[PART 1] Four

25 2 0
                                    


CHAPTER FOUR


Second to the last day ng final examination week. Abala noon sina Michelle at Ruby sa pagre-review para sa kanilang exam.

Maya't-maya ang pag-iinat ni Michelle at kanina pa iyon napapansin ni Ruby.

"Girl," pagtawag nito sa kanya. "Likot mo, ah?"

Hinarap niya ito. "Ewan ko ba. Para akong nanlalata na ewan. Tapos ang kirot din ng boobs ko." Kinapa niya ang ibabaw na parte ng dibdib.

Pinandilatan siya ng mga mata ni Ruby. "Ay wow? May boobs ka pala, 'te?"

Isang matalim na irap ang tinugon niya dito. "Nagsalita ang hindi flat."

"Mas may laman naman ang akin kesa sayo. Kaya nga hindi ako nasasabihang wash board e." Humagikhik ito.

"Tse!" Kulang na lang, batuhin ni Michelle ng makapal na libro sa Accouting ang kaibigan. "Pahinga muna ako konti."

"Mabuti pa nga. Baka pagod ka lang."

Sakto namang pagbukas ng pinto at pagpasok ni Josel. Kakayari lang nitong mag-exam kaya nakasuot pa rin ito ng uniform.

"'Musta, mga bading?" bati nito sa kanila. May bitbit itong pancit canton na naka-paper plate at nakabalot sa plastic. Pinagbawal na kasi sa school nila ang paggamit ng styro foam. "Last day na ng examination na bukas. Purtey-purtey na tayo. Yey!"

Nang dumaan si Josel sa likod niya ay nasamyo niya ang dala nitong meryenda. Napaliyad tuloy siya bigla at napatakip ng bibig.

"Bakit, Mich?" nagtatakang tanong naman ni Josel.

Umiling siya saka tumayo at tumakbo patungo sa banyo. Tinaas niya ang cover ng inodoro saka sumuka.

Tumayo si Ruby at sinundan siya. "Mich, okay ka lang?" Lumapit ito sa kanya at mahinang tinapik-tapik ang likod niya. "Sobrang sama yata talaga ng pakiramdam mo. Pahinga ka kaya muna?"

Tumayo siya nang tuwid, tumingala at pilit na pinigilan ang sarili na masuka. Nang medyo mahimasmasan, pinindot niya ang flush ng inodoro.

"Ewan ko ba, Ruby. Biglang bumaligtad ang sikmura ko." Lumapit siya sa lavatory at nagmumog. "Siguro nga, correct ka d'yan. Pahinga muna ako. Wala rin akong maiintindihan kung pipilitin ko pa ang sarili ko."

Inalalayan siya ni Ruby nang palabas na sila ng banyo. "Ano ba kasing nangyari sa iyo, Mich? May sakit ka ba? Pina-check-up mo na ba iyan?"

Nagkibit-balikat siya. "'Di ko rin alam, girl. Nawi-wirduhan din ako—" Muli na naman niyang naamoy 'yung pancit canton. She had the same reaction. Tuloy, takbo na naman siya sa comfort room.

"Hala ka, Mich." Napakamot ng ulo si Ruby habang pinapanood siya. "Suka ka nang suka. Ano bang nangyayari sa iyo?"

"Ewan ko rin ba. Parang bumabaligtad sikmura ko kapag naaamoy ko 'yung pancit canton ni Josel. Weird nga, e," sabi naman niya nang matapos sa ginagawa. Muli siyang bumalik sa lavatory para magmumog.

Napaikot ng mga mata si Ruby. "Grabe. Ano ka, buntis?"

Natigilan siya bigla. Siya, buntis? Then, realization struck her. Kailan nga ba niya binigay ang sarili niya kay Dylan? That was half and a month or approximately six weeks ago. Did they use protection? Sigurado siyang hindi dahil hindi rin prepared si Dylan nang araw na iyon.

Napalunok na lang siya. This can't be... Lumabas siya ng banyo at binuksan ang lalagyan niya ng toiletries.

"Mich, ano'ng ginagawa mo?" nagtatakang tanong naman ni Ruby habang pinapanood siya.

Seven Reasons to Love Again [Seven Series #4 | ON-GOING]Where stories live. Discover now