One

19.2K 383 7
                                    

"WHOA!"

Sabay-sabay naming bulalas ng maubos ni Adam ang alak sa baso niya.

Nakantiyawan kasi siyang uminom ng hard drinks. Ito kasing pinsan kong ito masyadong mabait.

"Ubos na ayoko na last na 'to"reklamo niya.

Nakangisi naman si Jace na inakbayan ito.

"Anong last na? Nagsisimula pa lang tayo"ani  Jace kay Adam.

It's our graduation night, kaya kami nagse-celebrate ngayon. Actually kami lang namang apat ang nandito. Ako, si Adam, Jace at Kyle. Wala iyong iba at busy sa kanya-kanyang buhay. Ung dalawa kong kuya sa love life. Si Blaze sa love life din. Si Kuya Ivan hmm sa tingin ko family at love life din ang aga kasing nag-asawa tapos ang aga ding naghiwalay. Hay nagmadali kasi sila ni Ate Jade ayan tuloy.

"Hoy, anong iniisip mo dyan?"tanong sakin ni Kyle.

"Iniisip ko kung saan ako mag-eenrol sa pasukan"sabi ko nalang.

Iiling iling naman siyang sumandal at tinignan ang mga kasama naming nagkukulitan.

"Kakagraduate mo palang, enrolment na agad iniisip mo. Why not help kuya King sa family business niyo"anito.

"Nah, kaya na ni kuya iyon. Isa pa sa kanya namab ipapamana ang company. Not that I'm bitter on that, iba lang talaga ang gusto ko"sagot ko naman.

Tumabi sakin si Jace at ako naman ang inakbayan niya.

"Ikaw nga Ismael eh tumigil na muna sa pagiging matalino mo kunwari."kantiyaw niya sakin.

"Ikaw ang tumigil Jace, magseryoso ka nga sa buhay"sita ni Adam dito.

Oh nakalimutan ko, dalawa lang pala kami ni Kyle na nagtapos ngayong araw. Ako bilang Business Management graduate at si Kyle bilang pulis. Itong si Adam tatlong taon pa kasi pagbe-veterinary medicine ang kinukuha. At si Jace naman isang taon pa dahil engineering naman ang tinatapos.

"Seryoso ako sa buhay ko, mas seryoso lang kayo kaya di halata"pamimilosopo naman ni Jace.

Sanay na kami sa kanya simula pagkabata sila na ang kasama ko, abay kahit nasa mga tyan palang kami ng nga ina namin magkakasama na kami.

Nakalpin palang kami magkakabarkada na kaming lahat.

"Malala ka na"ani naman ni Kyle.

Tumayo si Jace na may hawak na bote ng alak.

"Cheers sa mga bagong graduate. Libre niyo ha"sabi pa nito habang nakataas ang kamay na may hawak ng baso.

Wala namang tumayo saming tatlo pero itinaas namin ang mg ahawak naming baso at bote.

"Cheers!"sabay-sabay naming sigaw.

After noon, bigla nalang umalis sa tabi namin si Jace. Nagpunta ng dance floor pero nakita namin na may sinamahan lang na mga katropa. Si Adam naman nagpaalam na din na uuwi na sa hindi malinaw na dahilan.

Si Kyle naman may pupuntahan pa daw ng maaga bukas so ending uuwi na din siya.

"Damn, sana nagstay nalang ako sa bahay masaya pa"reklamo ko habang nakatitig sa lamesang inukupa namin.

Ako lang din ang natira dito.

Sa bahay may konting celebration kanina pero sure ako nagpack-up na si mommy at daddy dahil wala ako.

Inuna ko pa kasi ang inom ayan tuloy bokya.

Inubos ko lang ang alak na hawak ko. Uuwi nalang din ako, wala naman akong kainuman.

GENTLEMAN'S QUEEN #8: Althea (COMPLETED)Where stories live. Discover now