Seat belt

23 1 0
                                    

Lahat kami nagulat nang malaman namin na itong si Mr. Whiskey ang bagong may ari nang Bar.

Dahil siya ang may ari pwede na niyang gawin to sakin?

Maayos naman ako magtrabaho sadyang bwisit lang talaga siya.

"Boss Jake totoo po ba?" Tanong ni Jen. Napansin ko na lumapit na ang ibang empleyado samin. Mga tsismosa talaga tong mga to.

"Huyy" pasimple akong siniko ni Mae.  "Anong nangyayari?" Nagtatakang tanong niya dahil nakatingin padin sakin tong si Brent. Brent pangalan niya diba? Tama ba ako?

"Ewan ko. Hindi ko naiintindihan at ayaw kong intindihin" I greeted my teeth.

"Hala siya. Wag kang ganyan baka mawalan ka nang trabaho" pag aalala ni Mae. Naalala ko tuloy na kailangan ko nga pala magpadala sa kapatid ko. Napabuntong hininga na lang ako.

"Yes he is the new owner of this bar. He is Mr. Brent Alejandro. He is the grandchild of Mr. Lucas Alejandro" paliwanag ni Boss Jake.

"Nasaan na po si Sir Lucas? Maayos po ba siya?" sipsip lang Triz? kunwari concern. Napairap na lang ako sa hangin.

"He's fine. We just decided that he needs more rest so I will be the one who taking care of this bar. Nice to meet you all" tiningnan niya isa isa ang mga kasama ko at nang ako na ang tiningnan niya ay ngumiti siya.

Siniko siko naman ako ni Mae dahil panigurado na nakita niya ang pag ngiti nang lalaking to. Si Mae pa ang kinikilig.

"So Ms. Salvie?" panimula niya habang nakatingin sakin. Mukhang mapapasabak ako sa gulo. "Are you ready to have coffee with me? Or your okay to leave this bar?" isang pang asar na ngiti pa ang binigay niya sakin.

I greeted my teeth. I don't like this idea. Gustong sumagot sa kanya. Gusto kong tumanggi pero paano kung mawalan nga ako nang trabaho.

Nang tumingin ako kay Boss Jake ay sumesenyas siya na pumayag na lang ako dahil wala naman siyang magagawa.  Hay naku!

"Shh. Dapat ako na lang ayain niya mag coffee" malanding bulong ni Triz sa likod ko.

"Sige ikaw na lang. Tutal naman kahit sino pinapatulan mo" si Mae na ang sumagot para sakin.

"Naiinip ako sa sagot mo Ms Salvie"

Umangat ang dulo nang labi ko. Hindi ko din mapigilan ang pagtap nang paa ko sa sahig.

"Pumayag ka na Girl" bulong ni Mae.

"Okay. Since your not answering I assume that your choosing to leave this bar" seryosong sabi niya. Nang magsimula na siyang tumalikod ay nakaramdam na ako nang kaba. Naglakad na siya paalis samin ay nakaramdam ako nang pagpapanic.

"Wow, feeling niya siguro si Cinderella siya para suyuin siya" narinig kong bulong nang mga inggitera.

"Hindi naman kagandahan pero sobrang ma pride"

"Tumigil nga kayo. Hindi rin naman kayo magaganda" buti na lang nandito si Mae para ipagtanggol ako.

Naramdaman ko na lang na nag aalisan na ang ibang empleyado. Nang makarating ang tingin ko sa kabilang gilid ay nakita kong nakatingin sakin si Stanley at ngumiti nang pang asar.

Kumunot ang noo ko sa ngiting binibigay ni Stanley. Hindi ko maintindihan kung para saan ang ngiti niya.

Nakita ko din ang paglapit ni Jen kay Stanley. She wrapped her right hand on Stanley's waist. Ganun din naman ang ginawa ni Stanley. Sabay silang umalis na dalawa.

Bakit ko ba iniisip kung saan sila pupunta? Dapat isipin ko kung may trabaho pa ba ako?

"Boss Jake? Ano nang mangyayari kay Krizza?" Tanong ni Mae. Halata ang pag aalala niya.

Relationship in BedWhere stories live. Discover now