Chapter 52

28 4 0
                                    

Grazziana's POV

"Kailangan na nating umalis dito." Aya ni Kevin at hindi niya pinahalata na umiyak din siya.


Titignan ko sana si Clark at Veronica pero bigla akong hinila ni Kevin paalis sa garden.


"Kainin mo na 'tong pagkain mo." Sabi ni Kevin pero umiling lang ako habang deretso akong nakatitig.


"Ayaw kong kumain." Sagot ko.


"Ayaw mo na 'tong kainin? Ako na lang kakain." Mabuti pa. Kinain niya na yung burger at tubig pa kanina.


After niyang kumain, "Inubosh ko na. Tara, kain na tayo ng lunch." Sabi niya habang may laman pa yung bunganga niya.


"Ikaw na lang kumain mag isa. Wala akong ganang kumain."


"Ano ba yan! Hindi pwedeng hindi ka kakain ng lunch. Gugutumin ka sa bus!" Galit na sabi niya sa akin.


Natakot ako kaya tumayo ako at sinundan siya papuntang canteen. Bumili man siya ng lunch ko, hindi ko naman kakainin. Makulit eh. Tss.


After naming bumili ng lunch. Medyo late na kasi kami naglunch este si Kevin lang pala. 12:50 kasi kami bumili ng lunch. Eh ala-una yung alis ng bus kaya nagpasya kami ni Kevin na sa bus na lang kainin yung lunch. Magkatabi naman kami sa bus eh kaya walang problema.


Nakita na namin yung bus. At may binulong si Kevin sa akin. "Wag mo na lang tignan si Clark mamaya."


"Hindi ko maiwasan." Tumulo ulit yung luha ko.


Niyakap niya ako. Nakakarami na siya ah. "Gawin mo kung anong sinasabi ko para hindi ka masaktan, okay? Don't cry. Baka isipin nila ako ang nagpapaiyak sayo." Bulong niya.


Agad naman akong kumawala sa pagkakayakap niya at pinunasan ko yung luha ko. Ngumiti ako sa kaniya pero china smile.


Inalalayan niya ako sa pag akyat ng bus at nararamdaman kong kasunod lang namin si Clark na paakyat. Ginawa ko yung sinabi ni Kevin na wag akong lumingon sa kaniya. Umupo na kami ni Kevin at inayos lang namin yung mga gamit namin.


"Grazz." Napaangat yung ulo ko sa nag salita. Pakshet! Si Clark.


Nagulat ako ng biglang tumayo si Kevin at sinuntok si Clark. "Tangina mo! Ang lakas ng loob mo ha?! Putek!"


Tumayo ako at hinawakan yung braso ni Kevin. "Huminahon ka Kevin. Hayaan mo na." Bulong ko sa kaniya at umupo na kaming dalawa.


Nang mapatayo si Clark at tumingin ng masama kay Kevin, tumingin din siya ng masama kay Clark. Parang nagpapatayan na sila sa mga tingin nila saka pumunta na din si Clark sa upuan niya.


Calling Lexi...


["Hello?"] Sagot ko.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon