Fifteen

7.9K 287 13
                                    

KUNG HINDI lang komplikado ang lahat baka nakagawa na ako ng mali.

Naiinis akong isipin na natapos ang kaso nila Althea ng wala akong nagawang paraan para mailabas sila.

They only attended one court hearing.  Tapos bumaba na ang hatol sa kanila. At nakakaasar dahil hindi siya ang nag-represent kila Althea.

Eventually, they lost the case at ngayon nga nasa-koreksiyunal na sila.  Sa Bilibid.

Nakapila ako ngayon sa pila ng mga dadalaw sa mga nakakulong dito. Wala akong imik hanggang sa makapasok ako sa loob at hintayin ang paglabas ni Althea.

"Ismael"tawag ni Althea sakin.

Napatayo ako para salubungin siya. Gusto Kong magwala sa nakikita ko.

Althea, my honor, my only love looks like shit.

Yakap-yakap ko na siya ngayon habang mahina siyang umiiyak sa dibdib ko.

Tangina, hindi ito ang pinangarap Kong buhay para sa kanya.

Ang gulo ng buhok niya, madumi ang damit niya. Halata din na pumapayat siya, may mga pasa siya sa katawan maging galos ay madami din.

"What are they doing to you here?"naiiyak Kong tanong sa kanya.

Umiiyak lang siya habang yakap-yakap niya ako.

Tangina,  bigla Kong naalala si Ate Quinzel. She's pregnant, baka ganito din ang kalagayan niya.

"Please, call ate to be here too. Hindi siya pwedeng mag-isa lang sa loob"mahina ang boses ni Althea na pakiusap nito.

Tumango ako kahit na mukhang hindi naman niya nakita.

"Okay, stay right here okay"

Pinatawag ko si Ate Quinzel agad-agad. And like Althea, they both look miserable. Baka magwala nalang bigla si Kuya kapag nakita niya ang itsura ng asawa niya.

"Damn, anong pinaggagawa nila sa inyo dito?"galit Kong bulalas.

I made it sure na malakas ang boses ko, I don't care kahit na magmukha akong nag-eeskandalo. I want to caught their attention, hindi matatapos ang araw na ito na wala akong gagawin para sa kanila.

"Lower your voice, Ismael"saway sakin ni Ate. 

Hindi ako makapaniwala sa pagsaway sakin ni ate Quinzel.

"Don't do any stupid, Ismael. don't try to tell this to your kuya, alam ko isa pa siya sa poproblemahin ko kapag nagkataon"dagdag pa nito.

"We're okay, nami--miss lang kita kaya ako napaiyak kanina"halos Hindi ko na marinig ang sinabi ni Althea kundi ko lang siya katabi baka hindi ko talaga narinig.

"Papaano okay kayo, look at yourself. look at ate Quinzel, nakakain pa ba kayo? eh ang matulog? is there someone abusing you two here?"sunod-sunod kong tanong sa kanila.

wala naman silang sagot sa mga tanong ko basta tahimik lang Silang nakikinig sa mga sinasabi ko.

"We're okay, next time magdala ka ng pagkain para may iba kaming makain dito. The food in here is to little, and we only eat once a day"bulong na utos sakin ni Althea.

Frustrated is over statement about what I feel right now.

"We'll gonna be okay in here Ismael. And it's much safer if we stay here"ani naman ni ate Quinzel.

I look at her with disbelief.  Paano sila nagiging okay dito at mas lalo ang safe sila dito.

"Are you gone crazy,  Ate Quinzel?"gulat Kong tanong dito.

GENTLEMAN'S QUEEN #8: Althea (COMPLETED)Where stories live. Discover now