Chapter 5 (OMG nandito siya!!)

829 32 0
                                    

CHAPTER 5 [OMG nandito siya!!]:

Pearl's POV.

Naglalakad kami ni Mrs.Foronda patungo sa 'di ko alam na lugar. Akala ko nga sa faculty niya ako dadalhin para utusan ng kung anu-ano eh. Pero ewan ko ba sa chitchiritang teacher na 'toh at kung saang lupalop ako dadalhin.

-_-

Hanggang sa huminto kami sa isang 'di ko alam na lugar pero sa loob pa rin ng school.. Hayy! Ilang buwan na ako sa school na 'to pero 'di ko pa rin kabisado ang mga lugar rito. Sa laki ba naman kasi ng school na 'to pang International School.

-_-

Binuksan naman ni Chitchirita 'yung pinto.

*Enggggg*

Tunog ng pinto 'yan huwag kayong ano.

At bumungad sa'kin ay mga lumang libro, maalikabok na paligid, napakadilim dahil sa dumi, may nakita pa nga akong daga eh. Eww!

"Nakikita mo ba 'yan?" tanong niya.

O.o

"Alin po? 'Yung mga libro, alikabok, ipis, daga, kalat o dumi?" tanong ko.

"Arghh! Di mo ba nakikita 'yan lahat?"

"Nakikita po, ano po ba 'yung tinutukoy niyong lahat diyan? Lahat ng libro, lahat ng alikabok, lahat ng ipis, lahat ng daga, lahat ng dumi o lahat ng kalat?" tanong ko ulit. Nakakalito naman kasi 'tong si Chitchirita eh.

Napahilot naman sa sintido niya si Chitchirita na halatang inis na inis na.

Kailan pa naging manghihilot si Chitchirita? Bakit naman siya maiinis? Dapat ako ang mainis kasi 'di niya nililinaw lahat ng sinasabi niya.

Bumuntong hininga pa siya at kinalma ang sarili.

Nagmeditate pa yata.

"Woahh! LAHAT NG LIBRO, LAHAT NG ALIKABOK, LAHAT NG IPIS, LAHAT NG DAGA, LAHAT NG KALAT AT DUMI AY LILINISIN MO!!" inis at pasigaw na sabi niya.

O.o

Bakit naman siya nagagalit sakin? Nakasinghot ba siya?

Tsaka a-anong sabi niya?

O_O

"LILINISIN KO LAHAT NG 'YAN?!!!" napasigaw naman ako sa gulat. Nagulat pa siya sa ginawa ko.

"SINISIGAWAN MO BA AKO? MS.FERER!!"

Luh?

My Goddess Princess (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon