Chapter 76

29 5 0
                                    

Grazziana's POV

"Nak! Bilisan mo riyan! Naghihintay na si Kevin sa baba!" Excited na sabi sa akin ni Mommy mula sa baba.


"Opo, ma! Sandali na lang po!" Sigaw ko din habang kinukulot yung buhok ko.


"Ma-lalate na kayo! Baka mahuli kayo sa ball party niyo!" Pangungulit pa ni mama.


Nako! Sobrang excited sila mama. Syempre excited din ako kaya nga ako nagpapaganda ng bonggang bongga diba?


Nagmamadali na akong bumaba at naabutan kong naka-upo si Kevin sa may sofa at naka-tuxedo. Waaa! Grabe talaga! Kahit saang anggulo at anong suotin ni Kevin ang gwapo pa din niya.


Kevin, wait for me. Malapit na kitang sagutin.


"Perfect! Ang ganda mo anak!" Sabi ni mommy at pumalakpak pa.


"Matagal na, ma. Mana po sayo."


"Talaga lang anak, ha." Natatawang sabi ni Daddy.


"Pwe! Mas maganda ako sayo, Ate!" Nandidiring sabi ni Grace sa akin. Nako, kung hindi ko lang kapatid yan, kanina ko pa inupakan yan. Pero hindi ko naman itatanggi yon dahil magkapatid kami, malamang sa malamang maganda kami pareho, 'no!


"Oo na lang!" Sumuko agad ako dahil ayaw kong makipag-asaran kay Grace. Pikon yan eh.


"O sya sya, pumunta na kayo at baka ma-late kayo." Aya ni mommy.


Sumakay na kami sa kotse ni Kevin. Sabi niya yung kotse na lang daw niya ang gagamitin namin kaya pumayag naman si Daddy. Kami lang nila Grace at Kevin ang pupunta sa school.


May kulang ngayon dito sa kotse eh. Si Kuya. Naalala ko na naman si Kuya. Miss na miss ko na siya. Kasama sana siya sa ball party namin!


Nagpark na si Kevin at pinagbuksan niya ako para maka-baba.


"Jacob!" Tawag ko kay Jacob nang makita ko siya at lumingon naman siya sa akin.


"Oh, Grazz." Masaya niyang sabi sa akin.


"Tara, sabay ka na sa amin." Aya ko sa kaniya. Kaya ko inaya si Jacob dahil gusto ko din siyang maka-usap. Tatanungin ko kung may nararamdaman pa siya sa akin. Kasi kung meron man, sasabihin ko na itigil niya na dahil nahihirapan lang siya.


"Sure." Pag payag niya. Sinenyasan ko saglit si Kevin na kakausapin ko saglit si Jacob kaya nagets naman niya agad yon. May halong pagkainis sa istura niya pero sumenyas siyang okay lang daw.


"Ah. Jacob?" Panimula ko nang makalayo kami nang kaunti kay Kevin. "Mahal mo pa ba ako?" Nahihiya kong tanong. Ayaw ko nang umasa pa siya.


"Sobra, Grazz." Sabi niya habang deretso yung tingin. Nadismaya naman ako sa sagot niya.


"Bakit mo pa tinutuloy 'to Jacob? Wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Si Kevin na yung mahal ko." Hinarap ko siya.


"Kayo na ba?" Seryoso niyang tanong sa akin saka ako umiling. "Oh, hindi pa pala eh. E'di hindi ako susuko." Natatawa niyang sambit pero alam kong peke yon.


"Please Jacob. Wag mo ng pahirapan yung sarili mo. Marami pa namang mas magagandang babae diyan. Mas mamahalin ka pa higit pa sa pagmamahal mo sa akin. Maghanap ka na ng—"


Bigla akong niyakap ni Jacob. "Please, Grazz. Hayaan mo lang na yakapin kita, please. Alam kong wala na akong pag asa sayo kaya pagbigyan mo na lang ako sa isang yakap lang." Umiiyak na sambit si Jacob.


Nakita ko si Kevin na papalapit na sa amin kaso sinenyasan ko siyang wag na lang. Napahilamos siya ng mukha dahil wala siyang nagawa. Patuloy lang ang tingin niya sa aming dalawa. Panigurado akong maiintindihan 'to ni Kevin dahil kahit seloso at mainitin ang ulo niyan, nakakaintindi pa rin yan.


E'to yung ayaw na ayaw ko eh! Yung may napapa-iyak ako nang dahil sa akin? Alam kong nahihirapan si Jacob dahil wala yung mom niya.  Pero mas mahihirapan si Jacob  kapag patuloy siyang umaasa.


Hinayaan ko lang si Jacob na yakapin ako.


"Wag mong sisihin sarili mo kung bakit ako nasasaktan ngayon. Hindi naman talaga maiwasan na may masasaktan diba?" Sabi niya sa akin.


"Sorry. Sorry, Jacob. Sorry kung hindi ko masuklian ang pagmamahal na binigay mo sa akin. Sorry talaga."


"Huwag kang mag sorry, Grazz. Hindi mo naman kasalanan kung bakit hindi tumibok yung puso mo sa akin 'di ba?" Huminto siya nang sandali. Pinipigilan niya yung sarili niya na maiyak. "Sige, Grazz. Mauna na ako ha?" Alam ko, hindi na mapigilan ni Jacob yung iyak niya kaya nagpapaalam na siya.


Niyakap ako ni Jacob. "Take care, Grazz. I love you." Hinalikan niya ako sa noo at tumalikod na siya. Bigla siyang huminto. "Tandaan mo, Grazz. Hindi kita isusuko." Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang yon, umalis na siya. Buong akala ko ay titigil na siya. Napabuntong hininga ako.


Naramdaman kong may yumakap sa likod ko at hinarap ko siya. "K-Kevin?"


"Ako lang dapat ang yumayakap sayo." Biro niya saka siya kumalas at humarap sa akin. "Ano'ng pinag usapan niyo? Pasenyas senyas ka pa sa akin. Kaunti na lang, iisipin ko nang niloloko mo ako." Kinwento ko yung nangyari kanina habang papasok na kami sa campus. "Buti naman at sinabi mo yon. Dahil walang mapapala yan si Jacob sa gwapo kong mukha!" Ano daw? Kahit kailan talaga ang yabang niya!


"Bahala ka nga riyan. Alam mo bang naging crush ko siya noong mga bata pa kami?" Pang aasar ko siya kay Kevin.


"Eh ano ngayon? Noon lang naman eh." Ngumingiti pa siya.


"Hanggang ngayon kaya." Biro ko at sinamaan naman ako ng tingin ni Kevin. "Joke lang! Yabang mo kasi!"


Habang nag-eenjoy kaming magkakaibigan sa Ball, nasagip ng mata ko si... Si Kuya Kit. Si Kuya Kit na nakangiti habang pinapanood kaming lahat.

The Bully Has Fallen (Bully Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon