THREE PLUS ONE

3K 48 6
                                    

A/N : Kung ayaw niyo ng may bad words pakiusap h'wag nyo 'to basahin. Hindi naman 'to totally masama pero gusto ko lang kasi maging realistic ang kwento kaya a'yun ang nangyari. Kung okay lang sainyo sige. Ituloy niyo pagbabasa niyo. Thanksssss!

-PROLOGUE-

Apat na magkakaibigan kung ang karaniwang kwento ay apat na bad boys ibahin mo ang 'THREE + ONE'.

Austin Kurt Mendez but you can call him number 4 dahil siya ang pang-number 4 sa grupo. Don't fall to his womanizer look. Dahil kapag na-inlove ka sa lalaking 'yan ihanda mo ang sarili mo dahil masasaktan ka lang. Charming siya at higit sa lahat mukhang inosenteng bata. Akala mo hindi makabasag pinggan pero truth to be told his the number one playboy. H'wag kang titingin sa mala-pamatay niyang tingin dahil for sure mapa-fall kalang at walang sasalo sayo.

[ Ehem!! Sakin lang walang epekto ang malanding mata niya. Subukan niya ako patusin, susuntukin ko ngala-ngala niya. ]

Aaron Francis Sandoval but you can call him number 3 dahil siya ang pangatlo sa grupo. H'wag mong tangkain kausapin siya dahil hindi ka niya papansinin. May sarili siyang mundo. Madaming naiinlove sakanya dahil mayaman at music lover siya pero h'wag na kayong mag tangkang umibig diyan dahil for sure sa basura pupulitin ang puso niyong sawi.

[ Suplado siya sa lahat pero hindi sakin. Subukan niya akong supladuhan bubugbugin ko siya ng bongga. ]

Grayson Eli Perez [don't mind him nalang. Lol ] but you can call him number 2... H'wag kayong haharang sa harap niya dahil for sure demonyo ang makakaharap niyo. Ang lalaking 'to ang nagpapatunay na may totoong demonyo. Mahilig sa basag ulo at mahilig mag inom pero never na-inlove ang gago. Ayaw ko 'man sabihin ang mga katagang 'to pero ito talaga ang totoo. Gwapo siya, mayaman at higit sa lahat nakukuha niya gusto niya. Walang tinatalo 'yan, kapag alam niyang na-agrabiyado siya o ang kaibigan niya humanda ka dahil magkikita kayo ni santanas sa lungga niya.

[ Psssh! Mayabang siya super at madaming natatakot sakanya pero ibahin mo ako. Hindi ako natatakot sa ugok nayan. Heh! Utut niya bilog! ]

Ako?.........

I'm just a nobody.... Loljk.

Ako lang naman si Samantha George Lopez but you can call me number 1.. Take note, don't you dare to call me Samantha! Ang dapat mo lang itawag sakin ay George dahil for my personal reason. Kung ang tatlong bad boys ay sa tingin nyo mga demonyo na wala pa sila sa kalingkingan ko. Wala akong pakielam sa sinasabi ng ibang tao dahil alam kong hindi naman totoo.

Kung ako aawayin mo? Tandaan mo ang sasabihin ko...

Bumalik kana sa tiyan ng nanay mo dahil hahanapin kita kung nasaan ka 'mang lupalop.

Written by : marnyann

All rights reserved 2015

THREE PLUS ONETempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang