[PART 1] Seven - END

47 4 0
                                    


CHAPTER SEVEN


Lumipas pa ang ilang araw, sa wakas ay nakauwi na rin si Michelle sa kanila. Nang buksan ng mama niya ang bahay nila, agad niyang nakitang napakarumi ng loob niyon. Napailing na lamang siya saka mahinang bumuntong hininga.

"Oh, anak, magpahinga ka muna, ha?" bilin sa kanya ng mama niya matapos ilapag ang bag na naglalaman ng marurumi niyang damit sa sofa nilang gawa sa kahoy. "Pupunta lang ako sa palengke para magtinda."

"Ay, naku, mama! Dapat nga pati ikaw, magpahinga rin, e. Haler, kakagaling lang natin sa biyahe sabay ganyan ka." Pabiro niya itong inirapan.

"Tigilan mo nga ako d'yan, Mich! Kailangan kong magtinda at wala tayong pangkain," natatawang sabi nito saka mahinang siya mahinang sinabunutan. "Sige, magpapalit lang ako saka didiretso na sa palengke, ha?" Agad itong pumanhik sa patungo sa kwarto. Mabibilis pa nga ang hakbang nito at rinig na rinig niya ang kalabog dahil plywood lang ang sahig sa second floor.

Umupo siya sa sofa saka iginala ang paningin sa kabuuan ng bahay na para bang iyon ang unang beses niyang makarating doon. Nang matapos, inihilig niya ang ulo sa bag saka bumuntong hininga.

Tapos, inilibot niya ang tingin sa maliit nilang bahay. Kung tutuusin, mas maayos lang ito nang bahagya sa barong-barong. Ni hindi magawa ng mama niya na maipagawa ang kisameng inanay na at tinapalan na lang ng tape para hindi bumigay.

Hindi naman siya social climber at maarte pero may pagkakataon talagang humihiling siyang sana'y mayaman na lang sila. Naaawa kasi siya ng mama niya. Masyadong hardworking para matustusan ang pangangailangan nilang dalawa.

At ngayon, binigyan pa niya ito ng sakit ng ulo.

Bumaba na ang mama niya. "Michelle, aalis na ako, ha?"

"Sige po. Ingat po kayo." Tumayo siya para mag-mano rito. Tapos, hinatid niya ito palabas ng bahay. She also watched her went away until she, her mother, was out of her sight.

Papasok na lang sana siya nang huminto ang isang motor sa harapan ng gate nila. Agad niyang nakilala kung sino ang sakay niyon – si Dylan.

Nanlaki ang mga mata niya. Gusto niya itong sigawan at palayasin pero hindi niya nagawa. Nanigas yata siya sa kinatatayuan niya dala nang matinding galit.

Bumaba si Dylan sa motor at tinitigan siya. His face was serious.

"Michelle..." pabulong na anito.

Tinaasan niya ito ng kilay. Tapos, hinagod niya ito ng tingin mula paa hanggang sa ulo. Noon lang niya napagtantong ang haggard nito tingnan. Magulo ang buhok at makapal pa ang eyebags. Namumula rin ang mga mata na tila ba wala pang tulog.

"Anong ginagawa mo rito?" mariin niyang sabi. Pinaramdam talaga niya ritong hindi ito welcome.

Hindi ito nakaimik ka agad. Sa halip, humakbang ito palapit sa kanya. Agad naman siyang humakbang palayo pero mabilis nitong nahawakan ang kanan niyang braso.

"Michelle..." sabi na naman nito. His voice actually faltered na para bang iiyak ito anumang oras. "Na-miss kita."

Tinabig niya ang kamay nito. "Tinatanong ko?"

"Kahit hindi mo itanong at ayaw mong marinig, sasabihin ko pa rin. Paulit-ulit pa," tugon naman nito. "Pero wag kang mag-alala. Nagpunta lang naman ako dito dahil gusto lang kitang kausapin. Hindi rin ako magtatagal."

Nang hindi siya nagsalita, nagpatuloy ito. "Pwede ba tayong mag-usap sa loob?"

She didn't say a word bagaman umusog siya para paraanin ito.

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now