Chapter 51

33 4 0
                                    

Grazziana's POV

Nagising ako dahil nahulog ako sa kama ko. Pagkatingin ko ng orasan ko, 8:00 AM na. Wait, parang may nakalimutan ako?


Field trip pala namin ngayon! Kaka-announce lang pala last week. Bakit monday pa kasi itong field trip? Eh agad-agad kong nakakalimutan kapag derederetsong walang pasok!


8:30 AM yung assemble time namin. Nako late na ako para sa field trip namin. Papagalitan ako panigurado!


"Maaa! Asan sila kuya?!" Sigaw ko papunta sa baba at nagmamadali.


"Anak, nauna na sila ni Grace." Sabi ni mommy.


"Bakit hindi man lang ako ginising? Sige po, maligo na po ako ma." Sabi ko at agad akong pumunta sa CR para maligo.


After kong maligo, kumain, nagbihis at nag ayos. Kinuha ko na agad yung maleta ko. Kasi three days kami don. "Ma, pa! Alis na po ako." Lumapit ako sa kanila at bineso beso sila.


"Sige, anak. Ingat ka ha? Kung makita mo sila Kuya mo at Grace, sama ka na lang muna sa kanila." Sabi ni mommy.


"Ma, hindi po. Hiwahiwalay po kami." Sambit ko.


"Sige anak. Basta mag iingat ka ah? Wag kang gagawa ng kalokohan. I love you anak." Sabi ni daddy. Ang sweet talaga nila sa akin.


"Okay po daddy. I love you too." Sambit ko. "Bye na po ma at pa! I love you!" Pahabol ko habang papaalis na.


Nag commute na ako papuntang school. Habang papunta ako ng school, kinuha ko muna yung cellphone ko para tignan yung text messages ko.


43 messages and 17 missed calls


Woah! OA naman ata 'to. At himala, ngayon lang 'to!


Karamihan ng natanggap kong messages ay kila Clark, Lexi, Kuya Kit, Grace, Nathan, at James. Yung sa calls naman, sina Clark, Lexi at Nathan. Aish!


Clark: Grazz, punta ka na dito. Paalis na yung bus.
Clark: Asan ka na?
Clark: Uy, ano'ng nangyari sayo?
Clark: Text back please! Nag aalala na ako sayo :(


Lexi: Bessy! Asan ka na?!
Lexi: Punta ka na here!
Lexi: Maiiwan ka na ng bus! Dapat talaga sumabay na lang ako sayo, hay nako!


Nathan: Grazz, punta ka na dito. Hinahanap ka na ni Sir na bakla.


Kuya Kit: Grazz! Punta ka na dito!
Kuya Kit: Dapat pala, hindi ka na namin iniwan, tsk.


James: Huy Grazz! Iiwan ka na ng bus.
James: Oy! Bruhilda!

James: Oy! Miss ka na ni Clark at Kevin.


Ayon ang mga narecieve kong messages galing sa kanila. Waa! Sobrang late na ba ako?!


The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon