apartment ko dito" tinalikuran ko na siya at naglakad na palayo sa kanya. Ang hinayupak di man lang ako hinabol.

Nakakainis. Ano bang problema niya at naging cold na siya sakin? Nung isang araw lang sabi niya gusto niya ako. Sabi na. Wag maniniwala sa mga lalaki. Iisa lang naman ang gusto nang mga yan.

Palabas na ako nang Bar House nang lumapit sakin si Stanley na kinabigla ko.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Krizza gusto kitang makasama" he said and I smirked. Yan tayo sa mga gusto niyo. Tapos pag nakuha niyo na ang gusto niyo kakalimutan niyo na ulit ako. "Namimiss na kita" he hold my arms and pulled me closer to him. He hug me tight.

Hindi ko alam ang gagawin ko. Mabilis ang mga pangyayari. Ano bang nagyayari sa mga lalaking to? Ganto ba ako ka diyosa para hindi niyo makalimutan?

Sa isang gilid nang mata ko ay nakita ko si Brent nakatingin sakin at halatang galit na galit. Sumakay na siya sa kotse niya at pinaandar ito nang mabilis bago pa ako nakawala sa yakap ni Stanley.

Nawala na sa isip ko si Stanley at ang tanging iniisip ko na lang ay si Brent. Baka kung anong isipin niya samin ni Stanley. 

------------------------------
Krizza kung nandiyan lang si Mae kakantahan ka nun nang "Kalimutan mo na yan, sige sige maglibang"

Wala lang. Naisip ko lang yung kanta HAHAHAHAHA

bebedeejhei

Relationship in BedWhere stories live. Discover now