Chapter 40

33 4 0
                                    

Grazziana's POV

Maaga akong pumasok ngayon. Wala pang katao tao sa campus. Inaalala ko kasi yung kinuhanan ako ng picture ni Kevin na nakatitig kay Clark. Kainis! Baka ikalat niya yun sa campus. Maaga akong pumasok para agad kong makita si Kevin para madelete agad yung picture.


Pagkapasok ko ng classroom, patay ang ilaw. Madilim dito sa classroom kaya binuksan ko yung ilaw. Pero parang napundi ata. Naisip kong nakapatay pa ata yung fuse. Bigla akong natigilan sa paglalakad ng may sumitsit sa akin. Narinig ko yon sa may bintana. Nakita kong humahangin kaya biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Takot pa naman ako sa multo!


Nagulat ako sa pagtawa ng isang lalaki. "Ikaw?!" Sigaw ko kay Kevin. Bwisit 'to. Siya lang pala.


"Malamang. May nakikita ka pa bang ibang tao dito?" Pamimilosopo niya at inirapan ko lang siya.


"Uy! Kevin! Burahin mo na yon!" Irita kong sabi sa kaniya.


"Anong buburahin ko?" Pagmamaang-maangan niya.


"Yung ano.."


"Oh, ano?"


"Kasi yung ano.. yung picture na stolen shot." Nakakunot na noo kong sabi.


Nagawa pang tumawa ng panget na 'to. Sa sobrang inis ko, sinuntok ko siya sa tiyan pero hindi gano'n kalakas. "Aww.. Aray!"


"Magagawa mo pa bang tumawa ha?" Mataray kong sabi.


"Oh edi ikakalat ko yung picture mo."


"Uy, joke lang!" Pambawi na sabi ko. "Idelete mo na kasi yon."


Humakbang siya para mas lumapit sa akin. Lumapit siya sa mukha ko. "Kunin mo muna cellphone ko."


Pilit kong kunin yung cellphone niya pero hindi niya talaga ibigay. Masyado siyang matangkad para maabot ko siya. "Tsk. Kevin! Akin na yan!"


"Ikakalat ko 'to sa campus at ipapakita ko 'to kay Clark!"


"Grazz, boyfriend mo na ba si Kevin? Kakaligaw pa lang sayo ni Clark ha? May sinagot ka na agad?" Sabi ni Rico. Yung guy na isa sa mga haters ko. Bwisit din 'to eh. Ang sarap sunugin.


"Hindi no! Kaaway ko nga yan eh." Sigaw ko sa kaniya.


"Wag ka ng mag deny. Nakikita ko kayang ang sweet niyo. Ikaw ha? Wala ka man lang binabalita sa campus na boyfriend mo na pala si Kevin!" Nakakabanas na 'to ah!


Nagulat nalang ako ng inakbayan ako ni Kevin. "Oo dre. Girlfriend ko siya. Hindi niya sinagot si Clark." Nanlaki ang mga mata ko. "Ikaw naman babe. Pa deny deny ka pa." Malaking issue 'to!


"Uy! Rico! Wag kang maniwala riyan! Nababaliw na siya." Sigaw ko kay Rico.


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon