[PART 2] Eight

76 7 2
                                    

CHAPTER EIGHT


Walang mapagsidlan ng tuwa si Michelle nang sandaling iyon habang pinapanood niya ang pagdagsa ng mga tao sa kanyang shop. Her business was still young—she started it four years ago as an online boutique—pero hindi maipagkakailangang malaki na ang inunlad niyon.

Napansin niyang mayroong isang babaeng nagtitingin sa section ng mga bata. Dahil abala ang tatlo niyang tindera, umalis siya sa kahera upang ma-entertain iyon.

"Good morning, Ma'am! Ano pong hanap ninyo?" masaya niyang bati sa babae. May kaliitan ito, and her long, straight hair was oddly familiar.

Natigilan ang babae saka humarap sa kanya. Umawang ang labi nito.

"Michelle? Ikaw ba iyan?" tuwang-tuwang sabi nito. Lumapit pa ito sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. "Ikaw nga!"

Samantala, hindi naman siya nakakibo. Kilala niya ito. Apat na taon na ang nakalilipas nang huli niya itong nakita. Pero mukhang di man lang ito tumanda. Mukha pa rin itong nasa mid-20s kahit malapit na yata itong mag-40.

"Tita Mayel," sa wakas ay nasambit. Pinilit niyang ngumiti at umaktong normal kahit ba tila nasa bumaba ng ten degrees ang temperature noon.

"Bakit parang hindi ka yata masayang hindi mo ako nakita?" May bahid na pagtatampo ang tono nito. "Di ka man lang mag-kiss."

Napangiti siya sa tinuran nito. Mayel never changed. Medyo isip-bata pa rin kung minsan.

Lumapit siya rito at hinagkan ang pisngi. They were on the same height kaya madali niya itong naabot.

"Kumusta ka na?" tanong nito saka siya tiningnan mula ulo hanggang paa. "Bakit parang tumangkad ka yata? At lalo kang gumanda, ha? Ang kinis na ng mukha mo ngayon." Hinimas nito ang kaliwa niyang pisngi.

"Thanks po, Tita. Ito okay naman po. Masayang nairaraos ang business."

"Sayo ang shop na ito?" bulalas nito.

Tumango siya. "Ayoko na pong mag-work, e. Na-realize ko yun noong nag-OJT ako kaya sabi ko, business na lang."

"Naks! Pero mas okay naman iyon kesa naman sa trabaho ka nang trabaho. May time ka sa family mo. Di gaya ng magaling kong asawa!" May pag-ikot pa ito ng mga mata.

Napangiti siya muli sa sinabi nito. Hindi na rin nakakagulat iyon. Doktor kasi ang asawa nito. "Kayo po, kumusta na?"

Sasagot sana ito pero napatigil ito at napasilip sa pinto. "Dylan!" pagtawag nito kasabay ng pagkaway.

Napitlag na lamang siya nang marinig ang pangalan ng dating nobyo. Pagkuwa'y, agad siyang napakapa sa tiyan at napalunok.

"Huy, lumapit ka rito!" muling sabi ni Mayel kasabay ng pagsenyas.

Nang sandaling iyon, nagtatalo ang isip ni Michelle. She was tempted to look pero pinili niyang huwag na. She could not.

And then, she felt his presence on her behind. Ramdam din niya ang pagtitig nito. It made her jittered. Pakiramdam niya'y lalong bumaba ang temperatura. She had an urge to run away.

But the worst part was when she saw Mayel smiled at both of them. Alam niyang ine-encourage nitong mag-usap sila!

"Ma, hinahanap na tayo ni Dad. Tara na raw," narinig niyang sabi ni Dylan. Flat ang tono nito. Parang robot.

Biglang napawi ang ngiti ni Mayel. Magsasalita pa sana ito pero binigyan niya ito ng nakikiusap na titig. Tita, please? Sabi pa niya sa isip, hoping Mayel would get it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now