SWIMMING POOL

37 0 1
                                    

"Naku niluto ko talaga yang paborito mong pesto Hijo" sabi ni Manang Ising na nilalagyan ng juice ang baso ni Brent.

"Maraming salamat Manang" sagot ni Brent bago niya sinubo ang inikot ikot na pasta sa tinidor. "Hmmm" nginuya niya ang pagkain " Manang the best parin talaga ang pesto mo" pagpuri ni Brent sa luto ni Manang Ising.

"Maraming salamat Hijo. Masaya ako at bumisita ka dito. Malungkot ang bahay simula ng umalis na kayo isa isa" sabi ni Manang Ising.

"Marami na pong nagbago Manang Ising. Hayaan mo po at pag nagasawa na ako ay dito na ako titira" pasimpleng tumingin sakin si Brent pero umiwas ako ng tingin at nagwalang bahala na kumain na lang ng pesto.

"Ayyy sana nga mag asawa kana. Ikaw na lang walang asawa sa inyong magkakapatid" suhestiyon ni Manang Ising.

Sa pagsubo ko ng pesto ay parang gusto kong iluwa ang pasta. Pero respeto sa nagluto kaya't mabilisang paglunok na lang ang ginawa ko.

"May problema ba?" tanong ni Brent.

"Ha? Wa-wala" sagot ko at saka uminom ng juice ng mawala ang lasa ng pesto.

"Hindi mo po ba nagustuhan ang luto ko? Ipagluluto ko na lang po kayo ng iba" sabi ni Manang Ising.

"Po? Hindi po. Masarap po yung luto niyo. Opo. Mejo busog lang po ako kasi ang dami pong binile ni Brent kanina na burger. Hindi pa po natutunaw sa tiyan ko. Pero masarap po talaga tong pesto" pagdadahilan ko. Uminom ako ulet ng juice at sinamaan ng tingin si Brent ng mapansing natatawa siya.

"Pasensiya na po kayo Ma'am. Diko po kasi alam na may kasama si Brent edi sana po ay nagluto po ako ng kung anong gusto niyo" paghingi ng paumanhin ni Manang Ising.

"Naku Manang wala naman pong problema. Hindi ko nga din po alam na makakarating po ako dito" pinandilatan kobsi Brent pero nagtaas baba lang siya ng balikat at nagpatuloy sa pagkain. "Saka Krizza na lang po itawag mo sakin. Wag na pong Ma'am hindi naman po ako senyorita."

"Eh ayaw niyo pong Ma'am itawag ko sa inyo? Kasi si Ms Madeleine dapat Ma'am----" natigil si Manang Ising savpagsasalita at natakpan niya ang bibig niya. Tiningnan ko si Brent pero para siyang waLang pakialam at busy lang sa pagkain. "Ahmmm ano po. Magluluto na lang po ako ng kung anong gusto niyong pagkain bukas. Paella po ba?" tanong ni Manang Ising.

"Bakit po paella?" nagtatakang tanong ko.

"Yun po kasi paborito ng mga sosyal na babae" natawa ako bigla sa sinabi ni Manang Ising. Napansin ko ang pagtingin nila sakin ni Brent kaya bigla kong pinigil ang pagtawa ko.

"Sorry" I said as I stop laughing. "Hindi naman po ako sosyal Manang Ising. Pero okay na po sakin ang karekare na ulam basta may bagoong po" sagot ko.

"Talaga po ba Ma'am? Isa po yan sa recipe ko" masayang sabi ni Manang Ising

"Manang" tawag ko sa kanya ng nakasimango "Krizza na nga lang po itawag niyo sakin. Wag na pong Ma'am" ulet ko.

"Ayy oo nga po. Pasensiya na po Maam--- Krizza po. Krizza" natawa na lang ako kay Manang Ising at napansin kong iiling iling si Brent habang umiinom ng juice.

Umakyat na kami sa taas ng bahay ng matapos na kumain si Brent. Hindi naman ako nakakain dahil sa hindi ko naman gusto yung lasa ng pesto. Hindi kasi talaga ako kumakain ng pesto. Hindi naman sa hindi masarap yung luto.

"Sir Brent eto na po lahat ng gamit sa kotse niyo. Ilalagay ko na po lahat sa kwarto niyo" sabi ni Manong Julio.

"Teka lang po" pigil ko ng makita ang bag ko na inimpake ni Mae. "Hindi po kami magkasama sa iisang kwarto. Magkaiba po kami ng kwarto. Wala na po bang available room. Pang bisita po?" pagpapaliwanag ko kay Mang Julio na halata namang nagtataka siya at nakatingi kay Brent na tila ba nag aantay ng sagot nito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 06, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Relationship in BedWhere stories live. Discover now