Five

9.2K 281 10
                                    

I'M BUSY TRACKING DOWN Quatro's location. Mas madali sana kung natatawagan ko si Cinco. Ang malditang iyon bigla nalang nawala kasabay ng pagbagsak namin nila Quatro at Uno.

Lord Kaiser's judgement to Cinco is correct. walang ibang iniintindi ang babaeng iyon kundi and sarili lang nito.

"Anong ginagawa mo?"

Sa gulat ko bigla kong naisara ng wala sa oras ang laptop na gamit ko.

It's Ismael who asked me what I'm doing.

"Bakit ba bigla ka nalang sumusulpot kung saan saan?"inis kong sita sa kanya.

Tumawa lang ito bago naupo sa kaharap kong upuan.

Wala kaming usapan ngayon na magkikita kami. It's sunday so supposedly dapat araw ko ngayon, time alone ko ngayon. Walang kasong hawak, walang stress na mafia, at higit sa Lahat walang Ismael na manggugulo sa araw ko. Pero ano at nandito ang lalaking ito sa harapan ko.

"Is it sunday? why the fuck are you in front of me?"inis kong sita sa kanya.

"Ang init ng ulo mo, I just accidentally saw you here. See that boutique?"tinuro nito ang katapat na shop nila.

Nasa isang fast food siya ngayon nakatambay sa loob ng isang kilalang Mall.

"So?"

"That's my sister's shop"masayang sagot into.

Tinignan nito ang lamesa niyang puno ng pagkain at mga paper maging laptop niya at ilang gadget na gamit niya para mahanap sila Quatro.

"Kapal ng mukha, mag-order ka ng sarili mong pagkain"reklamo ko ng walang paalam na magsimulang kumain ang walang hiyang lalaking ito ng mga pagkain ko.

"Ang dami mo namang pagkain, ang liit liit mo. Share nalang tayo, wala akong dalang wallet"sagot nito habang sarap na sarap sa kinakain niya.

Napiling nalang ako at pinagmasdan nalang siyang kumain.

"Libre nalang kita ng damit doon sa shop ng Ate ko"dagdag pa niya.

"Tsk, ako ililibre mo? baka ate mo ang manglilibre sakin. Sa ate mo nga di ba hindi naman sayo"

Ngumiti naman ito kahit na ang daming nakasalampak na pagkain sa bibig niya.

"Magiging ate mo naman na din iyon kaya walang kaso"anitong punong puno ang bibig.

"Hindi ka ba naturuan ng table manner noong nag-aaral ka pa. Naturingan kang abogado ganyan ka kung kumain"sita ko sa kanya.

Halos mabulunan siya sa paglunok ng pagkain sa bunganga niya. Napataasang kilay ko ng abutin niya ang drinks ko at sa mismong straw ko siya uminom. Kapal talaga nito, hay ang sarap sakalin ng asawa ni Jhen bakit Kasi pinakilala pa sakin ang tukmol na ito.

"I have learned my table manner, milady. Pero ganito talaga ako sa mga taong kampante akong kasama. Besides your my girl anong ikahihiya ko kung ganito ang ugali ko sa pagkain."Anita sabay Monday pa sakin at uminom ulit.

Wala na akong masasabi pa sa taong ito, kundi ang kapal ng mukha.

Isininop ko nalang ang mga ginagawa ko, mamaya ko nalang ulit hahanapin sila Quatro.

In a snap ubos ang pagkain sa harapan namin, bang klase talag ang lalaking ito hindi halatang patay gutom.

"Come, let's go papakilala kita sa ate ko"excited na hinila na ako ni Ismael palabas ng fastfood restaurant at tumawid lang sa kabilang shop.

This shop is elegant, puro mga kilalang brand lang ang makikita sa loob. Iyong iba pa nga sa Paris lang makikita.

"Ate!"

GENTLEMAN'S QUEEN #8: Althea (COMPLETED)Where stories live. Discover now