Prologue

24.2K 443 13
                                    

Natulala ako habang pinapanood ang patak ng ulan. Nakikisama ang sama ng panahon sa sama ng pakiramdam ko. Nilalagnat ako pero walang nag-aabala na alagaan ako. Sa dami ba naman namin dito sa bahay ampunan.

"Hoy, babae nagpapalaki ka na naman ng pekpek mo"sita sakin ng isang kasamahan ko dito.

Sinimangutan ko nga siya, tapoa nagtalukbong ako ng kumot.

"Nilalagnat ka pa din ba?"tanong niya sakin.

Nilapitan niya ako at inalis ang kumot na nakatalukbong sa ulo ko. Naramdaman kong sinalat nuya ang noo ko.

"Sus, pwede ng mainit ng tubig sa noo mo ah"anito.

Hindi ko nalang siya pinansin at ipinikit ang mga mata ko. Para kasing lalabas ang mga mata ko sa sakit ng ulo ko ngayon.

"Kaya mo bang tumayo? May naghahanap kasi sayo"anito nakalipas ang ilang minuto.

Hindi ko kayang tumayo, pero ng marinig kong may naghahanap sakin agad akong napabangon.

"Si mama?"excited kong tanong sa kasama ko.

Nagkibit balikat siya bilang sagot sakin.

Kahit ganun ang sagot niya para akong biglang gumaling. Ang liksi ko nga na tumayo, at tumakbo palabas ng kwarto ko.

Deretso ako sa tanggapan ni Mother superior para katagpuin ang kung sinomang naghahanap sakin. Malakas ang kutob ko ba si mama iyon. Wala namang ibang maghahanap sakin kundi ang mama ko lang.

Iniwanan ako ng mama ko dito noong pitong taong gulang palang ako. Ang sabi niya babalikan niya ako. May aasikasuhin lang daw siya. Isa pa hahanapin daw niya ang papa ko para magkakasama na kaming tatlo.

Pero ilang taon na ang lumipas wala pa din ang mama ko.

Kahit ganoon ang nangyari umaasa pa din akong babalikan niya ako kasi iyon ang sabi niya ang babalikan ako.

Paro pagdating ko sa opisina ni Mother superior isang babae at isang lalaki ang nakita kong naghihintay doon.

Nakatalikod sila sa may pinto kaya hindi ko nakita kung ano ang mga itsura nila. Pero sa nakikita ko hindi sila ang inaasahan ko. Paano naman kasi ang babaeng nakikita ko kahit nakatalikod alam kong hindi nalalayo ang agwat ng edad namin.

"Ma'am Rosalia, pinapatawag nyo daw po ako?"magalang kong bungad sa kanila.

Seryosong tumingin sakin si Ma'am Rosalia ang mother superior namin dito sa ampunan.

"Bituwin, may gustong umampon sayo"anito na seryoso pa din kung magsalita.

Kinabahan ako, iyong tibok ng puso ko sobra na kala mo lalabas na sa dibdib ko sa lakas.

Dahan dahan akong lumingon sa mga kaharap ni Ma'am Rosalia.

Nilingon na din pala ako ng babae.

Nagkatitigan kaming dalawa. Hindi ko siya kilala pero para kilala ko siya ang lalo.

Alam kong ngayon lang kami nagkitang dalawa pero parabg matagal ko na siyang kilala.

"Hi"bati niya sakin na napakaseryoso.

Walang kahit na anong emosyon sa mukha niya. Pero kahit ganoon ang ganda niya sobra. Ang puti niya ang kinis niya ang pula pula ng labi niya ang liit lang ng mukha niyang hugis puso. Para si mama ko lang ang tinititigan ko ang kaibahan lang medyo morena ang mama ko.

"Ihanda mo na ang mga gamit mo at sasama ka nasa kanila ngayon"utos sakin ji Ma'am Rosalia.

Naiiyak naman akong lumingon sa kanya.

"Ma'am Rosalia, alam niyo naman pong hindi ako pwedeng umalis dito sa ampunan na ito. Babalikan po ako ng mama ko dito"pagmamakaawa ko.

"Your mother is dead"walang awang pasabi ng babaeng kanina lang katitigan ko.

Nilingon ko siya na hilam sa luha ang mga mata ko. Kitang kita ko ang pagkakakuyom ng kamao niya at parang galit na galit siya.

"Hindi, hindi totoo ang sinasabi mo. Buhay ang mama ko"sigaw ko sa kanya.

Tinignan niya ako na para bang babalatan niya ako ng buhay pero wala kang emosyon na makikita sa mukha niya ngayon di tulad kani-kanina lang na para siyang galit.

"Gina is dead"aniya tapos tumayo na at iniwanan kami.

Pangalan ng mama ko iyon. Walang ibang nakakaalam dito sa ampunan ng pangalan ng mama ko maging ng totoo kong pangalan bukod kay mother superior.

"Pack your things Althea, don't make me say it again"utos sakin ng babae ng nasa tapat na siya ng pinto.

Nanlalaki ang mata kong napatingin sa kanya.

Sino ba ang babaeng ito at kilala niya kami ng mama ko.

...................
A/n: teaser... Bukas or mamaya ung chapter one.

Try ko lang kung di sasakit ulo ko na nakaharap na naman sa cp.
Nagpahinga ako pero parang di din kasi nagbasa ako ng MY PLAYBOY BOSS.

Namiss ko bigla si Malik at Issay.

GENTLEMAN'S QUEEN #8: Althea (COMPLETED)Where stories live. Discover now