Chapter 38

33 3 0
                                    

Grazziana's POV

"Yaya, kamusta ang pag sstay mo doon sa America?"


"Masaya naman, Grazz. Kaso namimiss ko kayo eh."


"Aww. Yaya talaga. Maganda pa rin po ba yung bahay don?" Tanong ko.


"Oo naman. Lagi ko ngang nililinisan yun eh." Sagot ni Yaya. "Ikaw, siguro may boyfriend ka na, ano?" Pang-aasar ni Yaya sa akin.


Napakunot yung noo ko sa sinabi niya. "Wala po yaya ah."


"Walang nanliligaw diyan kasi panget." Bwisit talaga si Kuya Kit.


Naningkit yung mata ko sa sinabi niya. "Siya ngay yaya, na love at first sight. Ang korni po. Ako nga hindi naniniwala doon eh. Pag ako nakakita lang nang gwapo crush ko lang. Eh si kuya? Mahal agad?" Pambawi ko kay kuya.


Sinamaan ako ng tingin ni kuya. "Shut up! Buti pa si Grace, may nanliligaw sa kaniya. Eh sayo? Wala!" Ipamukha pa talaga sa akin na mas maganda pa si Grace! "At saka alam mo ba yaya? Inip na inip nang sagutin ni Grace yung manliligaw niya. Kaso ayoko!" Saka tumawa si Kuya sa kalokohan niya.


"Bakit na naman ako nasama sa usapan niyo! Wow ha? Nananahimik ako dito tapos kayo nangdadamay!" Irap sa amin ni Grace.


"Oh, e'di wow!" Pang aasar ko. Binatuhan ako ni Grace ng unan niya. "Aray."


"Tama lang sayo yan ate."


"Aray! Mas malala yung sa akin ah?!" Galit na sabi ni kuya. Buti lang din na tsinelas ang binato ni Grace sa kaniya.


"Bagay lang sayo yan." Pagtataray ni Grace. "Alam mo ba yaya, lagi niya akong inaasar!" Sumbong ni Grace kay yaya.


"Hay nako, kayong mga makukulit na bata talaga, wala kayong pinagbago. Namiss ko kayo." Niyakap kami ni yaya. "Kailan lang yung binebeybi ko kayo. Ngayon, may nililigawan at may manliligaw na kayo. Ang laki laki niyo na."


"Kahit lumaki kami, hindi po namin makakalimutan ang pag aalaga mo sa amin nung mga bata pa kami at nung mga oras na nasa trabaho sina mommy at daddy non." Sabi ko.


"Mahal ka namin yaya." Yakap ni Grace kay Yaya.


"Oh, at sino naman yung nililigawan ni Kit?" Tanong ni Yaya Lenny.


"Ayie!" Sigaw namin ni Grace. At namumula si Kuya. Ngayon ko lang nakita si Kuya na namula dahil sa isang babae.


"Next time ko na po sabihin sa inyo." Sabi ni kuya.


Kahit kailan talaga, napaka korni ni kuya. Hindi ako nagsisi na naging kuya ko si Kuya Kit. Napakaswerte namin dahil may kuya kaming ganyan. Yung kuya na gwapo, matalino, mapagmahal, over protective at marami pang iba. Kahit bully sa akin si Kuya, alam kong mahal na mahal niya kami at mahal na mahal din namin siya.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon