Chapter 35

33 5 0
                                    

Grazziana's POV

"Don ka na nga. Matulog ka na."


"Aba! Dito ako matutulog? Uuwi na ako! Hinahanap na ako!" Irita kong sabi kay Kevin. Hinagis niya sa akin yung bag. "Aanhin ko 'to?" Tanong ko.


"Andiyan yung mga damit mo. Magbihis ka na! Ang baho mo na." Kumunot yung noo ko.


Sumunod ako sa kaiya. Pumunta ako sa CR niya at nagbihis na. "Asan ako matutulog?" Tanong ko.


"Malamang. Diyan sa kama ko." What? Kami? Magtatabi? Ayoko nga! "Matulog ka na."


"Ayoko nga. Do'n na lang ako sa sofa." Papunta na sana ako sa sofa pero hinila niya braso ko.


"Wag. Dito ka na. Sa sofa na lang ako." Sabi niya.


Pinatay niya yung ilaw. Grabe namang dilim dito. Parang nakapikit lang ako. Kahit kailan talaga si Kevin, prinsipe ng kadiliman. Pilit kong matulog pero hindi talaga ako makatulog. Tulog na kaya si Kevin? Makatulog kaya si Kevin sa sofa?



Tinignan ko yung orasan sa phone ko. Mag aala-una na di pa ako tulog. Narinig kong parang may gumagalaw sa bintana ni Kevin. Ano kaya yon? May umaalulong din na aso. Sabi nila, kapag may umaalulong na aso pag gabi, may multo daw. Nakakatakot!


"Kevin?" Panigurado ko kung gising pa si Kevin.


Walang sumagot. Siguro tulog na nga yon. Hindi ako makagalaw dito. Sobrang natatakot na talaga ako. Naka aircon na pero pinagpapawisan pa rin ako.


"Kevin." Sabi ko ulit.


"Hmm?" Yes! Sumagot siya.


"Gising ka pa?" Tanong ko.


"Hindi. Tulog na." Nang trip pa.


Maya't maya may malakas na hangin kaya may anumang gamit ang nahulog dahil sa hampas ng hangin.


"Ahhhh!" Omg! Ano yun?! Yung nasa bintana? "Kevin!" Sigaw ko habang nakatakip sa akin yung malaking kumot.


Naramdaman kong may yumakap sa akin. "Boba. Wag kang matakot. Halaman lang yun na naihampas sa bintana. Malakas kasi yung hangin sa labas." Tinawag pa akong boba.


"May multo ba Kevin?" Takot na takot na tanong ko.


Ramdam ko yung pagkangisi niya. "Walang multo dito, OA ka lang."


Hindi na ata ako makahinga dito. Kanina pa ako makakulong sa kumot eh kaya tinanggal ko na. "Kevin! Buksan mo yung ilaw." Utos ko at ginawa niya naman yon.


"Naka aircon na nga, pawis na pawis ka pa." Sabi niya. Eh kung siya kaya takutin ko. Tignan ko lang.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon