WIFE

23 0 0
                                    

RIB

"Ang kapal naman nang mukha niya para makipagbalikan sayo" naiinis na sabi ni Mae "saka hindi naman naging kayo, bakit siya nakikipagbalikan?" ininom niya ang bote nang alak na hawak niya.

"Oo na. Alam ko naman hindi naging kami" I rolled my eyes.

"Ano naman kayang naisip niya at gusto niya makipag ayos?" kunot noong tanong niya. I just shrugged my shoulders and drink. "Siguro namimiss ka niya. Hindi ka ata kayang pantayan ni Jen eh"

"Ano ka ba?" pa inosente kong reaksyon na kina tawa naming dalwa.

"Dun ka na Lang kay Mr Pogi ha?" mapang asar na sabi ni Mae

"Piling ko nga, hindi na niya ako pinapansin kasi hindi niya ako nakuha nang gabing yun"

"Wow, talaga namang naisip mong gandang ganda siya sa katawan mo ano?"

"Bakit hindi ba?" Tanong ko sabay pose nang pasexy na kinatawa naman naming dalwa ulet.

------------------------------------------

Nasa supermarket ako ngayon. Ang usapan namin ni Mae ay dalwa kaming mamimile pero ang nangyari ako lang mag isa. Si Mae? Natutulog pa sa dami nang ininom na beer kagabi.

"Ang gwapo naman niya"

"Ilang taon na kaya siya"

"Kung yan magiging jowa ko ayos lang kahit anong edad niya"

Naririnig kong usapan nang mga studyanteng nakatayo sa harap nang ref nang mga drinks. Hindi naman ako interesado sa kung sino ang pinag uusapan nila, ang gusto ko lang ay matapos na mag grocery at makauwe na.

"Excuse me" nakataas kilay na sabi ko sa mga studyante dahil mga nakaharang sila.

"Sungit naman" bulong nang isang babae habang tumatabi.

"Kala mo kung sinong maganda" may pag irap pa talaga.

"Hindi naman kasi to tambayan para dito kayo magtumpukan" i said habang nakapamewang.

Umirap lang sila sakin at mas nag focus sa tinitingnan nila na kala mo kung sino para pagpantasyahan nila.

Hindi naman sa tsismosa ako pero gusto ko lang malaman kung mala Christian Grey ba ang lalaking tinitingnan nila.

Sa paglingon ko, hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Para akong na freeze. Para akong mga drinks na nakalagay sa ref.

Sino ba naman talaga ang hindi mahuhumaling sa lalaking nasa harap ko ngayon. Si Brent.

"Excuse me" he said while staring at me. Hawak niya ang handle sa pinto nang ref.  Shit ang bango niya. Ang bango nang kilikili niya. He arched his eyebrow.

I cleared my throat. "Sorry" umisod ako nang konti sa gilid. Binuksan niya ang ref at kumuha nang drinks at sinara ito ulet. Umalis siya nang hindi ako tinitingnan. Umalis siya na para bang hindi niya ako kilala.

Ang yabang nang lalaki na yun. Akala mo kung sino. Edi siya na gwapo!

Nagbuntong hininga na ako at kumuha nang drinks sa ref. Last na naman tong drinks na kukunin ko kaya deretso na ako sa cashier.

Habang nilalagay ko ang mga bibilhin ko sa cashier ay nakita nang mata ko ang napaka yabang na lalaking si Brent sa may malapit sa glass door kausap ang mga maaarteng studyante.

Nagbayad na ako sa cashier at binuha ang mga pinamile ko. Hindi naman siya mabigat dahil sakto lang naman pinamile ko.

"Gusto ka pa namin kausap" narinig kong sabi nang isang maarteng babae.

"I have to go. My wife is already here" Brent said and give them a smile. Asawa? Bwisit na lalaki to may asawa naman- napatigil ako sa paglalakad nang maramdaman ko ang paglapat nang braso sa balikat ko.

Hinarap ko kung sino man tong umakbay sakin nang nakataas ang kilay. Mas lalong kumulo ang dugo nang makita ang pagmumukha ni Brent na naka ngiti sakin.

"Give me that" malambing niyang sabi habang kinukuha ang mga pinamile ko. Tiningnan ko ang mga studyante nandun parin sila at nakatingin sakin. Kanya kanya ding bulungan.

"Excuse me" tinapik ko ang kamay niya kaya hindi niya nakuha ang hawak ko. Tinulak ko din palayo ang mga braso niya. "Who are you?" pag mamaldita ko.

"Honey, I know your angry and I am so sorry" seryosong sabi niya at ang mga mata ay pahiwatig na sakyan ko ang trip niya dahil kung hindi kukulitin na naman siya nang mga studyante.

"Im sorry din Mr. Pero wala akong asawang babaero, mainitin ang ulo at higit sa lahat walng respeto" sabi ko habang nakataas ang mga kilay. Tiningnan ko padin ang bulong bulungan nang mg studyante. I dont know kung ako padin ba ang pinagbubulungan nila o ang lalaki na to. Sino ba naman may gustong mapangasawa ang gantong lalaki. Pangitan ko pa kaya description sa kanya?

Umalis na ako dina inantay pa ang sasabihin ni Brent. Lumabas na ako nang Supermarket at nag antay nang jeep.

"Ano ba?" sigaw ko nang biglang may kumuha nang mga pinamile ko. "Ikaw na naman?"

"Gusto ko lang mag thank you sayo. Libre kita nang lunch?" seryosong sabi ni Brent. Naku Krizza higpitan mo ang panty mo at baka malaglag sa mga ngiti niya.

"Thank you for what?" I crossed my arms over my chest.

"For saving me to those students. Bigla na lang kasi nila akong hinarang nung palabas na ako" hindi ko tinatanong Brent. "Although hindi mo sinabi na asawa mo ako atleast napalayas mo sil sa mga sinabi mo. I guess those are the chracters that girls don't like" he scratched his nape.

"Hindi ko babawiin mga sinabi ko" i rolled my eyes.

"Kung yan ang gusto mo. Pero kailangan mo sumama sakin. Gutom na ako at gusto ko nang kumain" he said. Nagsimula na siya maglakad kung saan nakaparada ang kotse niya. Binuksan niya ang compartment at pinakitang ilalagay na niya ang mga pinamile ko. "Unless hindi mo na kailangan tong mga pinamile mo" tuluyan na niyang nilagay ang mga pinamile ko sa loob at sinara ang pinto.

--------------------------------

xoxo
bebedeejhei

Relationship in BedWhere stories live. Discover now