[PART 1] Six

28 2 0
                                    

CHAPTER SIX


Kanina pa naglalakad si Michelle; ni hindi man lang niya alintanang napakadilim na nang sandaling iyon at pwede siyang mapahamak.

Hindi na siya si Dylan! Hindi na siya si Dylan! Paulit-ulit na sigaw ng isip niya. Nagbago na siya. Hindi ko na siya kilala.

Kailan nga ba nagbago si Dylan? Mabilis siyang nag-isip. Noong dumating ito, medyo naging cold ito sa kanya pero mabilis naman iyong nawala nang maging sila. Could it be nagbago lang ito noong nalaman nitong buntis siya?

Ano pa nga bang dahilan? She balled her fists. Ang dami pa nitong sinabing inarte kanina na. For what? Para kuhanin ang simpatya niya? All to justify his desire to abort their baby?

Nanlambot si Michelle at napaluhod na lamang sa kalsada. Pagkatapos, humagulhol siya nang iyak. "Dylan, ano'ng nangyari sa iyo?" mangiyak-ngiyak niyang sabi. "Ako ba talaga ang may kasalanan kung bakit ka nagkaganyan?"

"Miss, mag-isa ka lang ba?" maya-maya'y narinig na lamang niya.

Nagtaas siya nang tingin at bumungad sa kanya ang isang lalaking may malaking bilbil. Sa paraan pa lang ng pagsasalita nito'y alam niyang nakainom ito.

She felt threaten kaya mabilis siyang tumayo at umatras pero mabilis nitong hinatak ang kamay niya.

"Saan ka pupunta, Miss— hik— mag-isa ka lang, 'di ba? Kailangan mo ng kasama." Ngumisi ito. "May malapit na talahiban dito. Punta tayo du'n."

No! Nagpumiglas siya. "Bitiwan mo ako!" sigaw niya nang lalong humigpit ang kamay nito. "Ayaw kong sumama sa iyo!"

"Huwag ka nang pakipot, Miss, dadalin naman kita sa langit." Sininok ito. "Mamaya lang, warak na iyang puke mo!"

"Bitiwan mo ako!" Sinampal niya ito.

Iyon nga lang, mukhang mali ang ginawa niya. Nagalit lang ito at lalo lang hinigpitan ang pagkakahawak sa kanya.

"Tang ina! Ang sakit!" Nanlalaki ang mga mata nito. "Gusto mong makatikim sa akin, ha? Etong sa iyo!" Sinuntok nito nang pagkalakas-lakas ang puson niya.

She felt that great impact on her body. Parang nayanig ang buto niya sa nangyari. Gusto niyang humiyaw sa sakit pero walang boses na lumabas sa bibig niya. Tuloy, napaluhod na lang siya sa kalsada bago napahiga nag patagilid, namimilipit.

Pero hindi pa ito nakuntento sa pananakit sa kanya. Pinagtatadyakan nito ang puson niya. Even with the paralyzing pain, Michelle tried to protect her baby by shield it with her arms.

"Tama na... buntis ako..." palahaw niya habang ramdam niyang nabali ang kanyang braso.

Hanggang sa unti-unti na siyang nilamon ng dilim. Pero bago pa man siya panawan ng ulirat, may isang linyang sumagi sa isip niya.

Saan ba ako nagkamali para maranasan ko ito?

Isinara niya ang kanyang mga mata at tuluyang nilamon ng kadiliman.

-

Iminulat ni Michelle ang kanyang mga mata. Ilang minuto rin siyang nanatili sa pwestong iyon, waiting for herself to fully regain her consciousness. Nang matauhan, isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa kanya. Nasaan ako? Tanong niya sa sarili.

Agad niyang napansing may nakakabit na dextrose at iba't ibang aparato sa katawan niya. Mayroon ding tube na nakasuksok sa ilong niya at nakasemento ang kaliwang braso niya. Doon pa lang ay alam na niyang nasa ospital siya.

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now