[PART 1] Three

29 2 0
                                    


CHAPTER THREE


Dinala si Michelle sa isang maliit na apartment sa isang subdibisyon sa Balanga, Bataan. Doon pala nanunuluyan si Dylan at hindi sa bahay nito sa Mariveles, tulad ng inaakala niya.

"Apartment ito ni Daddy," pagpapaliwanag ni Dylan. Magkatabi silang nakaupo sa sofang nagagawang kama. "Bale, dito siya tumutuloy kapag panggabi ang schedule niya."

Michelle nodded. "Hindi ko alam na may apartment pala kayo dito sa Balanga. Nagdo-dorm ka kasi which is weird nga dahil isang jeep lang naman ito bago ang Letran."

"Alam mo naman siguro kung bakit ako nag-dorm, 'di ba?" sabi nito.

Tumangu-tango siya. "Nagtatampo ka. Kasi parang pinamigay ka na lang niya nang basta-basta sa mother mo?" Dylan never told her about that issue. Mabilis lang talaga niyang nakuha ang ibig nitong sabihin.

"Exactly."

Binalot na naman sila ng katahimikan.

Hinawakan nito ang kanang kamay niya. Immediately, naramdaman niya ang panginginig niyon.

"Mich, tungkol sa ating dalawa," sabi nito. "Tingin mo, dapat tayong magkabalikan na?"

Natigilan siya at napakunot ng noo. "What are you saying, Dylan?" naguguluhan niyang tanong. Saan niya nakuha iyon? Nagdo-doubt ba siya sa akin?

"Ewan ko ba, Michelle. Kasi, parang... parang..." Yumuko ito.

Kumunot ang noo niya. "Parang?"

Umiling ito. "Never mind. H-Hindi mo rin ako maiintindihan."

Tumaas ang isang kilay niya. Hindi maiintindihan? Kasi? Then, she sighed. "Dylan," binitiwan niya ang kamay nito, "sa totoo lang, gusto ko rin iyong itanong sa iyo 'yung sinabi mo.

Nang salubungin nito ang tingin niya, nagpatuloy siya. "May pag-asa pa nga ba talaga tayo? Sa totoo din lang, napansin ko kasing nagbago ka na. I mean, you're so cold too me. Iniiwasan mo ba ako?"

Hindi umimik si Dylan kaya nagpatuloy siya ulit. "I'll take that as yes, Dylan. Bakit? Ano'ng ginawa ko para maging ganyan ka? Alam mo ba na ilang buwan na akong naprapraning dahil sa iyo. Bukod sa matagal tayong hindi nag-usap, nasaan 'yung sinasabi mong ako ang unang dahilan mo para bumalik ka rito sa Pilipinas. You said it, hindi ba? Huwag mong itanggi, Dylan."

Dylan sighed. "Mich, hindi mo naman kasi ako naiintindihan. Hindi lang naman sa iyo umiikot ang mundo ko—"

"Then, sana hindi ka na nagbitiw ng ganoong pangako!" iritadong sambit niya. Her eyes heated again. Bwisit na iyan. Ever since Dylan returned, dumadalas ang pag-iinit ng sulok ng mga mata niya. "There are two forms of promises, Dylan. The one that will make you and the one that will break you. Yours falls on the latter."

Napakamot ito ng ulo. "Mich, alam mo namang mahal kita, hindi ba? Hanggang ngayon, mahal pa rin kita. Kaya nga nandito ako—"

"Then prove to me that you still love me!" Napatayo siya. "Patunayan mo, Dylan, patunayan mo!"

For the nth time, Dylan sighed before he stood up. "Mich," hinawakan nito ang magkabilang pisngi niya at pilit siyang pinaharap dito, "tumingin ka sa mga mata ko."

She followed. Tumingin siya sa mga mata nito. Agad niyang nakita ang pagiging sincere nito. Dylan's eyes were empathic; she can feel how the fire burning inside him diverted into her. How his emotion oozed in her insides, she sensed that too.

It was no doubt; Dylan was still in love with her.

Hindi niya namalayang tuluyan na siyang napaluha. Kung hindi pa iyon pinunasan ni Dylan, hindi siya iyon mapapansin.

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now