Coffee

28 1 0
                                    

Nagbukas na kami nang bar. Sa ngayon full time bar na kami. Suot na din namin ang bagong uniform bilang decent waitress. Same rules pa din. No table. No touch.

Nakasuot kami nang fitted white long sleeve na hanging blouse. Kita ang mga pusod namin at naka skirt na black. Pinag rubber shoes kami nang black para mas komportable daw kaming gumalaw.

Maganda naman ang bagong uniform namin kaya ayos lang sakin ang kaseksihan ko.

"Galingan niyo mga babes. Kelangan natin makadami nang benta" sigaw ni boss jake. Yan ang pang energy spiel na nakukuha namin sa kanya everyday.

"Yes boss" sagot naming lahat.

Nag isa isa na kaming punta sa mga designated area namin. Nagsimula na din magpatugtog ang dj namin.

Isa isa nang nagdadatingan ang mga customer. May mga koreano na din kaming suki.

Nagsimula na kami maglakad lakad para mamigay nang mga glass na may drinks. Mas nakakapagod to. Maglakad sa buong bar at mag alok nang drinks.

"Krizza andun na yung customer mo" bulong ni Mae nang magkasalubong kami. Tinuro niya Mr. Whiskey na nakaupo sa isang VIP sofa "Ikaw na magdala nito sa kanya" iniabot niya sakin ang tray na may nakapatong na bote nang whiskey at baso

"Bakit ako?" pag tanggi ko nang sapilitan niyang mapasa sakin ang tray

"Ikaw naman talaga ang hanap niya no? Kung pwede nga lang sakin na lang siya, kaya lang alindog mo ang nanalo" kumindat siya sakin bago umalis. Kahit kailan talaga tong si Mae. Hay naku.

Magdadala lang naman ako nang alak pero bakit parang kinakabahan ako.

Habang naglalakad ako palapit sa kanya ay nakatitig na siya sakin. Titig na hindi ako kumportable. Nakaka concious.

Maayos kaya itsura ko? Baka haggard na ako.

"Here's your whiskey sir" sabi ko bago ipinatong ang mga laman nang tray sa table niya.

"Bakit ang tagal niyo mag serve?" napatingin ako sa kanya na nakataas ang isang kilay. Napansin ko naman ang paglunok niya at pag iwas nang tingin sakin. Sabi kasi nila nakaka intimidate daw ako tumingin lalo na kapag nagtaas na ako nang kilay. Totoo pala.

"Pasensiya na po, sir" sapilitan kong pagbibigay galang.

Tumikhim siya bago muling nagsalita "Pour my glass" he said and this time nagawa niya nang tumitig sakin kahit naka kunot noo ako sa kanya.

Kalma ka lang Krizza. "Five hundred pesos every glass na sasalinan ko nang whiskey" wala naman siya sa rules pero para lang makaiwas ako sa kanya ay eto ang naisip kong paraan.

Nakatitig lang siya sakin at hindi nagsasalita. Ngiting tagumpay na ako sa loob loob ko. Sino ba naman magbabayad nang 500 pesos kung magsasalin lang nang alak sa baso niya.

Napapitlag na lang ako nang tumayo siya at humakbang palapit sakin. Ibinaba niya ang ulo niya kapantay sa mukha ko.

Napigil ko ang hininga ko sa paglapit nang mukha namin. Sa inaakala kong hahalikan niya ako ay wala sa sarile kong napikit ang mga mata ko.

Habang nakapikit ako ay nakaramdam ako nang pag galaw sa tabi ko. Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Kasalukuyan na siyang nakatayo nang ayos sa harap ko.

"Do you expect me to kiss you" he smirked. Napaawang ang bibig ko. Magsasalita sana ko pero pinile ko na lang manahimik at baka mapahiya na naman ako.

Nakakahiya. Pakiramdam ko ay sobrang pula nang mukha ko at nag iinit sa sobrang hiya.

Tumikhim ako "Tumawag na lang kayo nang waiters kapag may kailangan kayo sir" I bowed my head as a sign na aalis na ako.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now